Gamble 7:

1000 Words
MARIA ALEXANDRA'S P.O.V: Napakurap na lamang ako ng aking mga mata kay Sophia at hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko mula sa kanya. "Stolen shot?" hindi makapaniwalang wika ko. "Oo. Isang beses lang naman ako makikiusap sayo. Baka naman pwede mong magawan ng paraan lalo na't hindi naman kami basta-basta pinapapasok tuwing sasapit ang hating gabi dahil bawal na kami don." "Alam mong mahigpit din sa impormasyon ang The Last Gamble kaya imposible yang sinasabi mo." Bumusangot ang mukha ni Sophia. "Kailangan ko pa bang magpanggap bilang customer ng The Last Gamble para lang masilayan at akitin si Master Gambler?" "Bakit hindi mo subukan?" suhestiyon ko tutal siya naman ang nakaisip. "Ayoko nga. Kakarampot na nga lang ang sahod ko rito tapos isusugal ko pa? Huwag na lang. Dyan ka na, pupunta na ako sa locker ko." Nagkibit-balikat na lang ako at hinayaan si Sophia na umalis sa harapan ko. Bakit ba masyado silang naku-curious sa kung sino man ang Master Gambler na yun gayong lahat naman na pumupunta rito sa casino ay pawang sugarol. Umalis na lang ako mula sa pagkakasandal ko sa front desk at inatupag ang computer ko at tinignan kung sinu-sino ang mga pupunta. As usual, wala namang kakaiba kaya nang mamemorize ko na ang nga pangalan na nasa listahan, agad kong in-exit ang tab at nang lumingon ako, ganun na lamang ang gulat ko nang makita si Yves na nakadungaw sa ginagawa ko. "Anong kailangan mo?" malamig na boses na wika ko. Isang ngiti ang binigay ni Yves sa akin na akala mo ay nanalo siya sa luto. "Nothing. I just missed your beautiful face. This is for you, by the way," aniya at ibinigay sa akin ang isang supot na hindi ko alam kung ano ang laman. Ngunit nang mahawakan ko yun, agad kong naamoy ang tinapay. "Ano to?" "Siopao, para sa matamis mong oo na gusto kong makamtan." Napangiwi ako sa kanyang sinabi at tila kinilabutan ako dahil doon. "Hindi ka ba titigil dyan sa kalokohan mo? Wala nga akong balak na magkaroon ng nobyo." Akmang ibabalik ko sa kanya ang supot ng siopao na ibinigay niya ngunit hinawi niya lamang ng marahan ang kamay ko. "Na-ah. I won't take no for an answer, babe. Keep that and eat while you are taking a break from work. See you later." Kumindat pa siya sa akin bago pumasok sa loob ng casino at napatingin ako sa siopao na binigay niya. "Tsk, kamukha mo ang lalaking baliw na yun." Isinantabi ko na lamang ang pagkain sa aking mesa at saka nagsimulang atupagin ang trabaho ko dahil unti-unti nang dumarami ang tao na pumapasok sa loob ng casino. Ang ilan sa kanila ay pamilyar na sa akin at ang iba naman ay mga bagong salta rito sa The Last Gamble hanggang sa may napansin akong isang grupo ng mga kalalakihan kung saan napapalibutan nila ang isang lalaking may edad na at biglang pumasok sa aking alaala ang masalimuot na bangungot na hanggang ngayon ay dala ko pa rin. "Mr. Valdez, long time no see," ani ni Vincent nang bigla na lamang itong sumulpot sa harapan ng grupo at tulad ko, walang makita na kahit anong emosyon sa kanyang mukha. Ilang dipa lang ang layo nila sa front desk kung saan ako naroon at hindi man lamang nila alintana ang aking presensya kung marinig ko man ang pinag-uusapan nila. Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa wakas ay nagpakita na siya sa akin sa loob ng tatlong taon na pagpapanggap ko rito bilang empleyado ng The Last Gamble. "Vincent! It's been a long time since we last saw each other. How is this place?" "Same old, Mr. Valdez," tipid na sagot ni Vincent. "If looks could kill, the person you're giving a death stare would have already dropped dead." Marahas akong lumingon sa aking likuran at nakita ko si Yves na nakaupo sa tabi ko nang hindi dumadapo ang pwetan niya sa sahig habang nakahawak siya sa swivel chair na kinauupuan ko. "Ano na naman ang ginagawa mo rito?" singhal ko sa kanya at nagpabalik balik ang tingin ko sa kanya at sa grupo nina Valdez na kasalukuyang kausap pa rin si Vincent. "I just saw something interesting, so I came back here. Do you know them?" tukoy niya sa direksyon nila Valdez at naging seryoso ang mukha ni Yves. Nawala ang ugali nitong maloko at laging nakangiti at tila ibang tao ang nasa harapan ko ngayon. "Hindi." Mabilis na sagot ko. Wala akong balak na sabihin sa kanya na ang taong hinahanap ko ay nasa harapan ko na mismo. "Hmm, is that so? Why are you giving them such a deadly stare, like you want to bury them alive, even though you don't know them?" "Pakialam mo ba sa uri ng tingin ko sa mga taong nasa harapan ko?" gigil na wika ko sa kanya at parang mas gusto ko siyang sakalin kaysa kay Valdez na siyang pumatay sa aking ama. "Woah, easy there, babe. I am not your enemy." "Pare-pareho lang kayo. Lumayas ka nga sa harapan ko kung wala ka namang kailangan." Bumusangot ang mukha ni Yves. "I'd rather be with you than with the people inside. Should I just stay here instead?" "Ulul! Hindi tambayan ang front desk kaya pwede ba lumayas ka na." Pangtataboy ko sa kanya at bigla na lamang kaming natigilan ni Yves nang marinig namin ang sinabi ni Valdez. "I heard that the Master Gambler is back, Vincent. Is he there? I want to play against him just once." Nagkatinginan pa kami ni Yves bago ibaling ang tingin namin sa grupo nina Valdez at kay Vincent na siyang humarap sa kanila. Sa pagkakatanda ko, wala ang pangalang Valdez sa guest list ng casino. Tanging mga politiko, artista at businessman ang narito ngayong gabi. "I apologize, but Master Gambler doesn't come here regularly, and it seems your timing didn't align." Magalang na wika ni Vincent ngunit ang mas ipinagtaka ko ay ang tawa na pinakawalan ni Yves.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD