MARIA ALEXANDRA'S P.O.V: "GISING!" ani ng boses na siyang nakapagpagising sa diwa ko at ang mas ikinagulat ko ay ang buhusan ako ng malamig na tubig at halos mandiri ako dahil napupunta sa akin ang dumi ng sahig na kinaroroonan ko kaya naman mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan ko. "Ano bang problema mo!?" singhal ko sa tauhan ni Valdez. "Napakatapang mo talagang babae ka," biglang sambit ni Valdez nang mapagtanto kong nasa labas siya ng kulungan na kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung ilang araw na akong nanatili rito at tanging pagkain lang ang binibigay nila sa akin ngunit paano ko masiksikmura ang ganitong sistema kung may kasama akong naagnas na sa loob ng bilangguan? Kulang na lang ay mabaliw ako dahil nakakarinig na ako ng mga boses at kung anu-ano pang masamang elemento na n

