Natapos ako sa paglilinis sa bahay at si Liza naman ay siya ang nagbantay sa tindahan ni nanay. Naisipan ko na magluto muna ng umagahan bago ako maligo at tawagan ang mga kaibigan ko. Makikibalita narin ako kung pinayagan na ba sila sa plano naming na mag-abroad.
Habang nagluluto ako ay hindi ko namalayan ang pagdating ni tatay. Madami siyang dalang gulay galling sa bukid.
“Anak kunin mo nga itong mga gulay at maghuhugas muna ako ng paa ko sa may poso.” Saad niya sa akin at dali-dali ko din kinuha ang mga gulay na nasa kain.
Madaming mga gulay ang tanim ni tatay sa bukid at may mga alagang hayop din kami sa likod ng bahay kaya kahit hindi kami mamalengke ay may mauulam kami kahit papaano. Masipag ang mga magulang ko. Gusto nila ay mayroon kaming nakahandang pagkain sa oras ng kagipitan.
“Opo ‘tay.”sagot ko sa kanya. Lumapit ako sa may pintuan at binuhat ko ang kaing na pinaglagyan ni tatay ng mga gulay at inilapag ko ang gulay sa may mesita.
Binalikan ko narin ang niluluto kong umagahan namin na pritong daing at itlog. Alam kong napagod si tatay sa bukid kaya ipinaghanda ko narin siya ng pagkain niya at kape.
“Nasaan ang nanay mo?”tanong niya sa akin.
“Namalengke ‘tay. Bumili ng paninda niya dahil malapit na raw maubos yung ibang stocks niya.”
“Oh siya si Liza tulog pa ba?”
“Nasa tindahan po siya ang pinagbantay ko dahil naglinis pa ako at nagluto narin ng umagahan.”
“Tawagin mo na para makakain narin.”
“Opo.” Sagot ko sa kaniya at pinuntahan ko na si Liza.
May bumibili pa kaya hindi siya kaagad nakasunod kaagad sa akin. Kumuha narin ako ng plato namin at ipinagtimpla ko narin si Liza ng kaniyang gatas pero sa akin ay kape.
Paglapag ko sa gatas at kape ay siya naming pagdating ni Liza.
“Wow ang sarap ng ulam peborite ko lahat to.” Sabi niya sa ulam naming na daing at itlog may kasamang kamatis at bagoong na sawawan.
“Naku magtira para kay nanay dahil nagkape lang yun kanina bago umalis.” Sabi ko sa kaniya.
“Hayaan mo na ang kapatid mo kung gustong kumain ng marami dahill masarap talaga ang ulam.” Sabad naman ni tatay.
“Opo, pero dapat magdahan dahan rin siya ang mamaya madami na naman yan makain. Bahal ka at tataba ka ng husto niyan.” Banta ko sa kaniya.
“Okay lang ate na tumaba maganda parin naman ako ah.” Sabi niya sabay ngiti.
Pagkatapos naming magumagahan ay nagligpit na ako. Si tatay ay pumunta sa likod bahay upang tignan daw ang kaniyang mga alagang hayop. At si Liza naman ay bumalik sa tindahan ni nanay.
Naghuhugas ako ng pinggan ng dumating si nanay. At madaming dalang mga paninda.
“Nanay ang dami moa tang nabili ngayon?” tanong ko sa kaniya.
“Oo anak at malaki laki din kasi ang napagbentahan ko kaya idinagdag ko sa puhunan.”
“bayaan mo nanay at kapag nakapagabroad na ako eh grocery store naman ang pagiipunan natin.”
“Haay naku Lea tigilan mo muna ako diyan sa pag-aabroad mo. Hindi pa ako pumapayag.”
“Nanay sige naman po para po ito sa atin at sa mga kapatid ko. Malapit na po magkolehiyo si Lito kaya kailangan natin ng pera.” Paliwanag ko sa kaniya.
“Sige pag-iisipan ko maigi at pag-uusapan naming ng tatay mo.”
“Salamat nanay.” Sabi ko sa kaniya sabay lapot sa kaniya at yumakap ako sa kaniya.
“Anak gusto kong magkaroon ka ng magandang buhay at magkaroon ng magandang trabaho kaya ka namin pinag-aral ng tatay mo.”
“Nanay alam ko po yun at gusto kong malaman niyo na dalawang tao lang ang gagawin ko at maghahanap din ako doon ng eskwelahan na pwedeng pagturuan.”
Hindi na sumagot si nanay at nagpaalam ako sa kaniya na titignan ko kung mayroon mensahe sa akin ang mga kaibigan ko. Hindi nga ako nagkamali at meron ngang message si Alma.
May gc kaming tatlo at ang gumawa ay syempre si Riza at ang pangalan ng gc naming ay “The Pretty Trio” arte niya diba.
“Besh hindi daw mahanap ni ate yung contact number ng agency niya dati. Ang tagal naman na daw kasi yun. At natapos na pala ang kontrata niya doon kaya naging direct hire daw pala siya ngayon.”
“Aah doon na siya nag-apply noon?” tanong ko sa kaniya
“Oo besh ang sabi niya ay madami naman daw sa Manila ang legit na agency tingin na lang daw tayo doon.”
“Oh sige magtanong tanong nalang tayo or magsearch ng mga agency.” Sabi ko sa kaniya.
“Pinayagan ka na ba?” tanong niya sa akin.
“Hindi pa nga eh pinag-iisipan pa ni nanay.”
“Pumayag na si tatay sa akin dahil sabi ko naman sa kaniya na pwede din ako mag-apply doon ng pagkateacher kung may bakante sa mga school doon.”
“Yan din ang sabi ko kay nanay.”
“Sana payagan kana, eh si Riza bakit kaya hindi yun nakaonline ngayon?”
“Baka tulog pa yun. Alam mo naman yun ang daming ganap sa buhay.”
“May alam na pala akong pagkukuhanan natin ng mga ukay sa Maynila kung sakaling matuloy tayo.”
“Talaga! Naku sana talaga makaalis na tayo within this week para makapagumpisa na tayo. At malapit na maubos yun pera na naipon ko.” Saad ko sa kaniya.
“Ako nga din malapit ng maubos.”
Madami pa kaming napagusapan ni Alma hanggang sa nagpaalam siya sa akin na may gagawin pa daw siya. Kahit magkakalapit kami ng bahay ay bihira din kami lumabas dahil minsan tumutulong din kami sa mga magulang namin.
Kaming tatlo ay naging working student. Pinayagan din kami noon ng mga magulang naming para makadagdag sa gastusin at gusto ko din makapag-ipon para sa paghahanap din ng trabaho. Kahit papaano ay may naitabi din ako at sa tingin ko ay kakasya narin para sap ag-abroad ko.
Kahit papaano ay magaan din ang buhay namin pero gusto ko parin na makatulong lalo na ay magkokolehiyo narin si Lito. Mahirap magpaaral kapag ang kinuhang kurso ay yung mga magastos pero sulit naman kapag nakapagtapos.
Gusto din ni Lito na maghanap ng part time job para makadagdag daw sap ag-aaral niya. Pero hindi pa siya pinapayagan nila tatay dahil isa si Lito sa scholar kahit ang kapatid kong bunso ay magaling din sa klase. Kaya pinagbubuti din ng mga magulang ko na magkaroon kami ng pera para sa pag-aaral namin.
Pagbaba ko sa hagdan ay nakita ko ang mga magulang ko na masinsinan na nag-uusap. Napatingin sa akin si nanay at tinawag ako.
“Anak halika muna dito at gusto kong pag-usapan ang pag-aabroad mo.” Saad niya sa akin.
“Nakapagdesisyon na kami ng nanay mo.” Saad naman ni tatay.
“Talaga po ‘nay ‘tay? Ano po ang desisyon ninyo?” tanong ko sa kanila.
“Pumapayag na kami pero…” tumingin muna si nanay kay tatay at hindi na maituloy ang gusto niyang sabihin.
“Ano po yun nanay? May kondisyon po ba kayo?”
“Oo anak, sana kahit dalawang taon ka lang doon at mag-apply ka parin ditto bilang isang guro. Alam ko naman na gusto mo ang pagtuturo diba?”
“Oo naman nanay at kung papalarin nga gusto ko din mag-apply doon sa abroad bilang isang teacher. Kung sakaling payagan ako ng mga magiging amo ko ay mag-aapply po talaga ako doon.”
“Sige anak pinapayagan ka namin ng nanay mo.”
“Salamat po nanay at taytay.” Sabi ko sa kaniala na umiiyak at yumakap na ako sa kanilang dalawa.
Ibinalita ko na sa dalawa kong beshy na pinayagan na ako ng mga magulang ko. At tuwang –tuwa sila dahil matutuloy na kami sa pagpunta sa Maynila.
Napag-usapan naming na Sabado kami luluwas ng Maynila para makahanap narin kami ng tutuluyan pero nagsuggest si Riza na baka pwede daw kami sa apartment ng kaniyang tiyahin tumuloy.
“Mga beshy baka pwede tayo sa paupahang apartment ng tiyahin ko sa Maynila, itatanong ko kung magkano ang isang buwan nila at kung pwede na tatlo tayo sa isang unit.”
“Sige besh at hati-hati tayo sa bayad.” Sabi ko sa kaniya.
“Okay besh sana may bakante pa,Oh siya sige na at tatawagan ko si tiya kung may bakante siya para may tutuluyan na tayo pagdating doon.”
“Sige besh inform us kapag ok na ha.” Sabi ko sa kaniya.
“Okay babush.” Paalam niya sa amin.
“Besh excited na ako.” Sabi naman ni Alma.
“Ako din besh sana palarin tayo sa pupuntahan natin.”
“Kaya nga besh. Alam mob a sab ni ate sa una mahirap daw pero kapag nagtagal ay masasanay din daw tayo.”
Kinabukasan ng gabi ay lumuwas din kami patungong Maynila dahil may tamang-tama daw na may bakanteng unit sa pinapaupahan ng tiyahin ni Riza. Ibibigay daw niya sa amin ng mura dahil hindi na daw siya iba sa aming tatlo.
Mabait talaga ang tiyahin ni Riza at sinabi pa na tutulungan daw kami sa paghahanap ng agency nap ag-aaplayan naming tatlo.
“Nanay tatay mamimiss kop o kayo.” Paalam ko sa kanila. Nag-iiyakan kaming lima dahil ngayon lang ako mawawalay sa kanila.
“Ate mag-iingat ka doon.” Sabi ni Lito
“Anak pagdating niyo sa Maynila ay tumawag ka kaagad sa amin para alam namin na nakarating na kayo ng Maayos.” Bilin ni nanay sa akin.
Lumabas na kami ng bahay dahil bumusina na ang sasakyan na maghahatid sa amin. Ang tatay ni Alma ang maghahatid sa amin. May sarili na silang sasakyan dahil sa naipundar ng ate ni Alma.
“Ano pare hindi ka ba sasama sa paghatid?” tanong ng tatay ni Alma.
“Hindi na pare mag-ingat nalang kayo.” Sabi naman ni tatay.
“Oh siya pare at baka maiwanan pa ng bus etong tatlo.”
“Sige mag-ingat kayong tatlo doon sa Maynila.” Paalala pa ni tatay sa aming tatlo.
“Opo.” Sabay naming sagot.
Kumaway na ako sa kanila habang papaalis na ang sasakyan. Mabigat ang dibdbi kong aalis pero kailangan para sa kinabukasan naming lahat.
Nakarating kami ng Maynila ng maayos at tinawagan ko narin ang mga magulang ko at sinabing nakarating na kami ditto sa apartment ng tiya ni Riza.
“Oh kung may kailangan kayo magsabi lang kayo sa akin ah, huwag kayong mahihiya.” Sabi pa niya sa amin.
“Opo tiyang.” Sabi naman ni Riza.
“Ano ba yan Riza ang pangit pakinggan nasa Manila kana pamangkin kaya dapat tita ang itawag niyo sa akin.”
“Oo na tita at hindi na tiyang.” Natatawang sabi ni Riza
“Oh siya magphinga muna kayo at alam kong napagod kayo sa biyahe.”