KALMADONG napaatras si Leandro Jose mula sa pagkakaluhod ni Matilde sa kabila ng malisyang gumuhit sa mga mata ni Xavier habang nakatuon sa kanila.
Pasimple ding inayos ni Leandro Jose ang pagkakabutones ng slacks nito at saka napatiim bagang at nag-iwas ng tingin kay Matilde.
Narinig pa niya ang pagbuntonghininga nito at saka bumaling sa kanya. "I told you, it's alright. Hindi ako nasaktan, Miss Magallanes. Tumayo ka na r'yan. Ayos lang ako," mahinang sambit ni Leandro Jose sa kanya saka siya inalalayang tumayo mula sa pagkakaluhod niya.
Napakurap kurap naman si Matilde at nag-iwas ng tingin. Hiyang hiya talaga siya sa nagawa niya. Bukod pa doon ay natilamsikan din ang dokumentong binabasa nito. Alam niyang importante pa naman iyon at tungkol iyon sa kompanya.
"P-pasensya na talaga, Sir," sambit niya dito.
Tumango naman ito. "How about you? Are you okay? Are you hurt? Natapunan ka rin ba?" saad ni Leandro Jose sa kanya.
Umiling naman siya. "Ayos lang ho ako." Ayos lang naman kay Matilde kung napaso siya. Ang iniisip niya talaga ay ang Sir niya. Nakakahiya. Kahapon pa siya pumapalpak sa trabaho niya. Baka isipin nitong sinasadya niya ang lahat baka tanggalin pa siya.
Hindi pa pwede. Lalo na at hindi niya pa nagagawa ang plano niyang paibigin ito. Kaylangan niya na munang maisakatuparan ang pinapagawa ni Xavier sa kanya para sa minimithi niyang milyones mula dito.
"Good then. Now, I want you to call a janitor to clean this mess. We will be having a meeting in thirty minutes," imbis ay utos sa kanya ni Leandro Jose.
"Masusunod, Sir..." Tumango naman si Matilde dito at saka naglakad patungong pinto. Nadaanan niya pa si Xavier na ngayon ay tahimik nang nakasandal sa gilid habang nakasuksok ang magkabilang kamay sa bulsa ng slacks nito.
Nakita pa ni Matilde ang malisyang gumuhit sa mga mata nito. Napaiwas na lamang siya ng tingin dito at saka nagmamadaling lumabas ng board room para tumawag ng maintenance team.
***
MULA sa pagkakasandal sa pader ay nakapamulsang lumapit si Xavier sa kapatid niyang si Leandro Jose na ngayon ay abala sa pagpunas ng slacks nito. Nakita rin niya ang mga nagkalat na piraso ng babasaging tasa at natapon na kape sa sahig. Bukod pa doon ay napansin din niya na basa ang dokumento sa mesa.
"What happened, Bro? Are you having an affair with your newly hired secretary?" he asked nonchalantly. Umakto pa siyang hindi nakita ang mga kalat at iyon pa talaga ang itinanong niya.
Then Leandro Jose gave him a sterned look. "The coffee slipped on her hand. Natapilok kasi siya," tipid na saad nito sa kanya at napabuntonghininga.
Umarko ang kanang kilay ni Xavier at saka naghila ng upuan. Umupo siya doon at saka pinagkrus ang kanyang magkabilang braso sa tapat ng dibdib niya matapos niyang ipatong ang kanan niyang hita sa kaliwa.
"Really? Or maybe it's just her way to kneel in your front?" may malisyang tugon niya.
Alam ni Xavier na masyado nang personal ang tanong niya. But he just want to know kung may pag-asa bang landiin ng kapatid niya si Matilde. Dahil hindi naman lingid sa kaalaman niya na si Leandro Jose ay isa ring pihikan pagdating sa babae. Pareho siya nito na trabaho lamang ang naiisip at inaatupag.
Muli siyang binalingan ng tingin ni Leandro Jose. Nagsalubong pa ang magkabilang kilay nito kay Xavier. "Are you saying that Miss Magallanes was seducing me? And she did that on purpose?"
Nangibitbalikat si Xavier. "I don't know. Who knows..."
Nailing ang kapatie niya. "Nuh. She can't do that to me. I don't tolerate office romance. She should be professional. And she should focus on her work or else I will fire her..."
Sa pagkakataong ito ay si Xavier naman ang napakunot ang noo.Ngunit panandalian lamang iyon dahil kapagkwan ay ngumisi siya. "Oh really? Kaya mong tanggihan ang sekretarya mo? Talaga ba?" may panunudyong tanong pa niya.
"Xavier..." Narinig niya ang pagbuga ng hangin ni Leandro Jose. Mukhang hindi na nito gusto kung saan patungo ang usapan nila. Naihilot din nito ang sintido nito at saka naupo sa katapat niyang upuan. Inabot nito ang dokumento at saka iyon pinasadahan ng tingin. "What are you trying to say?"
Umayos naman siya ng upo. "C'mon brother. You can have a secret affair with your secretary if you want. Mukhang papatulan ka rin naman. Sayang din iyon. She looks hot and sexy. At mukhang magaling din gumiling sa kama. I mean, look at her butt," ngingising ngising saad pa ni Xavier. Talagang tinutukso niya ito para na rin sa plano niya.
Huh! He's doing Matilde a favor. Dapat bawasan niya ang talent fee nito sa ginagawa niya.
At demonyo na kung demonyo pero gagawin niya ang lahat mawala lang ang atensyon ni Leandro Jose sa kompanya. Malaki ang tiwala at expectations dito ng kanilang ama. At ang gustong mangyari ni Xavier ay madismaya sa kapatid niya ang mga magulang niya.
Noon pa man, malaki na ang inggit niya dito. At pwede nitong kunin ang lahat sa kanya. 'Wag lang ang kompanyang inaasam asam niya.
Napaismid si Leandro Jose sa sinabi niya. He even massages the bridge of his nose after checking the documents. "This is getting somewhere already, Xavier. I have no time to flirt. Saka na if I'm no longer busy. Anyways, iiwanan na muna kita. I'll just change my pants..." he said then rose up from his chair matapos nitong sulyapan ang relong pambisig nito. Lumapit pa ito sa kanya at tinapik siya sa balikat niya. "Tell Dad kapag nauna na siya dito kung saan ako nagpunta." Iyon lang at tinalikuran na siya ni Leandro Jose at saka ito lumabas ng board room.
Napabuga naman ng hangin si Xavier at napakuyom ng kamao. He gritted his teeth.
He has to talk with Matilde Ramos. Mukhang hindi gumagana ang pinapagawa niya dito at parang wala lang kay Leandro Jose ang presensya ng huli.
Sayang lang ang naunang ibinayad niya na dito.
***
"KUYA, pakidalian na lang ha? Maraming salamat," ani Matilde sa kausap niya mula sa maintenance saka binaba ang tawag matapos niyang sabihin doon na may kaylangan linisin sa board room.
Napabuga pa siya ng hangin at saka napailing. Kaylangang maging kaakit akit siya sa paningin ni Leandro Jose. Hindi iyong palpak pa siya kung umasta katulad kanina.
Matapos nga magtawag ng maintenance ni Matilde ay napagdesisyunan niyang magtungo sa restroom para mag-retouch.
Bigla kasi siyang na-stress. Talagang hiyang hiya siya kanina. Hindi niya inaasahan ang nangyari kanina. Hindi niya iyon ginusto.
Muling napabuntonghininga si Matilde. "Ugh! Focus ka nga lang! Ano bang nangyayari sa 'yo!" kastigi niya sa sarili niya.
Nakatulala lamang sa salamin si Matilde nang biglang bumukas ang pinto ng restroom. At sa gulat niya nang makitang ang boss niyang si Xavier De Luca ang iniluwa nun ay hindi agad siya nakaalama.
"What are you doing here?!" salubong ang magkabilang kilay na tanong niya dito matapos niyang marinig na tumunog ang lock ng pinto. Napaayos din siya ng tayo nang makitang nanlilisik ang mga mata ni Xavier.
"You're not doing your job properly!" nakatiim bagang na saad nito at saka sumandal sa pinto. Nakita niya pa ang pagpasada nito ng tingin sa buong katawan niya.
"What? Ano bang pinagsasabi mo? I'm just starting!" pabulong naman na saad niya sa takot na baka may makarinig sa labas ng pinag-uusapan nila.
Napaismid si Xavier sa kanya. "Ayus ayusin mo ang trabaho mo, Ramos! I am paying you! Paibigin mo si Leandro at saka mo iwanan! I'm giving you a month!"
"What?! Isang buwan?!" gulat namang saad niya. "Mister De Luca, hindi iyon ganoon kadali! Nahihibang ka na ba?!"
A month? Oo at kayang paikutin ni Matilde ang mga kalalakihan sa kamay niya. Ngunit alam niyang iba si Leandro Jose. Oo rin at dinala na siya nito sa hotel. Ngunit mukhang mahirap isingit ang pinapagawa ni Xavier De Luca sa gitna ng trabaho.
Leandro Jose's dedicated to his work. Konting kapalpakan lamang ay nagagalit na ito sa kanya. Sa tingin ba ni Xavier ay pagtutuunan pa ng kapatid nito ang pang-aakit niya? Malamang ay hindi!
"Akala ko ba ay magaling ka?" Nawala ang emosyon sa mga mata ni Xavier. "I thought you're expect to it?" pag-uulit nito at saka naglakad patungo sa kanya.
At sa pangalawang pagkakataon ay hindi agad nakaalma si Matidle nang ikulong siya ni Xavier sa mga bisig nito sa pamamagitan ng pagtukod ng magkabilang braso nito sa magkabilang gilid niya.
"What are you doing?" Magkasalubong ang magkabilang kilay na tanong niya.
Tumingala siya at hinuli ang paningin ni Xavier.
Ngumisi naman ito sa kanya. "Gamitin mo ito..." ani ng huli at kasabay nun ay umangat ang kanang kamay nito at pinisil siya sa kaliwang dibdib niya.
Nanlaki ang mga mata ni Matilde dahil sa gulat. Masyadong mabilis ang mga kamay ni Xavier at namalayan na lamang niya na pisil pisil na rin nito ang pang-upo niya.
"And this..." dagdag pa nito. "And this," muling saad ni Xavier. At kasabay nun ay lumipat ang kaliwang kamay nito sa hita niya at saka siya pinisil doon. Malapit sa p********e niya. Napasinghap siya.
"Gamitin mo ang lahat ng iyan. Paniguradong mabibihag mo si Leandro Jose..." saad pa nito bago ito umatras papalayo sa kanya.
"Bastos!" saad naman ni Matilde kay Xavier. Pinanlisikan niya pa ito ng mga mata ngunit ngumisi lamang ito sa kanya.
"Puhunan mo iyan hindi ba? Hindi ka na dapat mabastos pa," sarkastikong saad ng huli.
Napakuyom naman siya ng kamao dahil sa nakakainsultong sinabi nito. "f**k you!" saad niya dito. Pakiramdam ni Matilde ay umakyat ang lahat ng dugo niya sa kanyang ulo dahil sa sinabi nito. Nag-init ang ulo niya.
Anong karapatan ng lalakeng ito para insultuhin siya?
Xavier laughed sarcastically once again. At muli ay pinasadahan siya nito ng tingin. "f**k me? No thanks, Miss Ramos," saad nito at saka siya tinalikuran at iniwan sa restroom.
Napatili naman sa inis si Matilde.
Napakuyom siya ng kanyang kamao.
Makikita ng lalakeng iyan! Gaganti siya dito. Hindi lang si Leandro ang paiibigin niya. Maging si Xavier De Luca ay paiikutin din niya sa kamay niya. Paglalaruan niya ito.
At kapag nangyari iyon ay sabay niyang iiwan ang mga ito sa ere.
***
TILA walang nangyaring lumabas ng restroom si Matilde at saka bumalik sa boardroom. Dire-diretso pa siyang pumasok sa loob ngunit agad din siyang napahinto nang maabutang napakadami nang lalake sa loob. Lahat ng kanilang atensyon ay nakatuon sa lalakeng nagsasalita sa unahan ngunit lahat ng mga ito ay napalingon sa kanya nang pumasok siya.
"Yes Miss? Do you need something?" saad ng lalake sa unahan. Magkasalubong na ang magkabilang kilay nito sa kanya.
Napapahiyang napatungo naman si Matilde. "I-I'm sorry," saad niya at saka napailing. Akmang lalabas na sana siya nang marinig niya ang boses ni Leandro Jose.
"She's my secretary. Come here, Miss Magallanes..."
Nilingon niya ito at hinanap kung saan nagsisimula ang boses ni Leandro Jose. At nang mahanap ay agad siyang nagtungo doon at naupo sa tabi nito.
"Proceed Mister Zamora." Mula naman sa gilid ni Leandro Jose ay narinig niya ang boses ni Xavier.
Hindi na naimik si Matilde kahit na ramdam niya ang mariing titig sa kanya ni Leandro Jose.
Nagpatuloy ang meeting ng mga kalalakihan sa loob at talagang napapanganga siya. Hindi siya maka-relate sa mga ito.
Kaya ang ginawa niya na lamang ay mag-drawing ng kung anu ano sa notebook na hawak niya.
Hanggang sa matapos ang meeting. Nauna nang lumabas si Matilde at hinintay na lamang si Leandro Jose na makabalik.
Nakatulala lamang si Matilde sa kawalan. Nakapatong pa ang pisngi niya sa kanang palad niya at napapapikit ng mga mata.
Pasado alas dyes pa lamang ng umaga. Ngunit talagang antok na antok si Matilde. Napakabagal ng oras. Gusto niya nang umuwi kaagad.
"Miss Magallanes..."
Halos mapatalon nga sa gulat si Matidle nang marinig niya ang boses ni Leandro Jose.
"Y-yes Sir?" aniya at agad na tumayo at sinalubong ito.
Kinunutan naman siya nito ng noo. "Please make me a coffee. Thanks," anito sa kanya at saka siya tinalikuran. Pumasok ito sa opisina nito.
Laglag naman ang magkabilang balikat na sinunod niya ang utos ng sir niya. Hay! Talagang gusto nang umuwi ni Matilde. Parang hinihila ang mga mata niya ng antok at napapapikit pa siya.
Matapos magtimpla ay agad siyang nagtungo sa opisina ni Leandro Jose. Kumatok siya. At nang marinig niya naman ang boses nito na pinapapasok siya ay agad niya iyong binuksan.
"Come in, Miss Magallanes," tugon nito sa baritonong boses.
"Here's your coffee, Sir Leandro Jose..." saad niya nang makalapit siya dito.
"Just put it there. And please be careful," anitong nagbabasa na naman ng dokumento. Nakaupo na ito sa swivel chair nito at tila hari ito doon.
Agad naman iyong inilapag ni Matilde sa mesa. Mabuti na lang talaga at hindi natapon iyon. "May kaylangan pa ho ba kayo, Sir Leandro Jose?" saad niya dito. Baka kasi may iuutos pa ito. Mabuting isahan na.
Nag-angat naman ito sa kanya ng tingin. Hinubad ni Leandro Jose ang suot nitong salamin. "Just call me Sir Leandro or LJ. Leandro Jose's too long, Miss Magallanes," puna nito sa kanya.
Napatango naman si Matilde. "Sige ho. Sir Leandro na lang."
Tumango din ito at saka iminuwestra sa kanya ang upuan.
"Po?" nagtatakang saad niya.
"Have a seat, Miss Magallanes. We will talk," anito sa kanya.
Agad namang tumalima si Matilde. "Ano hong pag-uusapan natin?"
"What can you say about the meeting earlier? May punto ba si Mister Zamora sa sinasabi niya?" tanong nito sa kanya na ikinaamang naman ng labi ni Matilde.
Napakurap kurap pa siya. "H-ho? M-meeting? B-bakit ninyo ho ako tinatanong, Sir? H-hindi ho na at nanduon din kayo?" nagtatakang saad niya.
Kinunutan naman siya ng noo ni Leandro Jose. "Miss Magallanes. You're my secretary. And it's your job to listen sa lahat ng meeting na dinadaluhan ko. Aren't you aware of that?" nagtataka namang saad nito sa kanya.
Napaiwas naman ng tingin si Matidle kay Leandro Jose. Ang gaga naman! Anong klaseng sagot iyong sinabi niya?!
"P-pasensya na ho, Sir. P-puyat lang ho ako kagabi," tugon niya.
Narinig niya ang paghugot nito ng hininga. "Miss Magallanes," tila nawawalan na ng pasensya na saad nito sa kanya. Nakita niya pang naihilot nito ang sintido nito.
"S-Sir Leandro pasensya na ho talaga..." hingi niyang paumanhin dito.
"I saw you writing something on your notebook while were on a meeting. I assumed that your jotting down some notes," ani pa ni Leandro Jose. Tila pilit nitong pinapakalma ang boses nito.
Nailing naman si Matilde. Hindi siya nakapagsalita. Malay niya bang kaylangan niyang magsulat din habang nasa meeting?
Wala nga siyang kaideya ideya.
"You graduated suma c*m laude but you're not acting like one."
At muli ay hindi siya nakapagsalita. Nag-iwas siya ng tingin.
Kasalan ito ni Xavier. Masyadong mataas ang standard na inilagay sa resume niya. Hindi niya naman iyon kayang panindigan! Masyadong too good to be true!
"Hindi ko gusto ang mga empleyadong papatay patay sa trabaho, Miss Magallanes. The company's paying you kaya sana ay pagbutihan mo rin ang trabaho mo. I hired you, means I see a potential in you. Hindi ganito ang inaasahan ko."
"I'm sorry, Sir," tanging nasabi niya lang.
"I am giving you another chance to prove yourself, Miss. Ipakita mo na hindi dapat ako magsisi sa pagpasok ko sa 'yo dito. Go back to your work now," huling sambit ni Leandro Jose at saka nito itinuon ang atensyon sa dokumentong binabasa.
"Y-yes Sir Leandro. T-thank you, Sir..." Laglag naman ang magkabilang balikat na lumabas ng opisina si Matilde at bumalik sa pwesto niya.
Wala talaga siyang kaide-ideya sa gagawin niya. Pakiramdam niya kanina sa loob ng boardroom ay napapaligiran siya ng matatalinong tao at siya lang ang bobo.
Napakahirap lalo na at wala naman talaga siyang alam. Ang hirap makipagsabayan. Dagdagan pang ang bibilis ng mga ito magsalita ng wikang English.
Napapanganga siya.
***
KAHIT walang alam sa pinasukan niyang trabaho si Matilde ay sinubukan niyang intindihin ang ilan sa mga pinapagawa sa kanya ni Leandro Jose. Ngunit sa huli, kahit anong gawin niya ay wala pa rin talaga siyang maintindihan.
Kaya ang ending ay wala rin siyang nagawa. At katulad kanina, pinagsabihan na naman siya ng huli.
"I'm sorry..." Hindi na mabilang ni Matilde kung ilang beses na siyang humingi ng tawad kay Leandro dahil sa mga kapalpakan niya. Hiyang hiya na rin siya sa sarili niya at hindi niya na magawa ang misyon niya sa huli.
Imbis na kagandahan niya ang mapansin, puro mga kapalpakan niya ang nakikita nito.
Hanggang sa lumipas ang maghapon. Sa sampong pinagawa, isa o dalawa lang yata ang nagawa niyang tama.
At ramdam ni Matilde na kunsoming kunsumi na sa kanya si Leandro.
"I can't deal with you anymore, Miss Magallanes," saad nito nang muli siya nitong pinatawag sa opisina nito. "Imbis na mabawasan ang trabaho ko, ay mas lalo mo lang dinadagdagan ang mga gawain ko," dagdag pa nito.
Sumandal ito sa swivel chair at hinilot ang sintindo. Niluwagan din ni Leandro Jose ang suot nitong tie at saka ibinaling ang berdeng mga mata sa kanya.
"B-babawi ho ako, Sir..." saad niya rin dito. She even bit her lower lip.
Maging siya rin naman ay namomroblema na. Imbis na isagawa ang plano niyang akitin ito ay hindi niya na masimulan dahil sa hiyang nararamdaman niya.
Papaano niya ito paiibigin kung palpak siya sa trabaho niya?
Nailing si Leandro Jose sa kanya. "Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. I'm not giving you a second chance. Because I am firing you today, Miss Magallanes."
Napaawang ang labi ni Matilde. "No. Y-you can't do that, Sir. P-please. Don't do that, Sir Leandro..." saad ni Matilde. Mula sa pagkakaupo ay mabilis siyang lumapit sa huli at walang pagdadalawang isip na lumuhod sa harapan nito.
Hinawakan niya ito sa magkabilang hita nito. "I am the breadwinner of my family. I need this job, Sir. Please don't do this," pagmamakaawa niya.
Totoo namang breadwinner siya ng pamilya nila at sa kanya umaasa ang mga magulang niya at si Adrianna. Ngunit hindi totoong kaylangan niya ang trabahong iyon.
Kaylangan niya ang milyones na ibabayad sa kanya ni Xavier De Luca kaya hindi siya pwedeng matanggal sa trabaho na ito.
"Stand up, Miss Magallanes. You can find another job. Hindi lang nababagay sa 'yo ang trabaho mo ngayon," ani naman ni Leandro Jose sa kanya. Pinipigilan na nito ang magkabilang kamay niya sa paghaplos sa mga hita nito.
Ngunit hindi iyon inintindi ni Matilde. Sinadya niyang mas lumapit pa dito. Tumayo rin siya gaya ng gusto nito ngunit halos maupo na siya sa hita nito.
"Please Sir. Don't fire me. I need a job. Sa akin lang umaasa ang pamilya ko," aniya. Ang kamay ni Matilde ay nasa dibdib na ni Leandro.
Narinig niya naman ang mahinang pagmumura nito. Mabigat na rin ang pagtaas baba ng dibdib ng binata. "F-f**k-"
"Please Sir. I need this job..." Kunwari ay hindi napansin ni Matilde ang sunod-sunod na paglunok ng huli.
Mas idinikit niya pa ang sarili niya dito hanggang sa tuluyan na siyang nakaupo sa mga hita nito.
"Please Sir," bulong niya na ngayon matapos niyang ilapit ang labi niya sa teynga nito.
Nailing naman si Leandro Jose. Ang kamay nito ay nasa magkabila niya nang balakang at nakapisil na doon. Halatang nanggigigil ito.
"But you are not fit on the job, Miss Magallanes."
"Kahit anu na lang, Sir. Gawin mo akong personal assistant mo. Gawin mo akong maid mo. Kaya kitang ipagluto at ipaglaba. I can stay at your house. Kaya kong gawin ang lahat. Bigyan mo lang ako ng trabaho..." ani Matilde.
Hindi siya papayag na uuwi siyang luhaan ngayong araw na ito. Hindi pwedeng hindi niya makuha ang kalahati pa ng ibabayad ni Xavier sa kanya. Nasimulan niya na. Kaya tatapusin niya ito.
Masyado na siyang desperado.
"Please Sir..." dagdag pa niya. Ang balakang ni Matilde ay paunti unti niya nang ginagalaw sa ibabaw ni Leandro. At lihim nga siyang napangisi nang maramdaman may nabubuhay na sa ilalim niya.
"Miss Magallanes!" may pagbabanta sa boses ni Leandro Jose ngunit hindi niya inintindi.
Why would she stop? Kung ramdam naman niyang naapektuhan na ang huli?
Ang kaninang kamay nito na nasa balakang niya ay umakyat na sa likod niya. Taas baba na ito doon at may kasama nang pagpisil.
"Or if you want..." Binitin ni Matilde ang sinasabi niya at saka niya dinilaan ang leeg nito. "I could warm your bed every night. Doon ako magaling, Sir," she said then chuckled sexily. Napapikit pa siya nang malanghap niya ang nakakaadik na perfume ni Leandro Jose.
"Damn!" malutong na mura ng huli at kasabay nun ay umakyat ang kanang kamay nito sa buhok niya at marahan iyong hinila dahilan upang magkaharap sila at magtama ang kanilang mga mata.
Hindi nakatakas sa paningin ni Matilde na nagliliyab na ng pagnanasa ang berdeng mga mata ni Leandro Jose.
Lihim siyang napangiti. Marupok din ang lalakeng ito.
Isang giling lang niya sa ibabaw nito ay mukhang bibigay na.
"Hire me again, Sir. I could be your servant in the morning and bed warmer in the night..." namamaos na tugon niya.
Desperado na si Matilde. Wala naman nang mawawala sa kanya. Patapon naman na ang buhay niya kaya lulubus lubusin niya na.
Payag na rin siyang ibahay siya ni Leandro Jose para lang sa milyones na minimithi niya.
Bukod pa doon ay hindi na siya lugi dito.
Leandro Jose stood up six feet and tall. He looks really hot. Matikas ang pangangatawan nito. May abs, matigas din ang biceps at berde ang mga mata. Katulad ni Xavier De Luca, blonde din ang kulay ng buhok nito.
At sa nakikita niya, alam niyang mapapaligaya din siya nito sa kama.
"Are you sure about that?" mapanganib na saad ni Leandro sa kanya. Nakaigting ang panga nito habang nakapulupot ang magkabilang braso sa beywang niya.
Ngumiti naman siya. "I'm one hundred percent sure, Daddy..." pilyong saad niya dahilan upang magliyab muli ang mga mata ni Leandro sa kanya.
"Well, there's no backing out now. You're hired again baby," namamaos ang baritonong boses na saad naman ng huli sa kanya.
At kasabay nun ay agresibo siya nitong hinalikan sa labi na agad din naman niyang tinugon.
Sinabayan niya ang intensidad ng halik ni Leandro Jose sa kanya. At kung hindi lang dahil sa kumatok ay baka may nangyari na sa kanila mismo sa loob ng opisina nito.
Kapwa sila naghahabol ng hiningang kumalas sa isa't isa.
"Go home now and pack your things. I will wait you here. Sabay na tayong uuwi sa bahay," Leandro Jose said then kissed her on her forehead.