CHAPTER NINE

1393 Words
"CARL!!!"   "Hahahaha! Walang magagawa ang kaluluwa nung lampang bata na yun! Ano ba ang laban nya sa tulad ko na buhay! Kaluluwa na lang sya!" Hinawakan ng sobrang higpit nung lalaki yung magkabila kong braso.   "Dapat sa inyo sinusunog sa impyerno ang mga kaluluwa! Mga demonyo!"   "Aba't sumasagot ka pa! Matapang ka talaga babae! Hindi mo ako kaya! Matutulad ka lang din sa batang lalampa-lampa na pinadala namin sa impyerno isang taon na ang nakalipas!"   "Hindi mo magagawa yun.." Pareho kaming napatingin sa taong nagsalita. Nakatayo sya sa likod. Nakatingin ng sobrang sama sa lalaking may hawak ng mahigpit sa magkabila kong braso.   "B-bryan?" Hindi ako pinansin ni Bryan at masasamang tingin lang ang binibigay nya dun sa lalaki.   "Matibay ka bata. Gusto ko yan." Masayang sabi nung lalaki. Binitawan nung lalaki yung mga braso ko tapos ay hinarap nya si Bryan.   "Bryan!!" Sinubukan kong makatayo para lapitan si Bryan.   "Dyan ka lang wag ka ng tumayo." Sabi ni Bryan. Sinunod ko na lang yung sinabi nya at hindi na pinilit na makatayo pa. Nagdasal na lang na sana matapos na ang bangungot na ito. Na sana ay walang mangyaring masama kay Bryan. Sa aming dalawa.   "Aaah!!" Napaangat ako ng tingin mula sa pagdadasal ko ng makarinig ako ng isang sigaw. Nakahiga na sa kalye yung lalake at nakaupo naman si Bryan sa tiyan nito. Sunod-sunod na suntok sa mukha ang binibigay ni Bryan sa lalaki. Malalakas na suntok ang binibigay nya dito. Hindi sya naaawa at mukhang wala syang balak huminto. Natatakot ako kay Bryan pero mas natatakot ako sa kung ano ang pwedeng mangyari dun sa lalaki kapag pinagpatuloy pa ni Bryan ang ginagawa nya. Baka mapatay nya pa ito at ayokong mangyari iyon lalo na kung sa harapan ko pa mismo.   "Bryaan!! Tama na! TAMA NA! PLEASE!" Pagmamakaawa ko sa kanya. Kung kaya ko lang sanang makatayo kanina ko pa siguro ginawa. Mabuti na lang at nakinig si Bryan. Binigyan nya muna ulit ito ng isang malakas na suntok at sipa bago tuluyang iwanang nakahandusay. Tinuon ko ang tingin ko sa bandang tiyan nito para malaman ko kung buhay pa ito. Merong bahagyang pagtaas at baba ang tiyan. Buhay pa ito. Salamat naman.   "Tara na?" Nakaupo sa harapan ko si Bryan habang nakangiti. Nakangiti sya na parang walang nangyari. Na parang hindi rin sya napuruhan. Napabuntong-hininga na lang ako. Mas maganda na ito kaysa naman namatay sya o kaya naman nakapatay sya. Sinubukan kong tumayo pero mukhang mas lalong sumakit yung nararamdaman ko sa paa ko dahil na rin siguro sa pwersahan kong paglalakad para makatakas kanina.   "B-bryan?" Nabigla ako nung ilagay ni Bryan yung kaliwang braso nya sa likuran ko at ang kanang braso naman nya ay sa bintin ko. Iniangat nya ako wala na akong nagawa kundi kumapit na lang sa leeg nya. Binubuhat nya ako ng parang bagong kasal.   "Puro cup noodles lang naman ang kinakain mo pero bakit ang bigat mo?" Bigla akong namula sa sinabi nya.   "Sorry pwede mo naman akong ibaba ka-Teka?! Pano mo nalamang puro cup noodles ang kinakain ko?" Gulat na tanong ko. Wala kasi akong natatandaan na nakita nya akong kumain. Sa pagkakaalam ko ito palang ang pangalawang beses na nagkita kami simula nung pinasok ako ng akala ko ay baliw na lalaki which is Carl.   "I know everything about you, Shasha."   Shasha? Teka diba isang tao lang ang tumatawag sakin nun? Hindi ba si Carl iyon? And speaking of that ghost nasang lupalop naman kaya sya nagpunta?   "Tulad ng?" Susmaryosep! Stalker ko ba sya? Secret admirer?   "Hmm. There's a mole on your chest." Nakangiting sabi nya na ikinamula ng mukha ko. Pano naman nya nalaman iyon?! Tsaka teka nga! Alam ko ang ngiting to!!   "Carl?!"   "Bingo!" Nakangting sabi nya. Anakng!   "Bakit nasa katawan ka ni Bryan?!" Gulat na tanong ko sa kanya bigla namang naging seryoso ang mukha nya.   "Kailangan kong gamitin ang katawan nya para mailigtas ka." Seryosong sabi niya. Gulp. O-kay?   "P-pano?" Nauutal na tanong ko.   "Nung malapit na sayo yung lalaki kanina wala ng ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang iligtas ka. Tapos nakita ko ang walang malay na katawan ni Bryan kaya kinailangan kong gamitin muna ang katawan niya kahit na sobrang labag sa loob ko ang pasanib sa katawang ito." Inirapan ko siya.   "Arte mo. Mabait naman si Bryan ha."   "Tss. Yea. Whatever." Natahimik kami saglit ni Carl. Tahimik pero hindi awkward. Plano ko na sanang hindi na talaga magsalita kaya lang may naalala ako.   "Carl?"   "Oh?"   "A-anong balak mong gawin dun sa l-lalaki?" Hindi ako makatingin ng diretso kay Carl. Baka kasi mamaya ayaw nya palang mapag-usapan yun.   "Hindi ko pa alam." Walang emosyon na sabi nya.   "Wala ka bang balak na ipakulong sya?"   "Pano ko gagawin yun? Anong sasabihin ko? Na ako si Carl na pinatay nila one year ago? Na sumanib ako sa katawang ito para ipakulong sila?"   "Ako. Pwede namang ako ang magpakulong sa kanila. Pwede namang ako ang magsabi nung nangyari one year ago."   "Kung pwede nga lang Shasha kaya lang may ebidensya ka ba?" Natigilan ako sa tanong nya. Ano nga naman ang magiging ebidensya ko e wala ako nung nangyari yun one year ago. Panigurado mapagkakamalan lang akong baliw at kung mamalasin pa ay baka ipadala pa nila ako sa mental hospital. Mukhang mas malaki pa ang chance na mangyari yun kumpara sa pagkulong sa mga lalaking yun.   "Wag mo na ngang problemahin yun. Tapos na. Patay na ako at hindi na maibabalik pa ang buhay ko kahit na makulong sila." Nakangiting sabi nya habang dahan-dahan nya akong binababa sa tapat ng apartment ko. Ngayon ko lang napansin na nandito na pala kami.   "Shanen? Bryan? Jusko! Anong nangyari sa inyong dalawa?" Nag-aalalang tanong ni Lola Lucy.   "Wala lang po. Hinabol po kasi kami ng mga aso dyan sa kabilang kanto. Tapos na nadapa po itong si Shanen kaya napilayan." Sagot ni Carl/Bryan. Wow ha. Ang bilis naman nyang maka-isip ng palusot.   "Ganun ba? E bakit naman ganyan ang mukha mo Bryan?" Napatingin ako sa mukha ni Bryan. May pasa ang ibang parte ng mukha nya. Tapos ay may ilang gasgas din ito.   "Kasi nga po diba hinahabol kami ng aso. Sinubukan po naming umakyat sa bakod kaya lang masyado itong mataas tsaka pilay pa si Shanen kaya ayun po nalaglag kami. Ay eto nga po pala yung gamot nyo." Inabot ni Bryan/Carl yung gamot kay Lola Lucy.   "Ay maraming salamat. Nako pasensya na napahamak pa tuloy kayong dalawa. Osya sige magpahinga na kayo. Bukas ay ipagluluto ko kayo ng sopas para makabawi ako."   "Wala po yun Lola Lucy. Osige po magpahinga na rin po kayo. Goodnight." Ayaw pa sana ni Lola Lucy na pumasok sa bahay nya kung hindi lang namin pinilit. Naghintay muna kami ng mga limang minuto pagkapasok ni Lola Lucy sa bahay nya bago magsalita.   "Ano na? Pano na yang katawan ni Bryan?"Tanong ko kay Carl.   "Wag kang mag-alala. Ako na ang bahala dito. Pumasok ka na lang sa loob susunod na lang ako." Tiningnan ko muna sya ng maigi bago pumasok sa loob. Siguro naman ay hindi nya lang basta iiwan ang katawan ni Bryan sa kung saan-saan diba?   Kahit na hirap na hirap akong maglakad ay nagawa ko pa ring maglinis at magpalit ng damit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Carl. Nag-aalala tuloy ako. Ano na kaya ang nagyari dun? Tsaka sa katawan ni Bryan? Pinikit ko na lang ang mga mata ko at hinihintay na lang na lamunin ng kadiliman ng biglang..   "Shasha!" Awtomatikong napadilat ako ng biglang sumigaw si Carl. Hindi ko napigilan ang aking sarili sa pagtama ng kamay ko sa ulo nya.   "Ouch! Ay joke hindi nga pala ako nasasaktan."   "Bakit ka ba sumisigaw?!" Singhal ko sa kanya. Ayoko pa naman kasi sa lahat yung patulog na ako at bigla na lang akong magugulat ng ganon.   "Eee kasi muntik na akong hindi makaalis sa katawan ni Bryan. Sobrang natakot talaga ako." Nakangusong sabi niya.   "Ang OA mo! Para yun lang."   "Anong 'para yun lang'? Shasha! Nakakatakot, sobrang nakakatakot! Isipin ko palang na maiistock ang kaluluwa ko sa loob ng katawan nya..Grabe!! Mas gugustuhin ko pang magpapakalat-kalat na kaluluwa."  Napailing na lang ako. "Ewan ko sa 'yo. Ang arte mo," sabi ko na lang bago nagtalukbong ng kumot para matulog. Kung ano-ano pa ang sinasabi nya pero hindi ko nalang iyon pinansin. The memories of what happened earlier instantly played inside my head once I closed my eyes. I was really scared.. but I also find courage to help Carl.. I want to put justice for his death. Those people behind it needs to pay for it.. I promise I will make it happen.. For Carl..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD