"Shanen! Gumising kana. Hindi ba ngayon ka magpapaenroll? Last day of enrollment na. Bumangon ka na dyan!" naramdaman kong may humihila nung kumot ko. Inagaw ko ito pabalik. Sobrang inaantok pa ako eee.
"Ay nako batang to! Bumangon ka na dyan! Doon ka na nga lang matulog sa apartment mo mamaya. Napakahirap mong gisingin. Wag mo akong sisisihin kapag hindi ka nakapagpaenroll ngayong taon." bigla kagad akong nagising nung narinig ko yung sinabi ni Lola Lucy. Shet! Enrollment nga pala ngayon! Bigla kagad akong bumangon at nakaramdaman ako ng konting kirot sa ulo ko.
"Anong oras na po ba?" tanong ko. Tumayo na ako at niligpit yung hinigaan ko.
"Pasado alas-siyete na. Napakahirap mo palang gisingin bata ka. Bilisan mo dyan at mag-almusal ka na."
Nagmumog muna ako at naghilamos bago kumain. Alas-siete nap ala ng umaga, buti nalang 8am pa yung start ng enrollment. Ininom ko yung kape na tinimpla ni lola lucy para naman mawala kahit papano ang antok ko. Grabe! Apat na oras lang ang tulog ko. Bigla ko tuloy naalala yung nangyari kagabi. Kapag naaalala ko iyon ay automatic na kinikilabutan ako. Sa sobrang takot ko kagabi ay dito ako natulog kay lola lucy. Tabi kaming dalawa sa kama nya. Buti nalang sya lang mag-isang nakatira dito.
"Akala ko ba hindi ka takot sa multo?" sabi ni Lola lucy. I grumpily looked at her.
"Eh lola lucy naman po kasi hindi naman po talaga ako takot. Kaya lang po kasi out of nowhere sinabi nyo nun tapos ganung oras pa. Syempre naman po matatakot ako." nakasimangot kong sabi.
"Hindi pa naman ako sigurado. Hula ko lang naman yun e."
"Kahit na po natakot pa rin ako." I pouted.
"Haha. Osha. Pasensya na kung natakot ka sa sinabi ko."
"Okay lang po. Salamat nga po pala at dito nyo ako pinatulog." nganitian nya lang ako. Tumayo na sya at nagumpisang ligpitan yung kinainan namin. Tumayo ako at tinulungan sya.
"Ako na po ang maghuhugas." sabi ko ng akma nyang huhugasan yung mga pinagkainan namin.
"Osige. Nandito lang ako sa labas. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka." tumango na lang ako at nagumpisa nang maghugas.
"Shasha eto pa yung baso sa lamesa." napalingon ako sa nagsalita. There standing like a freaking model while pointing at the glass on top of the table. I loud shriek escaped my mouth.
"LOLAAAA!!!" nagtatatakbong pumasok sa loob si lola lucy.
"Shanen bakit?!" natatarantang sabi nya.
"L-lola n-nakita ko po ulit s-siya." medyo maiyak-iyak na sabi ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Ha? Sino?" takang tanong nya.
"Y-yung l-lalaki po kagabi. Yung baliw." lumapit sakin si lola lucy at inabutan ako ng tubig.
"Sigurado ka?"
"Opo. Siguradong-sigurado po ako." naupo muna kami ni lola lucy sa sala nya. Nataranta ako ng bigla syang tumayo.
"Lola san po kayo pupunta? Wag nyo po akong iwan." parang bata na sabi ko. Kasi namaaaan. Natatakot talaga ako tapos tinawag pa akong shasha nung lalaking yun. Ano yun close kami?
"Hindi may kukunin lang ako. Dyan ka lang saglit lang ako." pumasok si lola lucy sa kwarto nya. Paglabas nya ay may dala na itong photo album. Naupo sya sa tabi ko at binuksan yun. Palipat-lipat lang sya ng mga litrato. Parang may hinahanap.
"Buti nalang natabi ko pa." sabi ni lola lucy sa sarili nya. She looked at me and gave me the picture. "Sabihin mo nga sakin kung sya yung nakita mo." tiningnan ko yung litrato at sobrang nanlaki yung mata ko. Tsaka ko lang naalala na may nakita nga pala akong litrato ni Carl sa cupboards nung unang pasok ko palang sa apartment.
"Siya nga po!" I exclaimed. Tinitigan ko ng maigi yung picture. Siyang-siya nga. Ganun na ganun din yung suot nyang damit.
"Kung ganun. Si Carl nga yung nakikita mo. Simula kagabi at kanina." kinuha ni lola lucy yung litrato sa kamay ko at tinitigan to. "Kuha ito nung huling araw ko syang makita. Naalala ko may dalang camera ang anak ko nun at naisipan nyang kuhanan kami ng litrato." malungkot na sabi nya.
Natatakot at kinakaban man ako ay pinilit kong pumasok sa loob ng apartment ko. Halos matawag ko na ang lahat ng santo sa utak ko at masabi lahat ng dasal na alam ko sa sobrang takot. Nakapaligo na ako at nakapagbihis buti na lang ay hindi na sya nagpapakita. Kasalukuyan kong inaayos yung mga gamit at papers na kailangan ko sa pagpapaenroll habang nagpapatugtog ng sobrang lakas. Nagpapatugtog ako ng party songs habang sinasabayan ito para mawala kahit papano ang takot ko.
Tiningnan ko ang orasan ko, 7.30 palang. Walking distance lang naman ang layo ng apartment ko sa Moon University kaya okay na magpetiks petiks muna ako.
Nahinto ako sa pagkanta ng biglang namatay yung pinapatugtog ko. At...
"Ang sakit na nga sa tenga nung pinapatugtog mo dahil sa sobrang lakas tapos sasabay ka pa? Durog-durog na yung eardrums ko!" came from a voice that I don't want to hear. Unti-unti syang lumapit sakin habang nakalagay ang dalawa nyang kamay sa bulsa ng pants nya.
"D-don't you dare to come near me!" banta ko sa kanya. Agad kong kinuha yung dalawang buong bawang na hiningi ko kay lola lucy bago ako bumalik dito. Tinapat ko ito sa mukha nya. Narinig ko naman ang pagtawa nya.
"Hey. Put your weapons down." ibinaba nya yung kamay kong may hawak na bawang na nakatapat sa mukha nya. Sobrang lamig ng kamay nya at ngayon ko lang din napansin na sobrang puti nya. I shook the thought off.
"Wag ka sabing lalapit! Hindi ka ba natatakot sa bawang na hawak ko!"
"I'm not afraid of garlic!" narinig ko na naman ang tawa nya na para lang syang normal na tao.
"Here's your schedule. By the way, the classes will start tomorrow." sabi ni Miss Lulu.
"Po? Akala ko po ba next week pa?" Yun talaga ang pagkakaalam ko. Kaya nga hindi pa ako bumili ng mga gamit ko.
"Marami kasing holiday this semester kaya in-advance yun pasukan." Tumango na lang ako nagpasalamat. Pumunta na lang ako sa library. Ngayon na rin kasi ang start ng trabaho ko dito. Napagkasunduaan namin ni ma'am tessa na tuwing uwian or kahit break ako magpupunta ng library para magtrabaho.
"Shanen ang aga mo ha? Nakapagpaenroll ka na ba?" Bungad na tanong ni ma'am tessa sakin.
"Opo. Kakatapos ko lang po magpaenroll. At sa kasamaang palad may pasok na bukas." Malungkot na sabi ko. Kasiii. Tinatamad pa kasi akong pumasok bukas. Partida may quiz kagad bukas. Ganyan naman lagi e. Buti nalang gumagana ang stock knowledge ko.
"Okay lang yan. Matalino ka naman."
"Haha. Sana nga po matalino ako." Nagtawanan na lang kami. Inumpisahan kong ayusin yung mga libro. Dahil pasukan na bukas ay maraming libro ang kailangang ayusin. Pinagsama-sama ko ang mga parehong libro na pang-college at pati na rin sa elementary at highschool.
"Cr lang po ako." Paalam ko kay ma'am tessa. Tumango na lang sya at pinagpatuloy ang paglilista ng mga books. Pumunta ako sa pinakadulong parte ng library at binuksan ang nagiisang pinto which is the comfort room.
"Boo!"
"Kyaaaaaaaaah!" Halos lumabas ang puso ko sa ribcage ko ng biglang gulatin ako nang hinayupak na baliw na kaluluwang ligaw. Nagmamadaling lumapit sakin si Ma'am Tessa at tinanong kung anong nangyari.
"W-wala po. May nakita lang po akong ipis. Takot po kasi ako dun e." Palusot ko nalang. Alangan namang sabihin kong: 'Nothing ma'am. I just saw my friend ghost here inside the comfort room. Scaring the s**t out of me.' Asa naman. Edi napagkamalan pa akong baliw. Nakakunot man ang noo ay iniwan na ako ni maam tessa at bumalik sa ginagawa nya. I glared at him. This ghost freak is getting on my nerves. Sa halip na matakot ako sa kanya ay nabubwisit lang ako. Kanina pa kasi nya ako sinusundan simula nung umalis ako sa apartment at makarating ako dito sa university.
"What?" Pa-inosente nyang tanong. Pumasok ako sa loob ng cr at tinulak sya palabas. Yeah, nahahawakan ko sya. Nagulat din ako dahil first time ko ang makaexperince ng ganito. Sinarado ko na ang pinto at nilock ito. Tinanggal ko na ang pagkakabutones ng pants ko at akma ko na sana itong hihilahin pababa para maka-ihi na ako ng biglang lumitaw yung ulo nya sa pinto. Agad kong naibutones kagad ang pants ko at binatukan sya ng sobrang lakas kahit na alam kong hindi naman sya masasaktan.
"Bastos! Nakita mo ng nandito ako sa loob tapos sisilip ka!" Bulong na sigaw ko sa kanya.
"Sorry. Hindi ko naman alam." I just rolled my eyes on him.
"Ngayon alam mo na. So please. Privacy." Umalis naman sya. Nagantay muna ako ng ilang minuto bago umihi at nahagawa ko naman. Lumabas na ako at nakita ko syang nakasandal sa pader. Leaning on the wall like he's on a freaking photoshoot. I shook my head and just ignored him.
"Hey! Bakit hindi mo ako pinapansin?" Tanong nya habang nakasunod sakin. Ayoko syang pansinin. Why? Because they might think that I'm crazy talking to someone that they can't see. And besides I don't want to acknowledge his presence in that way maybe he will leave me alone.
"Hey!*poke*poke*" sinundot-sundot nya yung tagiliran ko. Bwisit! Kung hindi lang nasa harap ko si ma'am tessa baka kanina ko pa to nasapak. Makasundot sa tagiliran ko akala mo close kami. Bwisit talaga sya! Sa sobrang inis ko ay kinuha ko ang cellphone ko at itinapat sa tenga ko.
"Pwede ba tigilan mo ako? Nakakainis ka na! Kapag hindi mo pa ako tinigilan tatawag ako ng pari!" Pagkatapos nun ay nilagay ko na sa bulsa ko ulit yung cellphone ko. Tiningnan ko naman sya at pasimpleng inirapan.
"Shanen? Anong problema? Sino yung kausap mo at kulang na lang ay hilahin mo sya palabas dyan sa cellphone at tsaka suntukin." Natatawang sabi ni ma'am tessa.
"Wala po yun. May baliw po kasi akong stalker kanina pa ako kinukulit." Sabi ko.
"Wow. Stalker na pala ako? Ayos ha." Sabi nung katabi kong baliw na multo. Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy na lang sa ginagawa ko.