Sa hapagkainan ay kinausap ko ang mga magulang ko sa mga plano namin na magkakaibigan. Ngunit nag-aalinlangan ang mga magulang ko dahil baka daw may masamang mangyari sa akin doon ay kung sakaling makapasa ako bilang DOH ay ito ang unang beses na mahihiwalay ako sa kanila.
“Nanay at Tatay sana po payagan niyo po ako para makatulong po ako sa pag-papaaral sa mga kapatid ko.” saad ko sa kanila.
“Anak gusto ko na makapagtrabaho ka pero kailangan ba na mag-abroad ka at yun lang ba ang naisip mo na applyan?” saad ni tatay
“Yun po kasi ang naisip ni Alma at baka kung iba ang applyan namin ay kailangan pa ng experience.”
“Anak hindi naman sa ayaw ko ang trabaho ng DH pero natatakot ako na baka mapunta ka sa masamang amo. At saludo ako sa mga DH dahil sa paghihirap nila para maiangat ang kanilang pamilya.” saad ni nanay
“Nanay sana maintindihan nyo po ang hangarin ko. At kung hihintayin ko ang mga inapplyan ko ang baka matagalan pa ako na makapagtrabaho. Mag-iipon lang ako tapos uuwi din ako nanay.” paliwanag ko sa kaniya.
“O sige papayag ako kung papayag ang tatay mo.”
Tumingin ako kay tatay at humingi ako ng permiso na sana pumayag na din siya. Pero nag-iwas ng tingin si tatay sa akin.
“Anak pag-iisipan ko muna.” saad ni tatay.
“Tatay bukas sana may sagot kana dahil magpapaalam na din sila Riza at Alma sa mga magulang nila.”
“Sige pag-iisipan ko anak, pero tutol ako sa gusto mo na magDH.” saad ni tatay at pumasok na siya sa silid nila ni nanay.
Kahit papaano ay maayos naman ang buhay namin. Minsan lang nahirapan sila nanay kapag sabay sabay ang bayarin sa school at kung madami ang mga projects na pinapagawa sa amin. Lalo na sa akin noong huling taon ko sa kolehiyo. Madaming projects at kung anu-ano ang pinapagawa nila sa amin.
“Ate ako na lang ang maghuhugas at alam kong napagod ka sa paghahanap ng trabaho.” saad ni Liza sa akin.
“Sige bunso salamat.”
Tinulungan din ni Lito si Liza na magligpit at siya na ang nagpunas sa mesa. Kinuha ko na din ang walis para walisin ang mga kalat. Si nanay naman ay pumunta na sa kaniyang tindahan ay may mga namimili pa.
Kinuha ko muna ang cellphone ko sa kwarto ko at bumalik sa sala upang manood ng t.v. Pagkaupo ko sa ratan na upuan namin sa sala ay binuksan ko na ang aking cellphone. Sakto naman na nagmensahe na sila Riza at Alma. Pareho silang nagtatanong kung pinayagan na ako ng magulang ko.
“Hindi pa nga pumapayag si tatay.” reply ko sa gc namin.
“Ako din hindi pa pinapayagan nila tatay” sabi naman ni Alma.
“Pinayagan na ako nila tatay dahil alam nilang makakatulong ako para sa kinabukasan ng mga kapatid ko.” saad naman ni Riza.
“Beshy Riza buti ka pa pinayagan na.” saad ko sa kaniya.
“Mga beshy don’t worry papayagan din kayo ng mga parents nyo.”
“Yes ipagdadasal ko na sana payagan na kami ni Alma.”
“Ako din beshy ipagdadasal ko na payagan na tayo.”
“So let’s have another plan kung ano ang next na gawin natin kapag pinayagan na kayong dalawa.” saad ni Riza
“Ahm naisip ko na tumuloy tayo sa kakilala ni ate sa Maynila at doon na lang tayo mag-apply sa agency niya dati para hindi tayo mascam. Alam nyo na mahirap na ang maloko. Madami pa naman ang ganun.” saad naman ni Alma.
“Okay may tutuluyan na tayo so paano ang gagastusin natin?” tanong ko sa kanilang dalawa.
“Mga beshy sa tingin nyo pwede kaya tayo magonline selling doon? Mga ukay ganern? Uso kaya ngayon ang maglive ng mga ukay-ukay.” ani Riza
“Oo nga ano pwede tayo maglive habang naghihintay tayo sa pag-aapply natin doon para makaipon din tayo ng pangbayad natin sa agency.” saad ko naman.
“Sige go ako diyan magtanong-tanong ako kung saan tayo pwede bumili ng bale sa Maynila at tiyak mas mura doon.” saad naman ni Alma.
“So planado na tayo ah. Kailangan na lang na payagan na kayong dalawa. Atmakumpirma natin ang ating tutuluyan.” ani Riza.
“Yes, sana payagan na talaga kami.” saad ko naman.
“Paano tayo maglalive? Diba may ring light ka beshy Riza?” tanong naman ni Alma.
“mga Beshy leave it to me dadalhin ko ang mga kailangan natin.” saad naman niya.
Madami pa kaming napag-usapan tungkol sa mga ukay na ilalive namin at kailangan din na gumawa kami ng sarili namin page para yun ang gamitin namin. Si Riza ang nagboluntaryo na na siya na daw ang gagawa. Siya kasi ang magaling pagdating sa paggawa ng mga ganyan at pagedit.
Madami na din kami naplano at sana ay mapagtagumpayan namin lahat ng mga plano namin at mga pangarap namin para sa aming pamilya.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para makatulong sa gawaing bahay. At mamaya ay pupunta kami ni Riza sa bahay nila Alma upang alamin kung nakausap na niya ang kaniyang ate na nasa ibang bansa.
“Anak magbantay ka nga muna sa tindahan at may bibilhin lang ako sa palengke na mga paninda. Madami na kasi ang kulang.” sabi ni nanay sa akin.
“Sige po nanay ako na po ang bahala doon tapusin ko lang ang paglilinis.”
“Sige anak, huwag ka ng magluto at nakapagluto narin ako kanina. Ang kapatid mong si Lito ay sumama sa tatay mo sa bukid. Maaga silang umalis. Si Lisa naman ay tulog pa pero huwag mo munang gisingin hayaan mo na lang na matulog siya.”
“Okay po nanay.” sagot ko naman sa kaniya.
“Oh siya yung mga bilin ko sayo Lea huwag mong kalimutan. At huwag kang magpapautang sa mga kapitbahay natin kahit anong sabihin nila.” bilin pa ni nanay sa kain.
“Opo hindi po ako magpapautang.” at umalis na nga si nanay patungong palengke. Madami din kasi ang mga nagungutang sa tindahan ni nanay pero hindi nagbabayad at kung magbabayad man ay matagal. Kahit na sampung piso na nga lang ay uutangin pa nila. Hays buhay nga naman.
Habang nag-aayos ako ng mga upuan ay siya naman ang gising ni Lisa. At binati niya ako.
“Good morning ate kong maganda.” bola niya sa akin.
“Good morning din sa buso namin na maganda.” ganting bola ko sa kaniya.
“Nasaan si nanay?” tanong niya sa akin.
“Nasa palengke bumili siya ng paninda niya. Bakit may kailangan ka ba?”
“Wala naman ate, itatanong ko lang kung makakapunta ba siya sa school namin kasi may brigada eskwela daw sabi ni teacher.”
“Ah itanong mo pagdating niya kasi hindi ko din alam.” saad ko sa kaniya. Si Lisa ay nasa Grade 8 na siya at si Lito naman ay Grade 11 kaya kailangan ko din na magabroad dahil ang kursong kukunin ni Lito ay magastos. Pangarap daw niya ang maging doctor kaya gusto kong tulungan ang mga magulang ko na mapag-aral ang mga kapatid ko.