bc

Till We Meet Again

book_age12+
296
FOLLOW
1K
READ
comedy
mystery
ghost
highschool
like
intro-logo
Blurb

A girl who can see a ghost. A ghost who want nothing but justice for his death. A lonely ghost who felt alive again after meeting her.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
CHAPTER ONE   "Magkano po ba monthly?" tanong ko sa Landlady. Mataba ito at may kaliitan, kulot ang maiksi nyang buhok at may salamin syang bilog. May hawak din syang kulay itim na mabalahibong pusa. Yikes, creepy.   "Three thousand five hundred per month. One month deposit and two months advance."   Napa-aray ang bulsa ko ng marinig ko yung sinabi nya. Sobrang mahal naman ng upa. Hindi kaya ng budget ko ang ganong halaga. Natanggal pa ako sa part time na trabahong pinapasukan ko at konti lang ang naipon ko. Namatay ang mga magulang ko 3 years ago kaya ako nalang ang bumubuhay sa sarili ko.   "Wala po ba kayong ibang apartment na mas mura? Kahit maliit lang po, okay na sakin." Sya lang kasi ang nagiisang landlady dito na may may-ari ng pinakamalapit na apartment sa eskwelahan na pinapasukan ko.   "Meron." bigla akong nabuhayan ng loob ng marinig ko ang sinabi nya.   "Talaga po?" nagtaka ako ng bigla syang ngumiti. Kakaibang ngiti.   "Sigurado ka bang gusto mo doon?"   "Opo. Ay, dipende po pala sa presyo."   "Wag kang mag-alala. Ipapa-upa ko nalang sayo yun ng sobrang mura pero may tanong ako sayo."   "Ano po yun?"   "Takot ka ba sa multo?" bigla akong napatawa sa sinabi nya na ikinataas naman ng kilay nya. Tumigil kagad ako sa pagtawa ng mapansin kong seryoso sya.   "Ahm. Hindi po."   "Sigurado ka?" napaisip ako. Well, dati takot ako pero ngayon hindi na.   "Well, before when I was 6 years old but now? Not at all." confident na sabi ko.   "Pano kung sabihin ko sayong may multong nakatira sa apartment na yon?"   "P-po?"   "Biro lang." sabi nya habang natatawa pero bakit pakiramdam ko hindi sya nagbibiro?   "2,000 per month at 1-month deposit and advance. Ano kukunin mo ba?" biglang nawala sa isip ko yung biro nya tungkol sa multo dahil sa sinabi nya.   "Opo! Opo!" masayang sagot ko. Pinakita nya sakin ang isang apartment na mukhang may kalumaan na pero kung titignan mong maiigi maayos pa to. And to think na medyo malaki ito at malapit pa sa eskwelahan.   Mukhang siniswerte ako.   "Pwede kang lumipat kahit kailan mo gustuhin. Malapit lang naman ang bahay ko. Kumatok ka nalang dun kung may kailangan ka."   "Osige po. Maraming salamat po. Ako nga po pala si Shanen. Shanen Alcantara po. Ahm, ano po ba ang pangalan nyo?"   "Lucy. Lola Lucy nalang ang itawag mo sakin." mabait na sabi nito at saka umalis. Akala ko masungit at masama ang ugali ni Lola Lucy. Mabait naman pala sya.   Pumasok ako sa loob ng apartment para makita ang kabuuan nito. At hindi nga ako nagkamali sa pagpili ng apartment na ito bukod kasi sa malaki at mura ito ay may ilang gamit narin ang nandito katulad ng lamesa at ilang upuan. May maliit din na kabinet dito. Pwede ko kaya itong gamitin? Tatanungin ko nalang si Lola Lucy bukas.   Isasara ko na sana yung pinto nang biglang may pumasok na itim na pusa. Huh? Diba kay Lola Lucy yung pusa na yon? Sinundan ko yung pusa nakita ko itong nakatungtong sa lamesa at nakatingala. Sinundan ko ng tingin yung tinitingnan nya at nakita kong sa cupboard sya nakatingin.   Binuksan ko ito at nakitang wala naman palang ibang laman ito bukod sa isang litrato ng lalaki. Base sa itsura ng litratong ito mukhang nakaraang taon lang ito kinuhanan. Nanlaki ang mata ko ng makitang hawak-hawak nung lalaki sa litrato yung pusa ni Lola Lucy. Teka pusa nga ba to ni Lola Lucy? Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa pusa ni Lola Lucy at sa pusang nasa litrato. Hindi nga ako nagkamali dahil iisa lang ang pusang nasa litrato at yung pusang nasa harap ko.   "Sino tong kasama mo?" tanong ko sa pusa. Wala namang nakakakita sakin kaya okay lang kung kakausapin ko yung pusa.   "Meoww~" yun lang ang sinabi nung pusa pagkatapos ay umalis na ito. Hmm? Weird. Lumabas na ako at ni-lock ang pinto. Tiningnan ko ang relo ko at nakitang magaalas dos na pala ng hapon. Kailangan ko pang maghanap ng trabaho. May mahahanap kaya ako ngayon? Sana meron. Ang dami ko pang kailangang gawin. Bukas na lang siguro ako lilipat ng apartment.   Fourth year college na ako at konting push nalang at ga-graduate na ako. Culinary Arts ang kinukuha ko kahit na medyo magastos ay pinipilit ko parin matapos ang kurso ko. Pangarap kasi namin ni mama na magkaroon ng restaurant at isa pa idol ko din si mama sa pagluluto dahil sobrang sarap nya kasing magluto.   "Pst!" bigla akong napalingon nang may narinig ako sumitsit. At kung hindi ako nagkakamali galing sa loob nung apartment yung sitsit. Inantay kong maulit ulit yung sitsit pero wala na. A slight coldness enveloped me kaya hindi ko napigilan ang paghimas sa magkabilang braso ko dahil bigla akong kinilabutan.   Maybe I'm just hallucinating.   "Sorry miss. Naunahan ka na. May nakapag-apply na kasi sa slot na yan." napasimangot ako nung marinig yun.   "Ganun po ba. Osige po. Salamat nalang." umalis na ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sigh. Saan kaya ako maghahanap ng part time?   Just when I was thinking where I could find a job a paper suddenly landed on my face. Yeah. Straight on my face. I removed it and was about to throw it away when I caught a glimpse of what's written on it. - URGENT! Wanted Assistant Librarian in Moon University Male or Female. 18 years and above. We accept: *Highschool Graduate *Under-Graduate For more info, dial this number: 0915******* Or simply go to the Moon University and look for Ms. Lulu. Thank you! - Waaaah! Saktong-sakto ito yung University na pinapasukan ko. I must get this job! Aja! Pumunta kagad ako sa University at hinanap si Ms. Lulu. Buti nalang friday at bukas ang school ngayon kaya nakita ko kagad si Ms. Lulu.   "Ahm. Excuse me Maam?" humarap naman sya sakin at ngumiti. Wow. Ang ganda nya. Bagong teacher kaya sya dito? Ngayon ko lang kasi sya nakita dito.   "Yes?" I snapped out of my thoughts and quickly show her the paper that I saw earlier.   "Is this job still available?"   "Oh, that. Yes, it's still available. Why? Are you going to apply?"   "Opo. Kung pwede po."   "Of course. Come with me." sumunod ako sa kanya at nagpunta kami sa Library. Nakita ko si Maam Tessa. Sya yung Head Librarian at ka-close ko dito kasi ako lagi nakatambay sa library minsan nga ay tinutulungan ko pa syang magsara ng Library.   "Ate Tess, may gustong mag-apply." Eh? Ate?   "Shanen? Mag-aaply ka?" tanong ni Maam Tessa.   "Ah. Opo sana." I sheepishly smiled at her.   "Bakit? Anong nangyari sa restaurant na pinagpa-part time job mo?" tanong nya. Alam nya kasi na working student ako at ako nalang ang nagpapaaral sa sarili ko. Nakakakwentuhan ko rin kasi sya minsan lalo na kapag parehas kaming walang ginagawa.   "Seems like you two know each other. I'll go then. Marami pa kasi akong gagawin." sabi ni Maam Lulu at saka lumabas ng library.   "Maam makiki-tsismis lang po ako ha. Kapatid nyo po ba si Maam Lulu?" natawa naman si Maam Tessa sa tanong ko.   "Yes. How did you know?"   "Tinawag nya po kasi kayong ate tska medyo magkahawig po kayo."   "Really? Tell me, sino mas maganda samin?"   "Po? Ah-ehh. Parehas po kayo." nagdadalawang-isip kong sabi.   "Lie. You hesitated. I know she's more beautiful than me. Many people say that." Nakangiting sabi nya perro kahit na ganon ay na-guilty ako.   "But you're also beautiful ma'am. You're both beautiful in different ways ma'am. We have unique beauty that others don't have." sabi ko sa kanya. Baka mamaya kasi na-offend pala sya.   "Hey! I'm just joking. Don't take it seriously. At isa pa wag mo na akong bolahin. Alam ko namang maganda talaga ako. Anyways, tanggap ka na. Kahit wag ka na magpasa ng resume. Tutal naman dito ka nagaaral."   "Po? Talaga po? Wa! Thank you po ma'am!" sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko si ma'am. After nun ay tumambay nalang ako sa Library at tinulungan si ma'am tessa sa trabaho nya. May mga nagpapaenroll din kasi ngayon ay may mga bumibili na rin ng mga books kay 6pm na ako nakauwi. Dun muna ako dumiretso sa lumang apartment ko. Kailangan ko pang mag-impake ng mga gamit para bukas ay wala na akong gagawin. Naligo muna ako at nagluto ng pang-hapunan ko. Naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko sa bulsa. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang nagtext. Si Karen ang nagtext. -   From: Karen   Sha? I need to transfer to other school. :(( Uuwi na kasi kami sa Bulacan at doon na kami titira. Ayoko sana kaya lang wala akong magagawa. Ayaw kong iwan ka. :'(   - Bigla akong nanlumo pagkatapos kong basahin yung text nya. Nakakalungkot. Sya lang kasi ang nag-iisang kaibigan ko simula nung lumipat ako dito sa Moon University. Tahimik lang kasi akong tao. Hindi ako pala approach baka kasi sabihin nila feeling close ako. Nireplayan ko nalang sya pagkatapos ay nahiga na kagad ako. Bigla akong nawalan ng ganang magimpake. Bukas ko nalang gagawin yun.   Kinabukasan, maaga akong gumising para makapag-impake at makapag-ayos na ako ng maaga. Lunch time na nung natapos akong mag-ayos ng mga gamit ko. Nagluto lang ako ng cup noodles since naubusan narin ako ng stock. Kailangan kong budget-in ng maayos yung naipon kong pera. Sa Monday pa ang start ng trabaho ko as an assistant librarian. Buti nga pumayag si Maam Tessa dapat kasi sa pasukan pa ako magiistart.   After kong kumain at mag-ayos pa ng konti ay lumabas na ako dala ang mga gamit. Nagpaalam na rin ako sa landlord ko na aalis na ako. Pagkatapos nun ay pumara na ako ng tricycle buti na lang mabait si manong at tinulungan pa akong magbuhat ng mga gamit ko. Kumatok ako sa bahay ni Lola Lucy.   "Sino yan?"   "Lola Lucy, si Shanen po to." agad naman nyang binuksan yung pinto nung marinig nya ako. Hawak-hawak na naman nya yung pusang itim.   "Ikaw pala Shanen. May kailangan ka ba?"   "Ah, wala naman po ipapaalam ko lang po sana sa inyo na lilipat na ako ngayon. Eto po pala yung bayad ko." inabot ko sa kanya yung pera.   "Mabuti naman at lilipat ka na. May makakakwentuhan na rin ako." masayang sabi ni Lola Lucy habang hinahaplos nya yung itim na pusa. Bigla ko tuloy naalala yung litratong nakita ko. At dahil nga dakilang tsismosa ako ay hindi ko napigilang itanong sa kanya yung nakita ko.   "Lola Lucy, ano po. May tanong po sana ako. Sana po ay hindi nyo mamasamain."   "Osige. Ano ba yun?"   "Ahm. Kasi po kahapon nung nagtitingin ako sa loob nung apartment kahapon may nakita akong lumang litrato sa loob ng cupboard. Litrato po iyon ng isang lalaki na sa palagay ko ay kasing edad ko lamang kasama po sa litrato nung lalaki yung pusa nyo", tinuro ko yung pusa na hawak nya. "Apo nyo po ba yung lalaki dun sa litrato?" pagkatanong ko ay biglang lumungkot ang mata ni Lola Lucy. And it looks like she's on the verge of crying.   "Hala. Lola Lucy okay lang naman po kung hindi nyo sagutin yung tanong ko e. Wag na po kayo--"   "Hindi ko sya apo. Sobrang bait ng batang iyon at parang anak na rin ang turing ko sa kanya. Ang totoo nyan ay dyan sya dati nakatira sa apartment na lilipatan mo ngayon."   "Ganun po ba? Nasan na po sya ngayon?"   "Patay na sya." Kinwento sakin ni Lola Lucy kung bakit namatay si Carl, pangalan nung lalaki, kwento nya sakin ay matagal na daw nakatira dito yung lalaki. Magtatatlong taon na rin yata. Sa Moon University rin pala ito nagaaral. Lagi daw syang kinikwentuhan ni Carl nang kung ano ang nangyari sa araw nya. Minsan nga kung ano-ano na lang daw basta may maikwento lang. Sabi pa nya sakin ay kay Carl daw talaga yung pusa kaya lang nung namatay si Carl naiwan daw itong mag-isa kaya kinupkop na lang daw nya. Sabi pa nya ay magiisang taon na daw patay si Carl at bukas nga daw ang death anniversary nito.   "Ano po ba ang nangyari kay Carl?" napabuntong hininga si Lola Lucy sa tanong ko.   "Tanda ko pa nung araw na yon. Dinalhan pa nga nya ako ng hinog na mangga. Alam nya kasing paborito ko ito. Pagkabigay nya sakin nung mangga ay umalis din kagad sya. Tinanong ko kung saan sya pupunta ang sabi nya ay sa langit daw." pinahid ni Lola Lucy ang luhang kanina pa lumalabas sa mata nya.   "Langit? Alam po nya na mamamatay sya?" nailing si Lola Lucy sa sinabi ko.   "Hindi. Pupunta kasi sya sa babeng nililigawan nya at para sa kanya langit iyon. Ilang buwan na syang nanliligaw sa babae kaya lang mukhang pinapaasa lang sya nung babae pero itong si Carl ay matigas ang ulo ayaw paawat. Tapos nung kinagabihan nalaman ko na lang na nasa hospital ito at critical ang kondisyon. Ang sabi nila ay nabugbog daw ng mga siraulo sa daan. Sobrang laking pinsala ang natamo nya."   "Kinailangan pa syang operahan sa ulo dahil yun ang pinakanapuruhan. Pagkatapos nun ay wala na akong nabalitaan sa kanya. Hindi ko alam kung nakaligtas ba sya o ano. Hanggang sa isang araw may lalaki akong nakausap. Kinukuha nila ang mga gamit ni Carl. Ang sabi sakin nung lalaki ay hindi daw nakaligtas si Carl sa operasyon dahil bigla daw tumigil ang pagtibok ng puso nito. Kawawang bata. Sobrang bait pa naman nya. Kung nasaan man sya ngayon ay sana masaya sya."   Time Check: 10:00pm   Natapos ko na lahat ng kailangan kong gawin. Pinayagan naman ako ni Lola Lucy na gamitin yun mga gamit na nandito since wala naman daw gagamit. Nalinis ko na ang buong apartment at naayos ko na rin ang mga gamit ko. Pagkatapos ay kumain na rin ako. As usual, cup noodles. I guess I need to feed myself for a week with just a simple cup noodles. Well, better than nothing.   After kong makakain at makapaligo ay nahiga na ako. Kinuha ko yung laptop ko. Yeah, shocking right? I have a laptop but I don't have money. How ironic. Anyway, gift kasi sakin ng parents ko to nung nag-seventeen ako. And after a day my parents passed away. Parang pinalampas muna ni God na matapos ang Birthday ko bago Nya kunin ang parents ko.   My parents burned to death along with our house. I was at the playground that time. I used to spend my leisure time in the playground. Reading teen-fiction books with earphones plugged in and my favorite music was playing. That's life for me. No worries. No problems. Until I saw a grayish-black smoke coming from our house and the deafening sound of a loud sirens coming from many firetrucks and ambulances. I started from zero that time. Lucky for me my laptop was with me that time. And that's the only thing that left from me.   Pinunasahan ko ang luha ko na kanina pa pala tumutulo. Sa tuwing maaalala ko ang nanyari dati sobrang nalulungkot ako. Laging sumasagi sa isip ko ang nakaraan. Siguro totoo yung sinasabi nila na kapag sobrang saya mo daw asahan mong may mangyayaring nakakalungkot sayo pagkatapos. Kaya minsan hindi ako nagpapakasaya ng todo-todo. Mahirap na.   Masyado akong nalibang sa pagla-laptop ko kaya hindi ko napansing past 12am na pala. Great. Kailangan ko pang gumising ng maaga bukas dahil kailangan kong magpa-enroll, for sure maraming tao bukas dahil last day of enrollment na. I was about to fall asleep when I felt someone's gaze fixed on me. I opened my eyes to see what or who it was.   "What the hell?!"   May lalaking nakatayo malapit sa higaan ko.. And he's freaking staring at me. Agad kong kinuha yung flashlight kong may panguryente at tinutok sa kanya.   "S-sino ka?!" Kinakabahan kong tanong sa kanya.   "Sino ka rin? Teka. Nakikita mo ako?" Takang tanong nya.   "Of course. What do you think of me? Blind?" I managed to roll my eyes on him despite of the fear that I feel.   "Mother-Father! Yes! At last! May makaka-usap na ako!" He gleefully said and then hugged me. Wait! What?! He's freaking hugging me?!!   "Let go of me you p*****t!" I immediately pushed him oh-so-hard that he almost stumbles. What the heck! Sino ba tong lalaking to?!   "Woah! I can touch you too! Unbelivable!" Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang mukha ko pati narin ang balikat at kamay. Ang lamig ng kamay nya at base sa ekspresyon ng mukha nya ay parang ngayon lang sya nakahawak ng tao. Wait! This is not my problem. I shook the thought off and immediately removed his hands from my face!   "Yah! You crazy?! Stop touching me!"   "Oops. Sorry. Carried away. It's been a year since I last touch a living person." He simply said. Seriously? This guy has mental issues.   "Living person? Hey! Mr.Whoeveryouare. Are you on drugs or you're just plain crazy?"   "I'm a ghost." He said as a matter-of-fact.   "WHAT?!" I gaped at him. Unbelievable! He's indeed a hella crazy guy! I was about to yell at him when I heard Lola Lucy's voice outside.   "Shanen? Okay ka lang?" Agad kong pinagbuksanng pinto si Lola Lucy.   "Lola! Buti po dumating kayo! May baliw na lalaki po kasi ang nakapasok dito sa loob." Sumbong ko kay Lola Lucy.   "Jusko! Ganun ba? Sinaktan ka ba nya?" Nagaalalang tanong ni Lola Lucy.   "Hindi naman po. Maayos naman po ako."   "Mabuti naman. Nasan na ba yun? Buti nalang ay sinama ko itong si Bryan." pagkatapos sabihin ni lola lucy iyon ay tska ko pa lamang napansin yung lalaki sa tabi nya. At infairness! Ang gwapo! Ay teka nga mamaya na ang landi.   "Nandon po sya sa lo.....ob? Eh? San napunta yon?".bigla nalang nawala yung lalaking kausap ko kanina. Tiningnan ko ang buong apartment pero hindi ko na sya nakita. Weird? Hindi kaya tumakas na sya?   "Nasan na?" Tanong ni lola lucy.   "Hindi ko po alam kanina lang po ay nandito sya tapos kung ano-ano po yung sinabi nya. Tapos ang weird pa nya." Paliwanag ko sa kaniya.   "Sa palagay ko ay nakatakas na yung sinasabi mo." Sabi ni Bryan. Tinuro nya samin yung nakabukas na bintana na kasya talaga ang isang tao.   "Siguro nga, baka dyan din sya dumaan kanina kaya sya nakapasok dito." Agad kong ni-lock yung bintana para hindi makapasok ulit yung baliw na yun. Sayang gwapo pa naman parang si Bryan. Ay erase! Erase!   "Nakuu. Ikaw kasing bata ka hindi mo sinasarado yung bintana. Kaya ka napapasok e." Sermon ni lola lucy.,"Osha sige Bryan. Maraming salamat iho. Pasensya na kung naistorbo pa kita ng ganitong oras."   "Okay lang po. Osige po mauna na ako." Paalam ni Bryan.   "Lola ilang taon na po si Bryan?" Tanong ko kagad kay lola lucy pagkaalis ni Bryan. Kinurot naman ako ni lola lucy sa tagiliran ko na syang ikina-aray ko naman.   "Batang to! Pinasok ka na nga ng baliw nakukuha mo pang gumanyan." Sermon nya sakin.   "Hehe. Joke lang po. Osige po. Matulog na po kayo. Gabing-gabi na po." Sinamahan ko sya hanggang sa bahay nila which is katapat lang ng apartment ko. Nasa pinto na kami ng bahay nya ng bigla ulit syang magsalita.   "Sandali lang muna Shanen."   "Po?"   "Tanong ko lang kung anong itsura nung lalaking sinasabi mo."   "Yun po ba. Ano po... Ahm. May dimples sya. Maputi. Kasing edad ko lang sa tingin ko. Matangos ang ilong tsaka gwapo tapos may hikaw po syang kulay itim sa kaliwang tenga nya.. Bakit po?" Tanong ko. Napansin kong medyo nagulat at nanlaki ang mata ni lola lucy.   "S-sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo?"   "Opo. Siguradong-sigurado po." Parang ang weird ni lola lucy?   "Ano naman yung sinabi nya?" Ay? Pati yung mga sinabi? Si lola lucy talaga simpleng tsumi-tsismis. Haha. Teka ano nga ba yung mga sinabi nung baliw na lalaki kanina?   "Ahm. Tuwang-tuwa daw po sya dahil may nakakakita na daw sa kanya tapos may nahahawakan din daw po syang 'living person' tsaka... Ano pa nga ba yun?" Ano nga ba yung huli nyang sinabi bago dumating si lola lucy?   "Ah! Alam ko na! Sabi po nya multo daw po sya. Hahaha.. Nakakatawa po no? Baliw talaga yun. Siguro takas sya sa mental." Natatawang sabi ko. Si lola lucy naman ay mukhang seryoso na ewan.   "Shanen..." Mahinang tawag nya sakin. Nakakunot ang noo nya at parang nag-iisip siya ng malalim.   "Po?" Tumingin sya sakin at ang mga sunod nyang sinabi ang nagpatindig ng balahibo sa buong katawan ko.   "Hindi kaya si Carl ang nakita mo?"  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K
bc

SECRET AGENTS AND COLD HEART

read
181.1K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.1K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

Stan's Obsession (Last Story of Womanizer)

read
102.8K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

My Master and I

read
136.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook