MARIA ALEXANDRA'S P.O.V:
"Oo yata. Ayaw naman niyang pumasok eh, tignan mo na lang," sagot sa akin ni Christina kaya nagpaalam na lang ako sa kanilang mag-ama at saka ako naglakad palabas ng bahay dala ang aking tasa na may lamang kape.
Paglabas ko nga ay agad kong nabungaran ang pamilyar na bulto ng lalaki at umigkas ang aking kilay nang makitang simple lamang ang suot nito.
Isang puting tshirt na hindi na puti dahil mukha na yung putik, kupas na maong na pantalon at lumang sapatos.
Nasaan ang lalaking nakasuot ng mamahaling tuxedo kagabi?
"Anong ginagawa mo rito?" wika ko nang wala man lang mahihita na kahit anong emosyon habang nakatingin sa lalaking nakaupo sa gilid ng kalsada.
"Ang aga mong gumising ah? Kape ba yan?" tukoy niya sa hawak ko kaya wala sa sariling ibinigay ko yun sa kanya na agad niyang tinanggap at naupo ako sa tabi niya. "Nandito ako para ligawan ka,"
"Bakit mo naman ako liligawan? Nasaan na yung mala-respetado mong itsura kagabi?"
Bigla siyang natawa sa aking sinabi at saka sumimsim sa tasa na hawak niya.
Langya, ako ang nagtimpla, iba ang nanginabang.
"Yun ba? Front ko lang yun para hindi naman ako magmukhang hampas lupa. Tulad mo, simpleng mamamayan lang din ako na may simpleng pamumuhay at tahimik na pamilya."
"Hindi halata sayo ah?"
"Oh come on. Lahat ng tao ay may tinatagong sikreto. Para sayo nga pala."
Inabutan niya ako ng isang box na kulay lupa at nagtatakang napatingin sa kanya. "Ano to?"
"Hopia para sa puso mong nangungulila."
Humugot pa talaga.
Inalis ko ang ribbon na nakatali doon at bigla akong nakaramdam ng gutom nang maamoy ko yun. Mainit-init pa siya at mukhang bagong luto pa.
"Huwag mong sabihing ikaw ang may gawa nito?" wika ko at saka ako kumuha ng isa at kinagatan yun at tila nakalimutan ko bigla ang layunin ko rito sa mundo nang matikman ang hopia na dala niya.
Shet! Ang sarap!
"Syempre ako ang may gawa niyan. Sabi nga nila kung gusto mong makuha ang isang tao daanin mo sa pagkain."
"Mukha ba akong patay gutom?"
"Hindi ah. Ang sexy mo nga eh kaya nabihag mo ako."
Napairap na lang ako sa kanya at inabutan ko siya ng isa na tinanggap niya naman at saka kami tahimik na kumain sa gilid ng kalsada.
Mabuti na lang at mayaman sa puno ang paligid namin na kahit sa katirikan ng araw ay hindi kami mabibilad na parang tuyong isda.
"Ano ngang pakay mo bukod sa pagdadala ng hopia sa akin?" muling usisa ko kasi wala lang. Ito ang unang beses na may bumisita sa akin at lalaki pa.
Wala rin akong masyadong kaibigan bukod kay Christina at hindi ko rin maituturing na kaibigan si Vincent o kahit ang mga taong nagtatrabaho sa The Last Gamble.
"Liligawan ka nga," aniya na siyang ikinangiwi ko.
"Mukha ba akong kaligaw-ligaw na tao at saka wala akong panahon na makipag-relasyon no."
"Ayaw mo sa gwapong tulad ko? Maganda naman ang lahi ko saka matalino ako."
Kung itsura lang din ang pagbabasehan, wala ngang tapon sa kanya. From his facial features to his physical appearance ay masasabi kong pwede na siyang maging modelo o artista ng isang tv station.
"Feeling mo naman ang gwapo mo? Wala ka bang salamin sa bahay niyo?"
"Wala, kaya nga kumpyansa ako sa sarili ko na gwapo ako eh."
"Kapal mo. Lumayas ka na nga at salamat dito sa hopia mo."
"Yun lang ang sasabihin mo sa akin?" tila hindi makapaniwalang tanong niya nang tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa kalsada.
"O bakit? Anong gusto mong sabihin ko, sinasagot na kita? Kapal mo ah."
"Hey, we're not done yet!"
"Nyenye, wala akong narinig. Lumayas ka na!" sigaw ko sa kanya hanggang sa makapasok ako sa loob ng bahay at saktong nakasalubong ko si Christina.
"O, hindi mo man lang pinapasok yung bisita mo?" takang tanong niya ngunit inabot ko lang sa kanya ang kahon na hawak ko.
"Hindi. Di naman siya importanteng tao para papasukin siya sa buhay ko. Kapag bumalik siya rito sabihin mo patay na ako."
"Hoy, ang OA mo. Ano ba to?"
"Hopia para sa puso mong nangungulila."
"Ano? Hoy!"
Hindi ko na hinintay pa na sermonan ako ni Christina at nilayasan ko siya hanggang sa makabalik ako sa kwarto. Mamayang gabi pa ang pasok ko sa trabaho at panibagong puyatan na naman ang gagawin ko.
Ano bang trip ng Lucchesi na yun na kahit dito sa bahay ay sinusundan niya ako?
Ligaw?
Utot niya. Mukha ba akong mauuto sa hopia lang?
Pero ang sarap nong hopia kaysa sa mga nabibili ko sa tindahan-- okay Malex, shut up na.
Binuro ko na lamang ang sarili ko sa mga dokumentong nakakalat sa aking mesa at muling inisa-isa ang mga impormasyon na binigay sa akin ni Tito Chris.
Hanggang ngayon ay wala pang usad ang kaso tungkol sa mga pumaslang kay Daddy at sa tingin ko ay kailangan ko na ngang huminto at mag-asawa na lang katulad ng suhestiyon ni Tito Chris.
Hays, ewan.
"Malex, ang aga mo ngayon ah?" biglang sambit ni Sophia nang lumitaw ito sa harapan ng front desk kung saan ako naroon.
As usual, putok na naman ang labi niya sa lipstick at batak ng kolorete ang kanyang mukha na hindi ko alam kung ilang patong na.
"Hello din sayo, tamad na bati ko at saka ako sumandal sa mesa. "Anong pakay mo?"
"Wala naman. Papasok ka ng casino mamaya hindi ba? Baka naman pwedeng alamin mo kung sino si Master Gambler?" ani ni Sophia.
"Anong meron sa kanya?" takang tanong ko although hindi naman ako interesado sa kung ano man ang kailangan niya sa akin.
"Curious kasi ako." aniya at saka sumandal sa front desk kung saan kami naroon. "Ang sabi ni Vincent gwapo daw yun at literal na mayaman kasi kung mahirap siya, hindi siya basta-basta makakapasok dito."
"O tapos?"
"Baka pwedeng kumuha ka ng picture niya kahit stolen man lang? Gusto ko talaga siyang makita at makilala eh."