Gamble 25:

1000 Words

YVES DARYLL'S P.O.V: "SIGURADUHIN mo na lang na ito na ang una at huli na papasok ka sa casino na 'yan dahil oras na malaman kong tumuntong ka ulit diyan, ako na mismo ang magdadala sa'yo sa bilangguan. Naiintindihan mo ba?" "O-Opo, kuya." "Magbihis ka at matulog ka na." Napalunok na lamang ako at marahang tumango kay Kuya Yvrion at nagsimula na siyang maglakad palabas ng aking kwarto. Nang tuluyang sumara ang pinto, napaupo ako sa sahig habang sapo ang aking dibdib dahil sa kaba at takot na aking nararamdaman. Hindi ko talaga magawang magtago ng sikreto kay kuya Yvrion dahil nakakatakot siya kapag nagagalit at isa pa siya lang din ang kakampi ko sa oras na nasa kagipitan ako. Hinubad ko na lamang ang aking damit at tulad ng dati ay walang naiwan kahit isang saplot sa aking katawan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD