YVES DARYLL'S P.O.V: WALA SA sariling naglakad ako palapit kay Sophia at huminto ako nang makatapat ko siya. "Hi, are you Sophia Grace Guanzon?" nakangiting wika ko dahilan para magulat ang babae sa aking tinuran. "P-Paano mo nalaman ang pangalan ko at saka sino ka ba?" nahihintakutang wika niya. Masyado bang nakakatakot ang pustura ko para mamutla siya ng ganito? "I'm the Master Gambler and I want to talk with you." Lalong nangunot ang kanyang noo at bahagya siyang natawa. "Excuse me, Sir. Alam kong kilala si Master Gambler dito sa loob ng casino pero hindi mo pwedeng basta-basta na lang gamitin ang pangalan niya." Napabuga na lamang ako ng hangin at walang pagdadalawang-isip na binuhat ko siya sa aking balikat. "H-Hey, ibaba mo ako!" sigaw niya ngunit wala akong pakialam sa siga

