Gamble 4:

1000 Words
MARIA ALEXANDRA'S P.O.V: "Alright," tipid na sagot ko at inilahad niya ang braso niya sa akin at kumapit ako doon. Nilingon ko pa si Vincent ngunit tinanguhan niya lamang ako hanggang sa makarating kami sa isang VIP room at nagulat ako nang isalya niya ako sa pinto at hinawakan ang isa kong hita at iniyakap yun sa bewang niya. Habang ang pareho kong kamay ay inilapat niya sa ibabaw ng aking ulo at idiniin ang sarili niya sa akin. "Hmm, what can I do for a beautiful lady like you?" Napalunok ako dahil may nararamdaman akong matigas na tumutusok sa tiyan ko. "Can you be mine for tonight?" "Besides the money I won tonight, I want you to be my prize while I'm here at the casino." "Bakit ko naman ibibigay ang sarili ko sayo lalo na't isa kang estranghero sa paningin ko. Bitawan mo nga ako!" pumalag ako mula sa pagkakabalya niya sa akin sa pinto at mabuti na lang ay kusa niya akong binitawan. Nilagpasan ko siya at saka ako naupo sa couch at napapahilot ako ng sarili kong sintido dahil nagsisi ako kung bakit ako sumama sa lalaking ito. "Ang tapang mo talaga," tatawa-tawang wika niya at saka sumunod sa akin at naupo sa tabi ko. "Ano bang kailangan mo sa akin bukod sa pestehin ako sa trabaho ko?" inis na tanong ko sa kanya at bahagya akong lumayo dahil masyado siyang malapit sa kinauupuan ko. "Since you're already here, I might as well use you while I'm inside the casino." Napayakap ako bigla sa katawan ko. "Hibang ka ba? Mukha ba akong bagay na pwede mong gamitin kahit kailan mo gusto?" Pagak siyang tumawa ngunit sumandal lang siya sa upuan habang ang isa niyang braso ay nakasandal rin na halos nakaakbay na siya kung saan kami nakaupo. "It's not your body I'm after, even if I wanted to be. I need your help." Kumunot ang aking noo at tinignan ko siya ngunit tulala lamang itong nakatitig sa kisame ng kwartong kinaroroonan namin. "Anong tulong ba ang gusto mo? Kung tungkol sa pera yan, hindi ako ang malalapitan mo dahil hampas lupa lang ako at kaya ako narito sa casino ay may hinahanap akong tao." Bumangon si Yves mula sa pagkakasandal niya sa couch at hinarap ako. "Ah, so we have the same goal? We're both looking for someone here in this dangerous world called The Last Gamble. Quite a plot twist." Baliw. Humalukipkip na lang ako sa aking kinauupuan at pinagsalikop ang aking braso sa ibabaw ng dibdib ko maging ang aking paa. "Nandito ako para hanapin ang taong pumatay sa aking ama at sa loob ng tatlong taon na pagtatrabaho ko rito ay wala akong napapala." "Genesis is not just the beginning of a story, but the beginning of an endless cycle. Do you want the two of us to just work together? I'll look for the person you need, and you'll look for the person I'm looking for, but under three conditions." "Mukha ba akong interesado sa offer mo?" Sa totoo lang, ang sarap sa pandinig ng kanyang tawa. Masyadong malalim na parang inukit talaga ito upang bumagay sa kanyang katauhan. Ano bang pinagsasasabi ko? "We'll both benefit from this, so why would you refuse?" "Sa hilatsa pa lang kasi ng mukha mo, hindi ka na mapagkakatiwalaan." "Why did you come with me if you can't trust me?" "Kasi trabaho ko ang mag entertain o samahan ang mga taong narito sa casino." Pilosopong wika ko dahilan para mawala ang ngiti sa kanyang labi at naging seryoso ang kanyang mukha. Nakaramdam ako ng kaba dahil biglang bumigat ang tensyon sa paligid naming dalawa. Kinikilabutan ako sa uri ng tingin niya sa aking mga mata. Tila isang halimaw ang nakatago sa likod ng kanyang katauhan na ano mang oras ay handa niyang lamunin ang aking presensya. "From now on, I'm the only one you should serve while I'm inside the casino, and you shouldn't approach anyone else. You're also the only one I've revealed my true identity to, and you can't tell anyone else." "Wala naman sigurong may interes sa pangalan mo so safe yang sikreto mo sa akin." Gumuhit ang ngisi sa labi ni Yves at bigla siyang dumukwang sa akin at sobrang lapit ng mukha niya. Hindi ko magawang umatras dahil nakasandal na ang aking batok sa sandalan ng couch na nakadikit sa pader. "Do you know that I'm the most important person here in this underground casino? Every time I sit down at a table and start dealing cards, many eyes are watching me. So if I were you, you'd just agree to what I want, and we'll work together." Hinawi ko ang mukha niya palayo sa akin at saka ako tumayo sa aking kinauupuan. "You wish. Magtrabaho kang mag isa mo. May sarili rin akong trabaho. Good night." Hindi ko na hinintay pa na sumagot o pigilan man lang niya ako bagkus tuluyan na akong naglakad palabas ng kwarto at iniwan siya doon. Hindi ko kailangang mandamay ng tao para lamang hanapin ang mga demonyong walang awang pumaslang sa aking ama. At kung bibigyan ako ng pagkakataon, sila ang kusang lalapit sa akin. Hanggang sa makabalik ako sa pantry s***h tambayan namin, si Sophia na lang ang nadatnan ko roon at si Miko. "Tsk, maghanap nga kayo ng disenteng kwarto," wika ko nang makapasok ako kaya napahiwalay ang dalawa sa isa't-isa ngunit napapailing na nilagpasan ko na lang sila. Dumiretso ako papunta sa locker na naghahati rito sa pantry at tinungo ko ang locker ko at kinuha ang palda at coat na suot ko kanina at saka ako nagpalit ng damit. Nang lumabas ako, nagpatuloy nga si Sophia at Miko sa kanilang ginagawa at halos hubad na si Sophia. Hinayaan ko na lang silang dalawa at lumabas na ako para mag-out sa trabaho. Hanggang sa makalabas ako ng gusali napapabuga na lamang ako ng hangin dahil pakiramdam ko pagod na pagod ang katawan ko gayong nakatunganga lang naman ako ng ilang oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD