Sneak peek lang guys. Kumbaga, pampagana at magbigay excitement sa inyo. Sa isang malaking mansiyon kung saan napapaligiran ng mga armadong tauhan. Napatayo siya sa kama at saka kinuha ang wine glass na may lamang red wine na nakalagay sa ibabaw ng table at saka umiinom ng bahagya. Nag ring ang celphone na nasa tabi ng wine bottle. Kinuha niya iyon at saka sinagot. "Kumusta ang plano?" "Boss, naka kasa na ang lahat. Mamayang madaling araw na namin isasagawa ang plano." Sagot ng isang tauhan. "Good. At gusto ko masaksihan mamaya ang magaganap." At saka niya pinutol ang usapan at binalik ang celphone sa table. Uminom siya ulit ng red wine at saka naglakad patungo sa veranda. Malakas ang aircon ng nasa loob siya ng kuwarto, ngunit sa veranda ay maalinsangan iyon at kakaiba ang dati

