Nanginginig na niyakap ni Luke ang kanyang mga magulang na parehong nakahandusay sa sahig. Ang kanyang mama ay lumuluha habang hawak ang balikat nito na may tama ng baril. At ang kanyang papa naman ay walang malay dahil sa dibdib nito mismo tumama ang baril. "Maawa kayo sa amin! Tulungan ho ninyo kami!! Sigaw na pagmamakaawa ni Luke habang umiiyak. At bigla na namang may isang malakas na pagputok ng baril. "Bang!" "Putsa! Nalintikan na! May mga pulis! Sibat na tayo sa may likuran!" Reaksyon ng isang hitman ni Mr. Henry Villamor. "Paano yung isa? Siya ang prime target ni boss." "Mas malilintikan tayo kapag nahuli tayo dito! Tara na. Babalikan na lang natin siya sa ibang araw!" At nakipagpalitan ng putok ang tatlo sa mga alagad ng batas habang tumatakas. At kasabay na rin ng pa

