MARIA ALEXANDRA'S P.O.V: "P-Pero ang sabi niya, patay na ang Daddy ko. S-Sino ang nakalagay sa puntod na dinadalaw namin?" naikuyom ko ang aking kamao dahil sa mga nalalaman ko. "Tulad nga ng sabi ko, walang laman ang puntod na 'yon at nakita mo naman sa mga litrato na buhay na buhay ang ama mo. Kilala mo rin si Master Gambler hindi ba? Naging nobyo mo pa nga." Tuluyan nang nagusot ang mga litrato na hawak ko at sumama ang tingin ko kay Valdez. "Anong kinalaman ni Master Gambler sa Daddy ko?" "Nakiusap ang ama mo na hanapin ka sa loob ng The Last Gamble ngunit hindi ko alam kung tanga ba ang nobyo mo at hindi niya alam na nasa harapan niya lang ang hinahanap niya? Tignan mo ito," Isang panibagong brown envelope ang binigay niya sa akin at tuluyang gumuho ang mundo ko nang makita si D

