MARIA ALEXANDRA'S P.O.V: "Alexandra, hindi ganun kadali 'yon matapos kong malaman ang lahat. Bakit hindi muna natin paglaruan ang iyong ama?" "Tumatanda na si Daddy kaya pwede ba tigilan mo na kaming dalawa? Wala na rin naman ang Mommy ko kung siya ang kailangan mo." Nagkibit-balikat si Valdez. "Hindi sana mangyayari ito kung hindi nagpakasal ang iyong ina kay Roberto edi sana masaya kami ngayon at magkaibigan pa rin kami ni Roberto ngunit masyadong mapaglaro ang tadhana kaya hanggat humihinga ako rito sa mundo, hindi ko titigilan ang magaling mong ama." Sinamaan ko na lamang ng tingin si Valdez ngunit hindi niya 'yon pinansin bagkus nagpatuloy siya sa pagkain. Napatingin na lang din ako sa mga pagkaing nakahain at wala sa sariling kumuha ako ng kubyertos at sinimulang pagsilbihan ang

