Hindi pa rin nagkakamalay ang kanyang papa pero nawala na ang lahat ng takot na kanyang nararamdaman. Hawak niya ang kamay nito samantalang ang kanyang mama naman ay mahimbing ang tulog sa sofa bed ng silid kung saan doon inilipat ang kanyang papa. "Salamat papa. Salamat dahil lumaban ka para sa amin ni mama." Mahinang pagkakasabi ni Luke sa kanyang ama habang wala itong malay. Tinignan niya ang kanyang mama. May benda pa sa kanang balikat nito dahil sa pagkakabaril. Dalawang araw na ang nakakalipas mula ng mangyari ang insidente. Kahapon ay nagtungo ang mga pulis upang hingian siya ng statement ulit at iisa lang ang kanyang sinabi gaya noong gabing dinala sa ospital na iyon ang kanyang mga magulang. Wala siyang ideya sa kung sino ang may motibo para gawin iyon sa kanila. Maging ang ka

