CHAPTER 4

1951 Words
Kinabukasan ay nagpunta kami sa bilihan ng mga ukay-ukay. Nag-ambag kaming tatlo para sa dalawang bale na bibilhin namin. “Mga beshy ito nalang ang bilhin natin yung shorts and blouses.” suggestion ni Riza. “Sige mga beshy yan na lang at mukhang yan daw ang mabenta sabi nung may-ari.” saad ko sa kanila. Kinausap ko kasi muna yung mga nagbebenta dito para alamin kung ano ang mga best seller nila. Yun nga daw yung mga u.s. bale at korean tees shirts. Kumuha na kami ng isang u.s. bale na T-shirts at isang shorts na mga high waist.Aayusin muna namin bago namin I-live mamayang gabi. Bago kami umuwi ay kumain muna kami para tuloy-tuloy na din ang pagset up namin mamaya pagdating namin sa apartment. Bumili rin kami ng hanger at para maihanger namin mamaya ang magaganda. Hihiramin din namin ang sampayan ni tita Eloiza para magandang tignan ang aming set-up. “Mga beshy dapat madami tayong mabenta mamaya. Yung account ko na lang ang gamitin natin para madami tayong viewers.” saad ni Riza dahil siya ang madami ang followers sa sss. “Oo dapat sa’yo talaga.” sabi ko naman sa kaniya. “Riz ikaw ang maglalive ah kami lang maglilista at maglalagay ng mga code.”saad ni Alma. “Oo beshy yakang yaka natin ito sisiw lang yan.” sabi naman niya. Sumakay na lang kami sa taxi pauwi dahil sa sobrang bigat ng binili namin na bale. Ang sabi ng mga nagtitinda ay magaganda daw ang mga iyon at siguradong sold out daw ang items namin. “Naku talagang pinanindigan ninyong bumili ng ukay ah.” salubong sa amain ni Tita Eloiza pagkakita sa amin na bumababa sa taxi. “Kuya pwede po patulong na lang na ipasok yan sa loob ng bahay?” tanong ko sa driver. Dahil sa laki ng bale at bigat ay hindi namin kayang buhatin. “Sandali at tatawagin ko ang pinsan mo kadarating lang niya.” sabi ni tita Eloiza. Binuhat na nila ang bale at nagpahinga muna kami saglit at aayusin namin mamaya ang binili namin. “Magbebenta ba kayo o magaabroad?” tanong ni Kuya Zandro na pinsan ni Riza. “Eh kuya habang naghihintay kami ito ang gagawin namin pero bukas eh mag-aapply na kami.” “Maganda yan at mag-ingat kayo sa pag-apply madami ang manloloko.” saad niya sa amin. Nagtratrabaho sa isang Construction Firm si kuya Zandro at isa daw siyang Civil Engineer. May itsura si kuya Zandro at malamang madami ding babae na umaaligid dito. “Anong oras kayo aalis bukas? Pwede ko kayo idaan sa mga agency doon Ermita at may dadaanan akong site.” tanong ni kuya Zandro. “Maaga kaming aalis kuya para makahanap kami ng pag-aaplyan namin.” “Oh sige sumabay na lang kayo sa akin bukas.” saad niya sa amin at umalis na din dahil may gagawin daw siya. Pero pinakiusapan namin siya na tulungan kamin magset-up mamaya at pumayag naman siya. Naging maayos ang paglive namin ng mga damit at halos maubos ang paninda namin. Tumulong din si kuya Zandro at natatawa ako dahil may mga girls na gusto siyang imine. Nakipagkulitan narin si kuya Zandro sa kanila. Bukas din kukunin ng courier ang mga sold out items at buti may kakilala din si kuya Zandro at doon na lang ipapadala yung mga nasold out. Inayos na muna namin ang aming mga items na ipapadala bago kami umalis. Nakisabay kami kay kuya Zandro at ibinigay din niya ang kaniyang cellphone number para daw kontakin namin siya kapag natapos kami sa pag-apply. Lumipas ang dalawang linggo na pag-apply namin at nanghihingi na ng processing fee ang inapplyan namin. At nagbigay kami nga kami ng tig twenty thousand pesos naming tatlo. Pero sa kasamaang palad ay nagoyo kami dahil yung pinagbigyan namin ay hindi na daw pumasok. Kaya kailangan namin na maglive ng ukay para may pang gastos kami at pambili ng bale para makaipon kami para sa pag-apply ulit namin. Nakaupo kaming tatlo dito sa apartment na inuupahan namin at nakatunganga. Hindi namin alam kung paano ang gagawin namin dahil naloko kami ng isang empleyado sa agency na pinag-applyan namin. Nagulat kami ng may kumatok. Dahil parepareho kaming nakatunganga. Tumayo si Riza at pinagbuksan ang pintuan. “May dala akong pagkain para sa inyo.” saad ni kuya Zandro sabay taas sa pagkaing dala niya. “Para sa amin o para kay Lea?”tanong naman ni Riza kay kuya Zandro “Ikaw talaga Riza ang daldal mo.” saad ni kuya Zandro at pumasok na dito sa loob ng apartment. “Hmmp deny ka pa eh may gusto ka naman sa kaniya bakit di mo pa kasi aminin.” pilit pa ni Riza “Tumahimik ka nga, kumusta ang application niyo?” tanong niya “Kuya itinakbo ng isang empleyado nila yung perang ibinayad namin.” umiiyak ng sabi ni Alma. “Ano? Eh paano na ngayon yan?” “HIndi nga namin alam kuya eh.” sabi ko naman “Bakit di na lang kayo mag-apply sa mga eskwelahan dito sa Manila madami naman sigurong open na job para sa inyo.” saad niya. “sus gusto mo lang makasama si Lea eh.” sabi ni Riza “Alam mo pinsan panira ka talaga ng diskarte ko.”inis na sabi niya kay Riza Naging masaya ang gabihan namin at nakisalo narin si kuya Zandro sa amin. Aaminin kong gwapo siya pero hindi ko siya gusto. At wala din ako nararamdaman sa kaniya dahil siguro mayroon akong goal na gustong matupad. Habang naghuhugas ako ay lumapit sa akin si kuya Zandro. “Lea may itatanong sana ako sayo?” sabi niya sa mababang tono. “Ano yun kuya?” “Pwede bang huwag mo na akong tawaging kuya? At pwede ba kitang ligawan?” sabi niya na nakatingin sa aking mga mata. Nagtama ang aming mga mata at ako ang naunang nag-iwas dahil nahihiya ako sa kaniya. Halos araw-araw siyang may dalang pagkain dito at laging tumutulong kapag may kailangan kami. “Kuya pasensiya na at wala pa sa isip ko angmagboyfriend at may mga pangarap pa ako na gustong matupad.” Malungkot kong saad sa kaniya. “Makakapaghintay naman ako.” “Sorry pero ayaw kitang paasahin.” saad ko sa kaniya. Tumango na lang siya sa sinabi ko at bumalik na siya sa sala. Pero ilang sandali lang ay nagpaalam na din siya. Alam ko nasaktan ko siya pero ayaw ko naman siyang paasahin kaya mas maiging ngayon pa lang ay tutulan ko na siya. “Huy, anong sinabi mo sa pinsan ko? Bakit ang lungkot niyang umalis? Binasted mo ba siya?” untag sa akin ni Riza habang isa-isa namin inaayos ang mga ukay na pwede naming ilive bukas. “Ayaw ko naman siya paasahin sa wala at tsaka hindi ang pagkikipagligawan ang ipinunta natin dito beshy.” nakasimangot kong saad sa kaniya. “Haist ang ganda mo kasi, pang-ilan na ba si kuya sa mga nabasted mo dhai! Grabe ang haba talaga ng hair mo!” sabi pa niya sa akin “Naku kung ako lang ang niliwagan ng pinsan mo hindi pa siya nagtatanong ay sinagot ko na yan.” sabad naman ni Alma sa amin. At halatang crush niya si kuya Zandro. Minsan nagpapapansin siya kay kuya lalo na kapag may ginagawa si kuya at gusto niya nagpapatulong siya. “Naku wala tayo magagawa beshy Alma at siya lang ata ang biniyayaan ng kagandahan.” “Hoy beshy Riza maganda tayong tatlo.: sabi ko sa kaniya. “Oo na, sige na bilisan natin para may ipapreview ko mamaya bago tayo matulog.” Tinapos na namin ang pag-aayos ng ukay-ukay para bukas wala na kaming gagawin kahit na tanghaliin na kami na magising ay okay lang. Umabot kami ng halos dalawang buwan sa pagoonline selling ng ukay-ukay hanggang sa tinawagan na kami ng agency na pinag-applyan namin na magready na kami para sa aming medical. Sa Dubai parin ang aming inapplyan para malapit lang din kami sa kapatid ni Alma. Ang sabi ng agency kapag ayos na daw ang aming medical ay ilang araw na lang at flight na namin kaya lahat ng ukay na tira namin ay isinale nalang namin lahat. At buti nalang at sold out lahat, buti nalang kapag may online selling kami ay laging nariyan si kuya Zandro kaya nauubos ang paninda namin.Nagpaalam din kami sa mga customers namin dahil ito na ang last day ng pagoonline selling namin ng ukay. “Oh mga kabeshy sana sa next na paglive namin ng ukay ay bumili parin kayo ha. Mamimiss namin kayo mga kabeshy!” paalam ni Riza sa kanila. “We will miss you din beshy trio.” We will miss you too beshy trio” “Mamimiss din namin si papa Zandro.” “Papa Zandro ikaw na lang ang maglive! Para hindi ka namin mamiss!” saad ng isa “Ay naku huwag na kayo kay kuya Zandro at may gusto na siya pero hindi siya mapusuan ng pinupusuan niya” sabi ni Riza sa kanila “Waaah papa Zandro ako na lang ang pusuan mo” “Papa Zandro ako na lang ang pusuan mo!” saad nila at madami pa ang nagcomment hanggang sa nagpaalam na si kami sa kanila. Namigay din kami ng give aways sa mga madaming nabili sa amin. “Grabe ka Riza pati ako gusto mo ibenta ha” sabi ni kuya Zandro habang umiinom ng tubig. Halatang napagod sa ginawa namin. Galing pa kasi yan sa trabaho pero dumiretso na dito sa bahay dahil naririnig daw niyang naglalive kami. Hindi na siya nakaalis dahil natutuwa siya sa kaniyang pinsan. At tumulong na lang siya sa mga may namine, nakikilabel din siya. “Kuya baka next week na ang flight namin.” sabi ni Riza sa kaniya. “talagang tuloy na kayong tatlo, iiwan na ninyo ako ah.” nagtatampong sabi niya. “Anong silbi ng videocall kung hindi ka natin gamitin. Nasa malayo man kami pero maabot parin kami sa isang tawag lang. Lalo na kay Lea. Dba Lea?” “Oo naman gawa ka ng gc nating apat.” saad ko naman sa kaniya. “Baka naman gusto kang masolong kausapin ni Kuya Zandro.” tudyo pa niya sa amin. “Baka makalimutan ninyo ako ah.” sabi pa niya “Hindi yan lagi kami magmemessage or tatawag sayo. Hanapan ka pa namin ng Jowa doon.” sabi pa ni Riza “Ayoko ng ibang jowa meron akong gusto pero ayaw naman niya.” “Eh baka hindi pa handa? Huwag kang mag-alala kuya Zandro dahil hindi lang ikaw ang nag-iisang binasted niyan.” natatawang sabi naman ni Alma. “Manahimik nga kayong dalawa. Wala pa kasi sa isip ko yan dahil may mga kapatid pa ako na nag-aaral.” “Oo na nga.” sabad ni Riza Nakahiga kaming tatlo at pinag-uusapan namin ang magiging buhay namin sa ibang bansa. Kung ano ang magiging kapalaran namin doon. “Mga beshy kinakabahan ako sa mga magiging amo natin. Basta dapat lagi kayong online ha.” sabi ni Riza “Ako din mga beshy natatakot ako.” saad ko sa kanilang dalawa. Pagsapit ng Linggo ay hinatid kami ni Kuya Zandro at tiyang sa airport. Hindi na kami umuwi sa probinsiya dahil mas mahirapan kaming magpaalam. Tumawag na lang kaming tatlo sa aming pamilya at naiintindihan naman nila dahil nga mahal din ang pamasahe. “Mag-iingat kayo doon at tumawag kayo kapag nakarating na kayong tatlo doon ha.” sabi ni tita Eloiza at nadala na kaming tatlo sa kaniyang pag-iyak. Hindi nagtagal ay nagpaalam na nga kami kina tita Eloiza at kuya Zandro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD