Gamble 5:

1000 Words
MARIA ALEXANDRA'S P.O.V: "Are you going home now?" usisa niya. Agad na umigkas ang isa kong kilay at iniangat ko ang aking tingin sa aking harapan at nakita ko si Yves na nakasandal sa gilid ng pader na nasisinagan ng kaunting liwanag mula sa street light. "Hanggang dito ba naman pakikialaman mo ako? Ano bang pakialam mo kung uuwi na ako? Nakakapagod kang kausap!" "I won't stop pursuing you because you're going to be my trump card while I'm here in this world of gambling. I only need a "yes" or "no" from you--" "Ayoko!" putol ko sa kanyang sinasabi at saka siya tinalikuran at nagsimula na akong maglakad. "Hey, is my offer for us to work together really that bad? Or if you really don't want to, just help me find my billionaire boss's child," aniya habang nakasunod siya sa at tinatahak namin ang tahimik na kalsada. "Sa loob ng casino? Alam kong pugad yun ng mga mayayamang tao ngunit hindi ko hawak ang personal nilang impormasyon. Manager ako at hindi hanapan ng taong nawawala." "Someone told me that the person I'm looking for works inside the casino, which is why I approached you. I saw that you were reading the list on your computer." "Listahan yun ng mga pautang ko! Lubayan mo nga ako!" singhal ko sa kanya ngunit hindi pa rin siya tumigil kakasunod sa akin. "Pumayag ka na kasi!" Aba, mapilit talaga siya. "Ayoko nga tyaka maghanap ka na lang ng ibang babae na tutulong sayo. Maraming babae sa loob ng casino." "Ayoko! Ikaw ang gusto ko!" Bigla akong natigil sa paglalakad at gulat na napatingin sa kanya. "A-Ano?" "Ikaw ang gusto ko." Hindi ko alam kung confession ba yun o inaasar niya lang ako? Pero kasi bumibilis ang t***k ng puso ko na parang ang sarap sa pandinig ng pagkakasabi niya nang gusto niya ako. Okay, Malex. Scratch that s**t. He just want to pester you. "Ayoko pa rin!" sambit ko na lamang at saka ako nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko ang tapat ng bahay nina Christina at nakasunod pa rin siya sa akin kaya hinarap ko siya. "Hindi ka ba talaga titigil?" "Hindi. Desperado ako eh." Ay ang galing. "Mukha nga." Napapangiwing wika ko. "Hanggang dito ba naman sa bahay ko, sinundan mo ako. Lubayan mo na ako bago pa ako magtawag ng pulis at ipadampot ka." "As if I'm afraid of the police?" pilosopong wika niya at humalukipkip pa ito sa harapan ko habang may nakapaskil na ngisi sa kanyang labi. Burahin ko kaya ang mukha niya, baka sakaling matuwa pa ako? Ang brutal mo, Malex! "Tss, ewan ko sayo. Manigas ka dyan!" muli ko siyang tinalikuran ngunit agad rin akong natigilan at bumalik sa pwesto ko dahil hinawakan niya ang aking braso upang pigilan ako. "Do I still need to court you just to get you to agree to what I want? What I'm asking from you is just a simple request." "Simple pala, bakit hindi mo gawin?" "Look, I'm really desperate to find the person I need, and I only have a three-month deadline. So, I'll be bothering your life for three months, too. Whether you like it or not, you're going to help me." Kinabukasan, nadatnan ko si Christina at Tito Chris na nasa kusina at kasalukuyan silang kumakain ng agahan. Kape at mainit na pandesal lang ay ayos na sa amin at isa pa nakakahiya naman kung maghangad ako ng mas higit pa sa kanyang ibigay ni Tito Chris kung nakikitira lang ako sa bahay nila. "Malex, may naghahanap sayo at kanina pa siya naghihintay," ani ni Christina nang makaupo ako sa bangko. Nagtatakang napatingin ako sa kanya habang kumukuha ako ng tasa at sinalinan yun ng mainit na tubig. "Sino naman ang maghahanap sa akin ng ganito kaaga at bakit hindi mo ako ginising?" "Yun nga ang ipinagtataka ko at himala na may naghahanap sayong lalaki. Manliligaw mo ba yun? Ikaw ha, in fairness naman gwapo siya." Tuluyan nang nangunot ang aking noo sa sinabi ni Christina. "Lalaki?" "Malex, wala namang masama kung magpapaligaw ka lalo na't nasa tamang edad ka na rin lang. Mas maigi sigurong mag-asawa ka na kaysa hanapin ang hustisya ng iyong ama," ani ni Tito Chris kaya naibaling ko ang tingin ko sa kanya. "Tito, mas mahalaga pa rin sa akin ang hustisya kaysa maghanap ng mapapangasawa." Iniangat ni Tito Chris ang tingin niya sa akin at saka ibinaba ang hawak niyang tasa. "Ang pagkakasala ay parang mabigat na bagahe na dinadala mo, hanggang sa matuto ka na bitawan ito. Hindi mo kasalanan kung pinatay ang ama mo sa mismong harapan mo, patahimikin mo na siya, Malex." Napabuga na lamang ako ng hangin at napayuko sa aking mga kamay na nakapatong sa mesa. "Tito, hindi po ganun kadali na kalimutan ang isang bangungot na minsan ko nang nasaksihan. Hustisya ang kailangan ko." "Na pati ang sarili mo ay handa mong ipahamak mula nang pumasok ka sa underground casino na may pangalang The Last Gamble?" Hindi naman lingid sa kanila ang trabahong mayroon ako dahil maging si Christina ay nagtatrabaho rin sa hotel kung saan nananahan ang casino. Nasa front line si Christina habang ako ay nasa anino ng gusali kung saan kami nagpapaalipin na dalawa. "Tay," ani ni Christina. "Kahit naman tayo ang nasa sitwasyon ni Malex ay hindi papayag na hindi makuha ang hustisya na nararapat sa atin. Hanggat kaya natin siyang tulungan at suportahan ay gawin na lang natin." "Anak alam ko yun ngunit naaawa rin ako kay Malex dahil hanggang ngayon ay dala niya pa rin ang bigat ng kahapon. Alam kong mahirap tanggapin na walang na ang kanyang ama ngunit ang tanging magagawa na lang natin ay humakbang patungo sa hinaharap dahil ganun naman talaga ang buhay, walang permanente." "Itutuloy ko pa rin po ang paghahanap ng hustisya kay Daddy at kaya ko pong protektahan ang sarili ko kung sakaling mapahamak man ako. Nasa labas pa ba ang bisita ko?" pag-iiba ko na lamang sa aming pinag-uusapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD