IT was past eight in the evening at nasa opisina pa rin si Xavier at pinag-aaralan ang bagong itatayong resort ng kompanya nila sa Rizal. Gabi na ngunit nanduduon pa rin siya dahil ayaw niyang may palagpasin na detalye sa proposal ni Mister Zamora kanina.
Hindi lang likod ang nananakit sa kanya. Maging ang mga mata niya dahil sa maghapong tutok sa kanyang mga binabasa.
Napasandal siya sa kanyang swivel chair at hinilot ang kanyang sintido. Alas otso na pala nang sulyapan niya ang oras. Kaya naman pala ay kumukulo na ang tiyan niya. Huling kain niya pa ay kaninang alas tres nang dalhan siya ng meryenda ng kanyang sekretarya na si Zeus.
Ang plano niya ay mamaya pa talaga siya uuwi. Ngunit dahil nauna na ang kanyang sekretarya na umuwi ay napagdesisyunan niyang lumabas na lang din muna para kumain ng dinner niya.
Pwede naman sana siyang magpa-deliver. Pero gusto rin niya ng bagong ambiance. So he decided to go out.
Xavier stood up from his swivel chair and grabbed his wallet and phone bago siya lumabas ng opisina.
Nasa executive elevator na siya nang marinig niya ang pagtunog ng cell phone niya.
He fished it from his slacks at saka iyon sinagot nang makitang ang Mommy Xandra niya ang tumatawag.
"Yes mom?" bungad na sambit niya dito. Isinandal niya ang kanyang likod sa elevator at hinintay na bumukas iyon.
"Hijo, I'm glad you picked it up. Naka uwi ka na ba sa penthouse mo?" malambing na tanong nito sa kanya.
Napangiti siya. Sa mga magulang niya, sa mommy niya talaga mas malapit si Xavier. Dahil hindi katulad ng Daddy niya na halata namang mas paborito si Leandro Jose, ni minsan ay hindi niya maramdaman dito na nahuhuli siya.
Her mother loves him so much. At kahit bumukod na siya ng tirahan sa mga ito ay wala pa ring palya na tinatawag siya nito araw-araw para kamustahin sa maghapon niyang ginawa.
"No, mom. I'm still at the office. May mga tinatapos pa ho ako," magalang naman niyang tugon dito.
Tumayo ng maayos si Xavier nang makita niyang malapit na siya sa ground floor. At ilang saglit nga lang ay bumukas na iyon kaya siya lumabas.
Sa tapat lang naman siya kakain at may restaurant doon. Hindi niya na kaylangan magtungo sa basement para kunin ang sasakyan niya at magmaneho.
"Aww. My baby boy's really workaholic. Bakit ba ang sipag-sipag mo anak ko? Akala mo naman ay may binubuhay kang pamilya ano?" pabironv tugon naman ng Mommy Xandra niya sa kabilang linya.
Natawa si Xavier sa huling sinabi nito. Tinawanan na lang din niya ang tawag nito sa kanya at sanay na siya. Doon masaya ang Mommy niya kaya bakit niya hahadlangan iyon?
"Mom, I have to do this. Kaylangan kong magtrabaho ng maigi. I want to be the next CEO..."
"I know baby boy. And I know you deserve the position. Kung bakit kasi ang Daddy mo may nalalaman pang ganyan na mamimili sa inyo. Eh busy naman si Leandro sa sarili nitong kompanya sa labas ng bansa."
Hindi naimik si Xavier. Ayaw niyang magkomento. Dahil baka kapag ginawa niya iyon ay mailabas niya lang ang lahat ng hinanakit niya.
Ayaw na ayaw niya pa namang malaman ng mga magulang niya na may tampo siya sa Daddy niya. Gusto niyang ipakita sa mga ito na ayos lamang sa kanya ang mga nangyayari kahit hindi naman talaga.
"Mom, I have to go already. Nasa labas ho ako. Kakain ako ng dinner," paalam niya dito.
"Wait up, Anak. May iba pa akong pakay kaya ako tumawag sa 'yo..." Pigil ng mommy niya sa akmang pagbaba niya sana ng linya.
"What is it po?" saad naman niya.
Tumawid si Xavier pagkalabas niya ng kompanya at saka pumasok sa restaurant.
Agad naman na sinalubong siya ng waiter kaya sinenyasan niya ito.
"Leandro's already here. Makakasama na natin ulit siya. Hiling ko sana anak na dito ka na rin tumira sa atin. Hangga't hindi pa nakakababa ang Daddy ninyo sa posisyon niya. Gusto ko sanang maging kompleto tayo. I miss eating meals with you guys. Ang tagal na nung huli tayong naging kompleto, Xavier..."
Alam ni Xavier na seryoso na ang mommy niya dahil tinawag na siya nito sa totoo niyang pangalan. At ibig sabihin lang ay no more arguments kapag humiling na ito ng gusto nito.
"Mom..." Naihilot niya ang kanyang sintido.
"Xavier, hindi ko naman kaylangan magmakaawa pa hindi ba? Wala namang espesyal sa penthouse mo para doon ka magmalagi. I miss you, anak. Dito ka na sa atin tumira ulit..."
Ang totoo niyan kung bakit bumukod si Xavier ay dahil hindi niya minsan kayang itago ang hinanakit niya sa Daddy niya. Ayaw niyang sumabog at isumbat ang lahat dito dahil may respeto pa rin siya dito.
Hindi bale nang itago niya ang hinanakit niya. 'Wag lang silang masira na pamilya. That's how much he values their family kahit masaktan siya.
"Fine mom. Uuwi rin ho ako d'yan bukas. But for now, let me enjoy my penthouse."
Wala naman siyang magagawa. Ang mommy niya na ang nakiusap. Hindi niya naman pwedeng tanggihan iyon lalo na at isa ang mommy niya sa kahinaan niya. Lahat ng hinihiling nito ay sinusunod o ginagawa niya.
"Salamat anak! Aasahan kita! I love you, Xavier! Eat well, okay? Bye anak ko!"
Nailing na lamang si Xavier matapos patayin ng Mommy Xandra niya ang tawag.
Binalik niya sa bulsa niya ang kanyang cell phone at saka siya bumaling sa waiter at sinabi ang kanyang order.
He heaved a sigh. Kaylangan niya na namang makisama at magpanggap na okay lang ang lahat.
Kaylangan niyang humarap sa Daddy niya na parang wala lang sa kanya ang kompitisyong isinagawa nito para sa kanila ni Leanro Jose kahit sa totoo lang ay gusto nang sumabog ni Xavier.
Gusto niyang isumbat sa huli kung bakit kaylangan pang mamili sa kanilang dalawa ng kapatid niya kung sino ang karapatdapat sa kompanya kung tutuusin na buong buhay niya ay inilaan niya na doon.
Gusto niyang ilabas ang lanat ng sama ng loob niya.
Ngunit alam naman ni Xavier na pagdating sa mga magulang niya, lalo na sa Daddy niya ay wala siyang boses.
Wala siyang karapatan kundi ang manahimik lang dapat.
Kaya pasensyahan na lang kung kaylangan niyang umabot sa puntong sisirain niya si Leandro Jose gamit ang isang babae.
He's much more deserving of that position than his brother. He worked hard for it. At hindi siya papayag na maagaw sa kanya ang pinapangarap niyang posisyon sa isang iglap lang.
Kaya kahit anuman ang mangyari, sisiguraduhin niya na siya ang uupo sa pwesto bilang sunod na presidente ng kompanya.
***
NAKAKAGULAT ang mga pangyayari. Sa kadesperaduhan ni Matilde sa pera ay tila ngayon lamang nag-sink in sa kanya ang lahat ng mga kalokohang nasabi niya kay Leandro Jose kanina.
Kung kaylan ay papauwi na siya para kunin ang mga gamit niya at isasama na raw siya sa bahay ng huli sa pag-uwi nito mamaya para pagsilbihan ito ay saka lamang niya napagtanto ang pagkakamaling desisyon na nagawa niya.
At bakit naman siya nag-offer na tumira sa pamamahay ni Leandro Jose at inialay niya pa ang sarili niya!
Nahihibang na ba siya?
"Tanga mo naman, Matilde!" naiinis na kastigo niya sa kanyang sarili habang lulan siya ng taxi pauwi sa nirerentahan niyang apartment.
Dahil sa ginawa niya ay para na rin niyang kinulong ang sarili niya at tinanggalan ng kalayaan.
Sinong nasa tamang pag-iisip gagawin ang bagay na iyon?!
"Hays!"
She heaved a sigh then massaged her temple! Kaylangan niyang padagdagan ang talent fee sa kanya ni Xavier dahil nag-level up nang wala sa oras ang plano niya. Kaylangan niya itong makausap lalo na at wala ito sa usapan nilang dalawa ng huli.
"Sa tabi na lang ho, Manong. Iyong may posteng number four na nakasulat. Pakibaba ho ako sa tapat niyan," saad niya sa driver nang matanaw ang apartment na inuupahan niya.
Matapos huminto ng sasakyan ay kaagad nang nagbayad si Matilde at saka siya bumaba. At katulad ng mga nagdaang araw, pagkapasok niya pa lamang sa gate ay sinalubong na kaagad siya ng anak ng may-ari ng apartment na si Jake.
"Matilde. Magandang hapon. Napakaganda mo talaga," bati nito sa kanya.
Tipid niya naman itong nginitian. "Magandang hapon din, Jake. Sige mauuna na ako sa loob ah?" saad niya at saka ito nilagpasan.
Kaylanman ay wala siyang oras para i-entertain si Jake. May gusto ito sa kanya at ilang beses niya na itong tinapat na wala siyang gusto dito. Bukod sa wala naman siyang mahihita dito at dahil na rin sa mga nangyari kay Matilde sa nakaraan ay wala na sa isipan niya ang magmahal.
Love? Kalokohan lang iyan. Para lang iyan sa mga taong takot mag-isa sa buhay.
At ang totoo? Wala nang lalakeng tatanggap pa sa kanya oras na malaman ang nakaraan niya. And she's already dirty. Ilang lalake na ang dumaan sa buhay niya at ang lahat ng mga iyon ay pera ang naging habol niya.
Sa una lang iyan magaling si Jake. Mukhang pursigido ito sa kanya dahil hindi pa siya nakukuha. Hindi pa nito alam na hindi na siya buo. Pero oras na patulan niya ito ay tiyak magbabago din ang paningin nito sa kanya.
"Teka lang Matilde. Bulaklak muna para sa 'yo..."
Hinarangan siya nang huli bago pa man siya makaakyat ng hagdan at inabot sa kanya ang isang bouquet ng bulaklak.
Umarko ang kanang kilay ni Matilde. "May pambili ka nito? Eh hindi ba nauubos lang ang pera mo sa kaiinom mo?" matalas na saad niya. Nakita niya naman ang pagdaan ng kirot mula sa mga mata nito.
Well, he should be. Kaylangan niya itong saktan para 'wag nang umasa pa sa kanya. Dahil wala talaga itong makukuha kay Matilde.
And Jake doesn't deserve her. Masyado pa itong bata. Magpayaman muna ito. Maaari pa.
"Matilde. Kaya kong magpakatino para sa 'yo," pabulong na usal nito. Ang kanang kamay ay nakaabot pa rin sa kanya habang hawak ang bulaklak.
Nailing siya. "Sa iba mo na lang ibaling iyang pagmamahal mo. Sige na, Jake. May gagawin pa ako at nagmamadali ako," saad niya at nilagpasan ito.
Kaya nitong magpakatino sa kanya. Ngunit si Matilde ay iba. Hindi niya kaylangan ng mga matitinong lalake.
Kahit si Jake pa ang pinaka barumbadong lalake na nakilala niya basta mapera ito, siya na mismo ang maghahabol dito.
Maliban sa pamilya ni Matilde ay walang ibang mahalaga sa kanya kundi ang pera dahil sa tingin naman niya ay lahat ng tao doon sasaya.
And if others think that money can't buy happiness, she beg to disagree with that. Dahil papaano mo magagawa ang mga gusto mo sa buhay kung wala kang pera?
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, bawat galaw ng tao ay kasama na ang pera. Hindi iyon mawawala.
"Ano bang ayaw mo sa akin, Matilde?! Sinabi ko na sa 'yo magpapakatino ako para sa 'yo! Bakit ba ayaw mo!" galit na tugon sa kanya ni Jake. Ngunit imbis na lingunin ito ay dire-diretso na siyang pumasok sa nirerentahan niya.
Pera. Iyan ang wala si Jake. Kaya ayaw niya dito.
Napangisi siya sa naiisip niya.
***
PAGKARATING sa loob ng kanyang kwarto ay pabagsak na nahiga sa kama si Matilde. Nagmuni muni siya at napatulala sa kisame. Mamaya na siya mag-aasikaso para mag-empake ng mga gamit niya. Hayaan niyang maghintay ng matagal si Leandro Jose doon sa kompanya total naman ay pinahirapan siya nito at kaylangan niya pang magmakaawa 'wag lang siyang patalsikin sa trabaho.
Matilde heaved a sighed at saka siya napabangon makaraan ang kalahating oras. Inabot niya ang kanyang bag at kinuha doon ang cell phone niya.
Binuksan niya iyon at hinanap ang numero ng kapatid niyang si Adrianna at saka tinawagan. Pasado alas otso na rin naman. Ibig sabihin ay nakauwi na ito galing eskwelahan.
After dialling her sister's numer ay itinapat na ni Matilde ang cell phone sa kanyang teynga. At makaraan nga ang ilang pag-ring ay narinig niya na ang boses nito mula sa kabilang linya.
"Hi ate! Napatawag ka?" bati nito sa kanya.
Napangiti si Matilde. "Gusto lang kitang kamustahin. Kamusta ang pag-aaral mo?" aniya dito.
"Okay naman, Ate Mat! Kauuwi ko nga lang galing school. Heto at nagpapahinga muna ako bago magluto ng hapunan," tugon naman nito sa kanya.
"Pagbutihan mo iyang pag -aaral mo ha. Siya nga pala Adrianna, mawawala ako ng mga isang buwan siguro. Pinagbakasyon ako ng boss ko. At sino ba naman ako para tumanggi hindi ba?" magiliw na tugon niya dito.
Matilde already mastered lying kaya wala na lamang sa kanya ang pagsisinungaling lalo na kung para naman sa pamilya niya ang ginagawa niya. Makakabuti naman ito sa kanila at parte ito ng trabaho niya.
"Wow! Isang nawa'y lahat ate! Saan ka magbabakasyon?"
"Hindi ko pa alam. Hindi pa nabanggit ng boss ko. Mag-uusap pa kami bukas. Pagbalik ko, tayo naman nila Nanay ang magbabakasyon pangako ko iyan! Basta pagbutihan mo lang ang pag-aaral mo," aniya naman kay Adrianna.
Bumangon si Matilde mula sa kama at inisa isang hinubad ang suot niya. Maliligo muna siya bago tutungo sa opisina. Para fresh siya pagdating doon. Baka mahumaling pa lalo sa kanya ang nag-iisang Leandro Jose De Luca.
"Sure ate! Aasahan ko iyan ah! Mag-iingat ka sa pagbakasyon mo..."
"Sige na. Ibababa ko na 'to. Mamaya magta-transfer ako ng pera sa account mo. Ibibigay ko na iyong allowance mo para sa susunod na buwan. Mag-iingat ka lagi. Bye Adrianna."
Matapos maibaba ni Matilde ang tawag ay saka siya nagtungo sa banyo upang maligo. Hinubad niya na rin ang natitirang saplot sa katawan niya saka siya nagtungo sa ilalim ng shower.
Hindi na siya nagtagal doon at nagmadali na siya. Baka kasi mainip na si Leandro Jose sa kanya.
At katulad ng kadalasang sinusuot ni Matilde at hindi rin siya sanay magmaong, isang kulay asul na dress ang isinuot niya matapos niyang maligo.
Inilugay niya rin ang kanyang buhok at hindi na siya nag-abalang mag make up pa. Tanging liptint lamang na kolerete ang ginamit niya.
Matapos nun ay nag-empake na rin siya ng mga gamit niya. Mga piling damit lang ang nilagay niya sa bagahe niya. Iyong medyo matino sa paningin ng iba.
At makalipas nga ang halos isang oras ay natapos din siya.
Bitbit ang bag na lumabas ng apartment si Matilde. At katulad din kanina ay naabutan niyang nasa labas pa rin si Jake. Ang kaibahan lamang ay nag-iinom na naman ito.
"Matilde. A-aalis ka na?" tanong nito at saka napatayo nang makita ang dala-dala niya.
"Magbabakasyon ako Jake. Sana sa pagbalik ko naka move on ka na. Bye," masungit na saad niya dito at saka ito nilagpasan.
Lumabas siya ng gate at saka nag-abang ng taxi. At dahil rush hour ay nahirapan siya. Mabuti na lamang at may taxing huminto sa katapat na bahay at may bumaba.
Pinara niya iyon. At nang makapasok sa loob ay sinabi niya kaagad kung saan siya tutungo. "Sa De Luca's Hotel and Resort ho Manong," aniya habang nagkakabit ng seatbelt sa katawan niya.
Agad namang pinasibad ng driver ang taxi matapos nun.
***
"WHAT took you so long?"
Salubong ang magkabilang kilay at bahid na ang pagkainip sa boses ni Leandro Jose pagkarating niya ng kompanya. Maya't maya din ang pagsulyap nito sa relo nitong pambisig.
Hilaw naman na napangiti si Matilde sa huli. Hindi pa man nagsisimula ang trabaho niya dito ay bad shot na naman kaagad siya. "Sorry Sir Leandro. Mabigat ho ang traffic," asiwang saad niya saka niya itinuon ang kanhang paningin sa bagaheng nasa harapan niya.
Nasa loob sila ng opisina ni Leandro Jose. Ang huli ay nasa swivel chair nito habang siya naman ay nakatayo sa harapan nito.
Pasimpleng sinulyapan ni Matilde ang orasan. At napangiwi nga siya nang makitang mag-aalas dyes na ng gabi.
Halos ilang oras din pala niyang pinaghintay ang boss niya.
Nakita niya ang mariing pagtitig nito sa kanya. "'Wag mong sasagarin ang pasensya ko sa 'yo, Miss Magallanes. 'Wag mong abusuhin ang kabaitan ko sa 'yo. This will be the last time na papalpak ka. Because once you do it again, hindi na ako magbibigay pa ng tyansa sa 'yo..."
Sunod-sunod naman na napatango si Matilde. "Promise, Sir. Hindi na mauulit. Gagalingan ko rin sa trabaho," aniya dito. Itinaas niya pa ang kanang kamay niya bilang tanda na nangangako siya dito.
Mabigat itong nagpakawala ng buntonghininga at saka ito muling sumulyap sa mamahalin nitong relo. "Let's go," tugon nito at saka tumayo mula sa swivel chair nito.
Agad namang tumalima si Matilde. Akmang bubuhatin niya na sana ang bag niya nang maunahan siya nito ni Leandro Jose. Lumapit ito sa kanya at kinuha iyon.
"Let me," seryosong tugon nito sa kanya at saka iyon isinabit sa balikat nito saka ito nagpatiuna papalabas ng opisina.
Matilde bit her lower lip because of that. Hindi lang pala mabait si Leandro Jose. Gentleman din talaga.
Napahagikhik siya.
***
DUMIRETSO sina Matilde sa basement ng kompanya. At halong mapangaga siya nang bumungad sa kanyang paningin ang pulang Lambo ni Leandro Jose. May sarili pa itong parking doon kasama ang isa pang lambo.
Kung gaano kagwapo ng huli ay ganoon din ang sasakyan nito.
At mas lalong nadagdagan ang kagwapuhan ni Leandro sa paningin ni Matilde nang papasukin siya nito sa sasakyan nito at saka pinaharurot iyon.
"I-inyo ito, Sir?" namamanghang tanong niya. Tila nag-dollar sign ang mga mata ni Matilde.
Mayaman ang mga De Luca. Mayaman si Xavier. At hindi na rin bago na mayaman din si Leandro Jose. At sa ganitong mga pagkakataon na sinampal siya ng kayamanan ng huli ay hindi maiwasang magniningning ang mga mata niya.
It's like hitting two birds with one stone. May misyon siya mula kay Xavier na paibigin si Leandro Jose. At kapag nagawa niya iyon ay babayaran siya nito ng milyong halaga ng salapi.
At sa tingin ni Matilde ay hindi lang iyon ang matatamasa niya. Dahil oras na magkagusto sa kanya ang isang Leandro Jose ay panigurado rin na ibibigay nito ang lahat ng luho niya.
Buhay princesa siya dito kumbaga.
Napangisi siya sa naiisip niya. Mas lalo tuloy siyang nasabik sa misyon niya.
"What?" kunot noong tanong sa kanya ni Leandro Jose. Mula sa pagmamaneho ay bahagya itong lumingon sa kanya.
And Matilde finds him hot while driving the red lambo. Pogi na si Leandro Jose ngunit mas lalo itong pumogi sa paningin niya dahil sa minamaneho nito.
He looks appealing and hot and she bit her lower lip because of that.
"This car Sir," sinadya ni Matilde na maging paos ang boses niya. Pasimple niya ring hinaplos ang kanang braso nito habang nasa manibela iyon nakahawak.
Bahagyang sumulyap sa kanya si Leandro Jose at saka umangat ang sulok ng labi nito. Wala itong naging tugon ngunit obvious naman na sa kanya ito.
Umayos ng pagkakaupo si Matilde. Titig na titig siya ngayon kay Leandro Jose. Hanggang sa itinigil nito ang sasakyan sa isang resto.
"Let's eat first. I'm already famished," saad nito sa kanya at saka naunang lumabas ng sasakyan.
At sa gulat ni Matilde ay inalalayan din siya nito sa pagbaba doon.
"Be careful," ani pa nito sa kanya.
Ngumiti siya. "Thanks Sir," she sexily utter at saka pasimple niyang hinaplos ang matigas na dibdib nito.
Tumiim naman ang panga ni Leandro at tila nagliliyab ang mga mata nitong bumaling sa kanya bago ito dumukwang malapit sa teynga niya dahilan upang maramdaman niya ang mainit nitong hininga na tumatama sa pisngi niya "Stop seducing me, Lady or else I'm gonna take you right here right now..." may pagbabanta sa boses na saad nito sa kanya.
Ngunit imbis na matakot ay tila mas nakaramdam pa nga ng pananabik si Matilde. Hmm. Why not? Hindi niya pa nasubukan ang public s*x ngunit dahil si Leandro naman ang makakasama niya ay bakit hindi?
Hindi naman natatakot si Matilde at medyo madilim din dito banda sa pinag-parking-an ni Leandro.
Bukod pa doon ay pangmayamang resto ang pinuntahan nila. Bihira ang tao kaya walang makakakita sa kanila.
"Oh Daddy. I'm scared," may panunudyo naman sa boses na saad niya dito. Ngunit taliwas sa mga salitang lumabas sa labi ni Matilde ay mabilis naman na pumulupot ang magkabilang braso niya sa leeg ni Leandro Jose.
"f**k! Lady!" dinig niyang pagmumura ng huli. Ngunit katulad niya ay mabilis din siya nitong hinapit sa beywang niya.
"I'm already famished with food. Pero mas gusto ko yatang ikaw ang maging hapunan ko, Miss Magallanes," Leandro Jose sexily whispered on her right ear. She even felt him licking her earlobe.
She gasped. At kasabay nun ay napasabunot siya sa blonde na buhok nito. Napatingkayad pa siya at inabot din ang teynga ng huli. "I'm willing to be your dinner then, Daddy..." bulong niya.
Inalis ni Matilde ang kanang kamay niya sa pagkakapulupot sa batok nito at dinala niya iyon sa umbok sa pagitan ng magkabilang hita nito na ngayon ay nararamdaman niya nang tumatama sa puson niya.
"Oh. You have bulge already. Hmm. What can I do to it kaya?" tila inosenteng saad pa niya. Napakagat pa sa labi niya si Matilde nang maramdaman niya kung gaano iyon kalaki at kahaba. Alam niyang hindi iyon average size ng mga Filipino. Literal na may ipagmamalaki si Leandro Jose.
"f**k!" marahas na mura ng huli. Halatang naaapektuhan na rin ito sa ginagawa niya dahil mula sa pagkakayakap nito sa beywang niya ay pisil pisil na rin nito ang kanang dibdib niya.
Nagawa pa siya nitong isandal sa pulang lambo at saka siya nito marahas na hinalikan sa labi niya.
At dahil nadadala na rin ng mainit na tagpo si Matilde ay kaagad niya ring itinugon iyon. Tinapatan niya ang intensidad ng halik ni Leandro Jose sa kanya.
Napapatingkayad na siya dahil pisil pisil na nito ang magkabilang pang upo niya.
"Ahh Daddy!" sinadya niya ring umungol malapit sa teynga nito at pinarinig na hindi pa man nila ginagawa ng actual ang bagay na iyon ay tila baliw na baliw na siya dito.
Napasabunot pa si Matilde sa buhok nito at saka mas binigyan ito ng access sa makinis niyang leeg.
"Ahmm..." muling daing niya nang maramdaman niya ang pagdila nito doon. At kasabay nun ay sinipsip din iyon ng huli.
My goodness. Leandro Jose's already a package. He's hot and rich. Magaling pang humalik. At panigurado rin na talagang titirik ang mga mata nito ni Matilde sa kama oras na nakapatong na ito sa kanya.
"I want more, Daddy," malanding bulong nga iya nang bumaba na ang labi nito sa pagitan ng magkabilang dibdib niya.
Narinig niya naman ang mabigat na paghinga ni Leandro Jose at saka ito bahagyang umatras sa kanya. Pinasadahan siya nito ng tingin.
"Right. You're no longer my secretary. I could have an affair with you already," mapanganib na saad nito. At kasabay nun ay hinila siya nito papasok sa loob ng pulang lambo.