MARIA ALEXANDRA'S P.O.V:
Bumaba ang tingin ko kay Yves na nanatiling nakaupo sa tabi ko habang nakahawak sa arm rest ng upuan at tumatawa siyang mag-isa.
"Nababaliw ka na ba o kulang sa turnilyo ang utak mo?" wala sa sariling sambit ko dahil bigla-bigla na lamang tumatawa ang lalaking ito sa tabi ko.
"If I'm going to go crazy, I want it to be because of you."
"Ulul! Hindi bebenta sa akin yang mga banat mo."
"You're so harsh and cold to me, but don't worry, I'll soften you up. Maybe not now, but in bed-- ouch!"
Hinampas ko siya sa kanyang noo dahil may lumot na lumabas mula sa kanyang bibig.
"May sinasabi ka?" pinanlakihan ko pa siya ng aking mga mata dahil kaunti na lang ay matatadyakan ko na siya.
"I love you too."
Naningkit ang aking mga mata at aambahan ko sana siya ng suntok sa mukha nang may magsalita sa harap ng front desk.
"Malex," biglang sambit ni Vincent at nagulat ako nang nagsumiksik si Yves sa ilalim ng desk ko.
May kataasan ang front desk na kinaroroonan ko at hindi kita kung ano ang nasa loob bukod sa mukha ko.
"Bakit?" takang tanong ko at doon ko lang napansin na wala na sila Valdez.
Bwisit na Yves kasi to! Nawala yung pag asa ko na mailigpit ang matandang Valdez na yun!
"Master Gambler has requested that you go to the VIP room where he is currently playing."
I tilted my head in curiousity. "Akala ko ba wala siya ngayon? Bakit niya ako nirerequest?"
"I only said that to get Valdez to stop. They're a dirty competitor, and we can't lose Master Gambler as a regular customer. He just got back."
"Sige, ako na ang bahala."
Nagpaalam na si Vincent na babalik na siya sa loob ng casino at nang bumaba ang tingin ko kay Yves, naningkit ang aking mga mata nang makita sinisilip niya ang loob ng skirt na suot ko kaya pinitik ko ang kanyang noo.
"Bastos!" singhal ko sa kanya kaya umangat ang kanyang paningin patungo sa akin at isang inosenteng ngiti ang binigay niya sa akin.
Pesteng ngiti yan!
"I'm just securing the cave where my heir for the next generation will emerge, once you say yes."
"Mangarap ka!"
"Of course. It's my dream to kiss you and take you to bed, but I won't rush you with that. Slowly but surely, and deeply."
Inambahan ko ng sipa si Yves ngunit tumawa lang siya at saka umalis mula sa pinagtataguan niya.
Sumandal siya sa mesa at nakapamulsang tumingin sa akin na akala mo ay isa siyang modelo ng magazine.
"All I can advise you is, don't go near or even talk to Valdez."
Umigkas ang isang kilay ko sa kanya at saka ako humalukipkip sa aking kinauupuan.
"At bakit?"
Bahagyang tumungo si Yves sa akin at halos isang dangkal na lamang ang layo niya sa aking mukha ngunit dumiretso siya sa aking tainga at bumulong.
"Kasi... magseselos ako."
Busangot ang aking mukha nang makapasok ako sa locker room kung saan naroon ang mga gamit namin at tila naririnig ko pa rin ang huling kataga na binitawan ni Yves bago siya umalis ng casino.
Kung pwede lang manakal ng tao, baka kanina ko pa ginawa ngunit itutuon ko na lamang ang atensyon ko kay Valdez at magsimulang maghanap ng kasagutan tungkol sa pagkamatay ng aking ama.
"Bakit parang susuong ka sa isang gyera dahil diyan sa busangot mong mukha?" ani ni Miriam na kararating lang at mukhang tapos na shift niya bilang bantay sa roleta.
"Wala. May gusto lang akong sakalin ngunit hindi ko magawa. Nakakapang-init talaga ng ulo ang mga lalaki!" singhal ko at saka pabagsak na isinara ang locker ko matapos kong makapaglagay ng manipis na kolorete sa aking mukha at suot ang isang asul na ball gown bago ko hinarap si Miriam.
"Bakit nadadamay kaming mga lalaki?" ani ni Edgar na kapapasok lang din.
"Pare-pareho lang naman kayong may t**i di ba? Dalawa ang ulo pero isa lang ang gumagana." Inis na wika ko pa.
"Broken hearted ka ba o may lalaking nagtangkang saktan ka para idamay mo kami ng ganyan?" usisa ni Edgar habang hawak ang mop na gamit niya sa paglilinis.
"Ito, magiging broken hearted?" natatawang wika ni Miriam habang nakaturo sa mukha ko ang daliri niya. "Ni hindi nga to namamansin ng lalaki bukod sa ating mga katrabaho niya kaya imposible na maging sawi sa pag-ibig si Malex."
"Tigilan niyo nga ako. Hindi ako broken. Sadyang naiinis lang ako sa iisang tao. Dyan na nga kayo!"
Iniwan ko na sila at hindi na hinintay pa ang kanilang sasabihin at saka ako naglakad palabas ng locker room at tinungo ang casino.
Kailangan ko nga palang harapin si Master Gambler at mukhang trip ako ng gagu dahil may lakas siya ng loob na magrequest kay Vincent para sa serbisyo ko.
Nang marating ko ang VIP room, tatlong katok at aking binitawan at nang buksan ko ang pinto, laglag ang aking panga nang makita ang taong kinaiinisan ko kanina pa.
"Ikaw si Master Gambler?" bulalas ko nang makita si Yves na nakaupo sa couch at sumisimsim ng alak sa hawak niyang kopita.
"The one and only, babe. Come here and sit beside me."
Parang gusto ko na lang umalis dahil ayaw ko siyang makita ngunit oras pa ng trabaho ko kaya wala akong nagawa kundi ang lumapit sa kanya at maupo sa tabi niya.
"Ano bang trip mo sa buhay?" inis na wika ko.
"Tunghayan mo kung paano ko uubusin ang yaman ni Valdez pero bago iyon, sabihin mo muna sa akin ang dahilan kung bakit galit ka sa taong yun?" ani ni Yves na seryoso lamang ang mukha matapos niyang ilapag sa mesa kung saan may mga baraha na nagkalat ang hawak ang niyang kopita.
Sasabihin ko ba?
Wala akong tiwala sa kanya ngunit isang buntong-hininga ang aking binitawan.
"Si Valdez ang dahilan kung bakit ako narito sa The Last Gamble. Huwag mo ng itanong ang dahilan kung bakit."