CHAPTER TWELVE

1289 Words
Nakauwi na ako sa apartment ko pero wala pa rin talaga si Carl. Sobrang daming tanong ang gumugulo sa isip ko. Pano kung oras na pala nyang umakyat sa taas? Pano kung hindi na sya bumalik? Pano kung yun na pala ang huli naming pagkikita?   Napailing ako sa naisip ko. Hindi. Babalik sya. Nag-promise sya sakin. Alam kong babalik sya. Nararamdaman ko yon. Pabagsak akong humiga sa kama ko. Patuloy pa rin ang pagdami ng tanong sa isip ko. Naalala ko tuloy nung mga nakaraang araw na palagi syang nawawala. Kapag tinatanong ko naman sya kung saan sya nagpupunta ang lagi nya lang sinasabi ay namamasyal lang daw sya sa tabi-tabi.   Panibagong tanong na naman ang nabuo sa utak ko. Kaya ba sya laging nawawala nitong mga nakaraang araw dahil dun? Matagal na bang nangyayari sa kanya to? Kailan pa? Bakit hindi man lang nya sinasabi sakin?   "Asaaarrr!!" Nagulo ko na lang ang buhok ko dahil sa sobrang pagkainis. Pakiramdam ko ay sasabog ang utak ko anumang oras ngayon dahil sa daming mga tanong na tumatakbo sa utak ko. Pero may tatlong tanong sa sulok ng utak ko na pilit na nakikigulo sa magulo ko ng utak.   Bakit ako nag-aalala para sa kanya? Bakit ako nalulungkot? At... Bakit ako umiiyak kanina?   "Asar! Bakit?! Bakit?! Bakit?!" Bulong ko habang mahinang inuuntog ang ulo ko sa headboard ng kama ko. Naiinis ako sa sarili ko. Para akong baliw na ewan. Gusto kong saktan ang sarili ko sa hindi malamang dahilan. Iniisip ko pa lang na hindi na babalik si Carl ay namimiss ko na kagad sya. Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Nararamdaman ko kasi ang mumunting init sa gilid ng mga mata ko at kailangan ko itong pigilan sa pagtulo.   Pero mukhang hindi ko kaya dahil bago ko pa makumbinsi ang sarili ko sa hindi pag-iyak ay kusa ng tumulo ang mga luha ko. Agad ko itong pinunasan gamit ang mga kamay ko pero wala pa rin itong epekto dahil ayaw tumigil sa pagtulo ang luha ko. Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko pero wala pa rin.   Ayaw talaga nitong tumigil kaya wala na akong nagawa kundi pabayaan ito. Nagtakip nalang ako ng unan sa mukha ko. Sobrang naiinis ako sa sarili ko. Para akong tangang baliw dito na umiiyak. Pilit kong isinantabi sa utak ko ang mga tanong na gumugulo sa isip ko at pinilit ko ang sarili kong makatulog.   Marahil ay dala ng sobrang antok, pagod at pag-iyak ay mabilis akong nakatulog.   "Shasha.." Naramdaman ko ang mahinang pagtapik sa braso ko at kasabay nito ang kakaunting sakit na naramdaman ko sa aking mata ng bahagya ko itong imulat. Naaninag ko ang malabong mukha ni Carl na nakatingin sa akin. Biglang nanlaki ang mga mata ko ng rumehistro sa utak ko ang mukha ni Carl. Napabangon kagad ako sa aking kama at kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko.   "Carl?! Ikaw ba yan?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Binigyan nya lang ako ng isang tipid na ngiti.   "Bumalik ka nga!" Sa sobrang saya ko ay bigla ko syang sinunggaban ng isang mahigpit na yakap. Sa sobrang lakas ng impact ng pagkakayakap ko sa kanya ay napahiga sya sa kama ko at dahil nga nakayakap ako sa kanya pati ako ay napasama sa paghiga nya.   "S-sorry." Sabi ko at mabilis na umalis sa ibabaw nya.   "Okay lang." Nakangiting sabi nya habang nakahawak sa batok nya.   "Ikaw! Kainis ka! Bakit ka biglang nawala kanina?! Ha?!" Pinalo ko ng malakas yung braso nya.   "Sorry na."   "Anong sorry? Bakit ka nga nawala kanina?!" Pangungulit ko sa kanya. Hindi sya sumagot. Nakayuko lang sya. Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi at iniharap ko ang mukha nya sakin. Hindi sya tumitingin sa mga mata pilit nyang iniiwas ang mata nya sa tingin ko..   "Carl look at me." Mahinang sabi ko sa kanya pero hindi pa rin sya tumitingin.   "Uyy, Carl? Tingnan mo ako. Please?" Huminga muna sya ng malalim bago tuluyang tumingin sa mga mata ko.   "Last day of your exam.." He trailed off, "Sasagutin ko ang tanong mo."   Lumipas ang ilang araw at nagpapasalamat ako at tapos na ang exams namin.   "Sa wakas tapos na rin ang exam!" Nag-inat-inat si Marc habang palabas kami ng room. Agad hinanap ng mga mata ko si Carl paglabas ko ng room. Kanina pa kasi ako hindi mapakali. Ang sabi nya ay sasabihin nya sakin kung bakit sya nawala nung isang araw.   "Tara kain tayo sa Jollibee. My treat." Sabi ni Marc. Kahit na sobrang tempting nung sinabi ni Marc ay kailangan ko syang tanggihan. Gusto ko munang makausap si Carl ngayon.   "Pwedeng next time nalang? Kailangan ko na kasing pumunta ng library e. Alam mo naman may trabaho ako dun." Palusot ko. Sorry Marc but I need to see Carl first.   "Sayang naman." Nginitian ko lang sya at tinapik yung balikat nya.   "Basta next time nalang. I hope your offer still stands. Malakas pa naman akong kumain." Biro ko sa kanya.   "Pag-iisipan ko. Haha. Osige, mauuna na ako. Kawawa naman ako. Mag-isa lang akong kakain." Nagpapaawang sabi nya.   "Text mo yung mga babae mo kung gusto mong may kasabay." Hindi man halata pero nangongolekta din ng mga babae yang kutong lupa na yan.   "Shanen naman alam mo namang ikaw lang ang nag-iisang babae sa buhay ko." Bigla akong natawa sa sinabi nya. Kahit kailan talaga loko-loko tong si Marc. Lagi nya kasi akong binabanatan ng mga ganyang linya.   "Loko! Eh sino yung 'Honey' na tumatawag sa cellphone mo kanina?" Sabi ko. Sinuntok ko ng malakas yung balikat nya.   "Aray! Ang sakit nun ha! Para kang lalaki kung manuntok! Nagseselos ka lang e."   "Peste! Ewan ko sayo umuwi ka na nga." Tinulak-tulak ko sya pababa ng hagdan.   "Ito na! Ito na! Kapag ako nalaglag sa hagdan. Humanda ka sakin."   "Nyenye. Osige na. Ba-bye na." Nagba-bye lang din sya sakin at sinabing i-text ko nalang daw sya kapag nakauwi na ako mamaya. Sweet.   Nandito na ako sa library at nakita ko si Carl na nakaupo sa isang sulok habang nakatingin sa bintana. Tiningnan ko ang buong library at nakitang marami pang mga studyante. Nilapitan ko sya at naupo sa tapat nya. Napatingin naman sya sakin at bahagyang ngumiti. Syempre hindi ko sya nginitian baka mamaya may makakita sakin at isipin pa ay baliw ako. Nilabas ko yung cellphone ko at tinapat sa tenga ko.   "Hi." Sabi ko. Kunwari ay may kausap ko sa cellphone.   "Hello. Kamusta ang exam?" Sabi nya. Nag-lean sya ng konti sa lamesa habang nakapatong ang dalawang siko nya.   "Okay naman. Mukhang malalim yata iniisip mo." Agad nawala ang ngiti nya.   "Hindi pa naman kasi ako sigurado kung bakit ako nawawala e. I just have my theory." Hindi sya makatingin ng maayos sakin.   "So ano yan. Nagdadalawang isip ka? Naman Carl! Sabi mo sasabihin mo sakin tapos ngayon nagdadalawang isip ka."   "Sandali Shasha-" hindi natuloy ni Carl ang sasabihin nya ng bigla akong tawagin ni Maam Tessa. Tinitigan ko muna sa mata si Carl bago ako tumayo.   "Mamaya kapag hindi mo pa rin sinabi sakin. Wag na wag ka ng magpapakita pa." Yun nalang ang sinabi ko bago ako umalis.   Madilim na sa labas nung matapos yung shift ko. Buong shift ko kanina ay hindi ko pinapansin si Carl. Nasa isang sulok lang sya at nakatingin sa labas ng bintana. Siguro ay pinagiisipan nya ng mabuti yung sasabihin nya sakin.   "Tara na.." Naunang maglakad sakin si Carl. Nasa bulsa ng pantalon nya ang kanyang dalawang kamay. Nasa ganitong posisyon lang kami sa loob ng limang minuto. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at mabilis na naglakad papunta sa harap nya at hinarangan sya.   "Speak." Sabi ko na ikinabuntong hininga nya.   "Akala ko naman hindi mo na ako kukulitin." Tiningnan ko lang sya ng masama.   "Oo na. Sasabihin ko na. Pero gaya ng sabi ko theory ko lang naman to kaya naman wag mong masyadong seryosohin." Tumnago lang ako bilang sagot. Nagpakawala ulit sya ng isang buntong hininga bago sabihin ang mga katagang..   "I think His summoning me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD