KULAY asul na long sleeves at kulay asul din ang suot na uniporme ni Matilde. Hindi siya komportable lalo na at mainit iyon sa katawan ngunit hindi naman siya pupwedeng magreklamo lalo na at nakataas parati ang kilay sa kanya ni Miss Ara. It's just her first day today. Ngunit ilang beses na siya nitong sinusungitan hindi pa man nagsisimula ang trabaho niya. "Hindi ko gusto na may suot kang makapal na make up sa mukha mo, Miss Magallanes. Sa susunod ay 'wag mo nang uulitin iyan," puna nito sa kanya pagkatapos niyang magbihis. Wala na ang ibang mga kasamahan nila at sila na lamang ang naiwan na dalawa dito sa eighth floor. Nakaalis na rin si Miss Nicole at bumalik na ito sa trabaho nito sa baba. Napatikhim si Matilde. "Pero pwede namang manipis hindi ba, Madam?" aniya naman. She can't

