MULA sa maingay at napakalakas na tugtugin ng bar ay iginala ni Xavier ang kanyang paningin sa dagat ng taong nagsasayawan sa gitna ng dance floor.
Wala siyang planong hintayin pa ang kapatid niya. Ang totoo niyan ay pakay niya talagang kausapin ang huli tungkol sa kompanya kaya niyaya niya ito kanina.
Gusto niyang umurong si Leandro Jose at imbis ay atupagin na lamang nito ang sariling negosyo sa labas ng bansa.
Ngunit naunahan siya nito at humingi na ng dispensa kung kaylangan nilang mag-agawan sa pinakamataas na posisyon.
Bakit hindi na lamang ito magpaubaya at ito naman ang nakatatanda?
Kilala siya ni Leandro Jose. Buong buhay niya ay inialay niya na sa kompanya. Kaya bakit pa nito kaylangan makipagkompitensya sa kanya para lamang sa posisyong pinapangarap niya?
"f**k it!" pabulong na mura ni Xavier. Pilit niyang pinapakalma ang sarili niya lalo na at nandilim bigla ang mga mata niya sa galit na nararamdaman niya.
Sunod-sunod siyang napabuga ng hangin at ipinilig ang kanyang ulo patungo sa mga taong nagsasayawan sa gitna. Binitawan niya rin ang kopitang hawak niya at baka mabasag niya lamang iyon.
Tumayo si Xavier at saka siya sumandal sa railings mula dito sa second floor. Tinanaw niya ang dagat ng mga tao sa ibaba. He has to divert his attention.
At katulad dito sa itaas, wild na rin ang mga nasa ibaba.
Napaayos pa siya ng tayo nang makuha ng isang babaeng naka-tube ang suot ang atensyon niya. Nakatalikod ito mula sa pwesto niya kaya naman kitang kita niya kung papaano gumiling ang pwetan nito.
At hindi lamang siya ang napapatingin dito dahil halos karamihan ng mga kalalakihan ay nakatuon na rin ang atensyon doon.
And it's normal, right? Normal lang naman na maagaw nito ang atensyon niya katulad ng kapwa niya kalalakihan dahil talaga namang kapansin pansin ang galing nun sa pag-indak.
And all of a sudden, gusto iyong lapitan ni Xavier. And maybe, they could get along tonight. Matagal na rin naman nung huling nakipagsiping siya sa babae.
At kasalukuyan siyang nakatanaw doon nang maramdaman naman niya ang pagkapit ng kung sino sa braso niya. At nang lingunin, a woman with a green eyes like him welcomed him. But he was so sure that it's just a contact lense. Halata namang Pinay ito.
The woman has this seductive look. Mapupula ang labi nito at makurba din ang katawan. Ngunit pakiramdam niya ay wala itong maibubuga sa babaeng nakaagaw ng atensyon niya ngayong gabi.
"Hi babe! Kanina pa kita napapansin. And I think you're alone? Do you want me to accompany you?" bati nito kay Xavier saka hinaplos ang braso niya.
Alone? Halatang nagsisinungaling lamang ito.
Nagsalubong ang magkabilang kilay ni Xavier saka inalis ang pagkakakapit nito sa kanya. "f**k off, woman. I don't like you," harsh at masungit na saad niya sa mababang tono saka tinalikuran ito.
Xavier is not a type of man na mahilig sa mga kababaihan. He's already thirty ngunit hindi niya pa naranasang magseryoso sa relasyon. Wala siyang oras para doon.
Aminado naman siyang hinahanap hanap niya rin ang init ng katawan ng isang babae habang nakapaibabaw siya dito.
Ngunit bihira lamang. He only beds a woman when he is stressed at work. Other than that, bahay at trabaho lamang ang routine niya araw-araw. He's too busy with their company at wala na siyang oras para sa social like niya.
Ngunit totoo naman ang sinabi niya. Hindi niya gusto ang babaeng lumapit sa kanya.
And that woman on the dance floor, he think, he wants her tonight in his bed. At hindi siya makakapayag na hindi ito makuha ngayong gabi.
Muli niyang itinuon ang atensyon niya doon. Hindi niya inintindi ang pagmumura ng babaeng ni-reject niya. Wala itong magagawa. Ayaw niya sa mga babaeng pinagkakanulo ang sarili para sa mga lalake.
What? Masyado na bang desperado ang mga ito para sa atensyon nila?
Poor woman.
Muling inanap ni Xavier ang babaeng nakakuha ng atensyon niya sa dance floor. Bahagya pa siyang nahirapan dahil sa likot ng mga tao at patay sinding ilaw. At nang makita niya iyon ay nabuhayan siya at napagdesisyunan ni Xavier na bumaba na para puntahan iyon.
He needs a woman tonight to release his stress. At sa tingin niya ay ito ang tamang babae para doon.
Agad niya itong nilapitan. Bahagya pang nahirapan si Xavier ngunit nang nasa harapan niya na ito ay agad niyang pinaikot ang braso niya sa beywang nito mula sa likuran nito.
And the moment na naamoy niya ang pabango nito ay hindi niya maiwasang may mabuhay sa pagitan ng magkabilang hita ni Xavier.
Damn. Hindi pa man ay naaakit na siya sa babae. Kaakit akit ito.
Mabilis niya ring binaon ang mukha niya sa pagitan ng leeg at balikat nito. He even thrust his hips on her butt. He couldn't help it. She's too hot too resist.
Sinabayan niya sa pag-indak ang babae nang wala siyang makuhang pagtutol dito sa ginawa niya.
And Xavier was already enjoying the moment nang bigla ay magsalita ito ay nakilala niya ang boses.
Fuck!
Sa isip niya ay napamura siya.
Bakit sa dinami rami ng babae ngayong gabi dito sa bar ay si Matilde Ramos pa ang matitipuhan niya?
"The name's X," pilit niyang iniba ang boses niya saka ito tinalikuran.
Of course, Xavier back off. Wala siyang plano at hindi niya tutuhugin ang babaeng kinuha niya para sirain ang kapatid niya.
Hindi siya napatol sa babaeng katulad ni Matilde Ramos.
She's a w***e, a gold digger and a social climber. She's not clean and she didn't even reach his standard.
He won't ever stoop down his level on her.
Never!
***
MATIDLE is not really a morning person. Talagang hindi siya sanay gumising ng maaga dahil tuwing gabi siya nagtatrabaho. Madalas pa nga siyang inuumaga sa pag-uwi kaya kahit tanghaling tapat ay natutulog pa rin siya.
Pero dahil sa pinapagawa sa kanya ni Xavier De Luca ay kaylangan niyang gumising ng maaga.
Alas sais na ng umaga at mahuhuli na siya sa trabaho niya sa kompanya ng mga De Luca. And Matilde's aware of that already. Pero dahil sa pakiramdam na parang may pandikit ang mga mata niya ay hindi niya madilat dilat iyon.
Antok na antok pa talaga si Matilde. Anong oras na rin kasi siyang nakatulog kanina at nahirapan pa siyang maghanap ng taxi pauwi.
Ang Xavier kasi na iyon! Makikisabay lang! Ayaw pa! Madamot masyado!
Napabuga ng hangin si Matilde. Kung hindi lang dahil sa fifteen million na ibabayad sa kanya ng huli ay nuncang magsasakripisyo siya ng ganito.
"Oo na! Babangon na! Leche naman!" naiinis na saad niya saka pinatay ang kanina pang nagwawalang alarm clock niya.
Bumangon siya sa kama at pikit ang mga matang nagtungo siya sa banyo. Hinubad niya ang kasuotan niya at saka tumapat sa shower.
Napatili pa nga siya nang maramdaman ang lamig ng tubig dahilan upang maggising ang diwa niya.
Binilisan niya na ang pagkilos.
At nang matapos naman siya ay ang susuotin niya naman ang pinroblema niya. Paano ba naman kasi, puro pang-sexy ang mga nanduduon. Walang pang office attire!
Napabuga siya ng hangin. Bahala na nga! Bibili na lang siya mamayan. Kakausapin niya si Xavier para humingi ng budget sa bibilhin niya.
Katulad ng suot niya kagabi, isang fitted na dress ang suot niya ngayon. Umabot din iyon sa itaas ng tuhod niya. Pinatungan niya na rin iyon ng blazer dahil naluwa ang dibdib niya.
Pasado alas syete na natapos mag-asikaso si Matilde.
Nagmadali siyang lumabas ng apartment. At dahil rush hour, nahirapan siyang mag-book ng angkas. Mas mapapadali sana. Pero dahil sa wala siyang makuha ay nag-taxi na lang siya.
Dahil sa mabigat na traffic ay inabot siya ng alas otso sa daan.
"Maraming salamat, Manong!" saad niya sa driver bago siya bumaba sa taxi.
Pagkarating sa kompanya ay nagmadali na si Matilde. Pagkalagpas pa lamang sa gwardya ay tumatakbo na siyang nagtungo sa elevator.
Mabuti at nakahabol siya bago magsara iyon. Hinihingal pa niyang pinindot ang floor ng opisina ni Leandro Jose.
Natagalan si Matilde sa loob ng elevator. At kabado na nga siya pagkarating niya sa tamang floor dahil sinalubong siya ng malamig na titig ng boss niya.
"G-good morning, Sir Leandro," nakangiwing bati niya dito.
Mula sa swivel chair ay tumayo ito at saka sumulyap sa relong pambisig. Narinig niya ang mabigat na buntonghininga nito. "You're late, Miss Magallanes. Hindi ganyan ang gawain ng sekretarya. Dapat mauuna ka sa akin dito," malumanay ang boses ngunit ramdam ni Matide ang diin sa bawat salitang binibitawan doon ng huli.
"I-I'm sorry, Sir. H-hindi na ho mauulit," saad niya saka nag-iwas ng tingin dito.
At mula naman sa gilid ng mata niya ay nakita niya ang pagsandal nito sa pinto ng opisina nito. "'Wag mong sisirain ang credentials mo dahil sa ganyang gawain mo. Masasayang lang," anito.
Napatikhim si Matilde at pilit na ngiti. "I'm sorry again, Boss," mahinang saad niya.
Tumango naman ito. "Please don't be late again..."
Tumango din siya. "Yes, Sir,"
"Fix yourself, Miss Magallanes. After that ay sumunod ka sa akin sa board room. And please bring me a coffee. Katulad ng timpla mo kahapon. It's delicious," anitong umangat ang sulok ng labi.
Napaawang naman ang labi niya. "S-sure, Sir," aniyang natitigilan.
Hindi na ito nagsalita. Tinalikuran na siya ni Leandro Jose at saka pumasok sa opisina nito.
Napaawang naman ang labi ni Matilde. Bakit ang gwapo yata ni Leandro Jose kapag nakangiti ito?
Shit! Parang nakaka-in love!
Nailing iling siya.
Nuh! Hindi siya pwedeng ma-inlove! May mission siya! At iyon ang paibigin ang isang Leandro Jose De Luca.
Hindi iyong siya ang mahuhulog dito! Lagot siya kay Xavier nito.
***
MATAPOS mag-ayos ng sarili ni Matilde ay kaagad na siyang nagtungo sa pantry para ipagtimpla ng kape ang Sir Leandro niya.
Syempre inspired siya habang nagtitimpla. Ikaw ba naman ang puriin. Sinong hindi ma-iinspire.
Matilde was humming a song while brewing a coffee.
At matapos nun ay agad na siyang nagtungo sa boardroom.
Kumatok pa siya pagkarating doon at dahan-dahang binuksan iyon.
Pagkapasok sa loob ay agad niyang hinanap kung nasaan si Leandro Jose. At nang makita niya itong abala sa pagbabasa ng dokumento ay agad niya itong nilapitan.
"Good morning, Sir. Here's your coffee," saad niya pa.
Tumango ito nang hindi siya tinitingnan. "Just put it here. Thanks Miss Desiree," baritono ang boses na tugon nitong nasa dokumento pa rin ang atensyon.
"Hmm. Okay Sir!" masigla namang saad niya at saka naglakad patungo dito.
Ngunit ewan ba ni Matilde kung anung kamalasan mayroon siya ngayong araw na ito at kung kaylan malapit na siya kay Leandro Jose ay saka naman siya natapilok dahilan upang mabitawan niya ang tasa ng kape at natapon iyon sa hita ng huli.
Napatayo ito! "Damn it!" gulat na saad nito.
Namilog naman ang mga mata ni Matilde. "O-oh my God! I'm sorry, Sir Leandro Jose!" natatarantang saad niya. Hindi alam ni Matilde kung anu ba ang uunahin niya.
Kung ang dokumento bang natilamsikan ng kape o ang hita ba ng Sir niya.
Ngunit sa huli, si Leandro pa rin ang inuna niya.
Hindi nag-iisip na hinubad ni Matilde ang blazer na suot niya at saka siya lumuhod sa harapan ng binata.
"Oh my God! Sir, I'm sorry ho talaga! H-hindi ko ho sinasadya," sunod-sunod na paghingi niya ng tawad habang pinupunasan ang hita ni Leandro Jose, malapit sa pagitan ng magkabilang hita nito.
"Nasaktan ho ba kayo?" aniya pang patuloy sa ginagawa niya. "H-hindi ko ho talaga sinasadya, Sir. N-natapilok ako," paliwanag niya.
My goodness! Oo nga at nasa plano nila ni Xavier na pabagsakin si Leandro Jose. Ngunit wala naman sa usapan na dapat itong matapunan ng kape.
"Miss Magallanes. I'm okay. Please stand up--" ani sana ni Leandro Jose. Sunod-sunod na ang pagtaas baba ng adams apple nito. At pilit na siya nitong pinapatayo ngunit talagang matigas si Matilde.
"P-patingin po ako, Sir. Baka ho ay napaso ang hita ninyo," nag-aalalang sambit niya. Ang dalawang kamay ni Matilde ay mabilis na nagtungo sa butones ng slacks ni Leandro Jose, handa na sana siyang buksan iyon.
"Miss Magallanes, stop. It's okay--" ngunit maging si Leandro Jose ay natigilan sa pagsuway sa kanya nang bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Xavier De Luca habang nasa ganoon silang posisyon na dalawa.
"What the f**k!" tila gulat na saad ng huli.
Magkasalubong pa ang magkabilang kilay nito habang ang mga mata ni Xavier ay nakatuon sa kamay ni Matilde.