CHAPTER 7

2140 Words
KAHIT nakakahilo ang galaw ng neon lights sa buong bar ay hindi iyon ininda ni Matilde. Hinanap niya ang lalakeng kasayaw niya kanina kahit alam niya namang imposible. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa lalakeng iyon ngunit gusto niyang makita ang itsura nito. He said his name is X. Pangalan pa lang, lalakeng lalake na. And Matilde already imagined how hot the guy was. Sinubukan niyang umalis sa pwesto niya at nilapitan ang lalakeng nagsasayaw malapit sa kanya. Hinawakan niya ito sa balikat. "X," saad niya dito. Napalingon naman ito sa kanya. "Hmm. Yes, Miss?" ani ng lalake na ngingisi ngisi sa kanya. Halatang wala na ito sa wisyo at lasing na. Nagawa pa siya nitong pasadahan ng tingin sabay kagat sa pang-ibabang labi nito. "You're hot. Want to go somewhere, baby?" malanding tugon pa nito sa kanya at akmang lalapit na sana sa kanya. Nailing naman si Matilde at hindi na iyon inintindi pa. Wala siyang oras dito. Agad niya itong tinalikuran at saka umalis sa dance floor. Bakit niya nga ba hinahanap ang lalakeng nakasayaw niya? Nahihibang na siya para gawin iyon. Madami ang tao sa bar. Siksikan at nakakahilo. Kaya napakamalabong mahanap niya pa iyon. Saka anu ba ang mayroon doon para hanapin niya iyon? That man was just nothing. Nangibitbalikat si Matilde at nagtungo sa restroom. Malalim na rin ang gabi. Kaylangan niya nang umuwi at magpahinga dahil maaga niya pang bubwesistin si Leandro Jose. Pagpasok sa restroom ni Matilde ay agad siyang nag-retouch. Syempre kahit pauwi ma ay kaylangan niya pa rin maging maganda. She popped her lips after putting a lipstick. Pulang pula iyon na tila dugo. Napangisi siya. Wala man lang nakatikim ng mapula niyang labi ngayon. Matapos nun ay saka siya lumabas. Mabuti na lang at hindi pila sa restroom. Hindi siya natagalan doon. Saktong papunta na siya sa couch nila Angela para magpaalam dito nang makasalubong niya naman ito. "Uy, Mat kanina pa kitang hinahanap. Nagkahiwalay tayo," saad nito sa kanya. Mababakasan pa sa itsura ng kaibigan niya na lasing na rin ito. "Ako rin pupuntahan na sana kita sa couch. Nagbabakasali na baka nanund ka. I have to go, Angela. Kaylangan ko nang magpahinga. Maaga pa ang pasok ko bukas," tugon niya dito. Tila nagduda naman ang huli dahil sa sinabi niya. Angela gave her a look na hindi ito naniniwala. "Maaga ang pasok mo bukas? Why? Anong meron? You're working at daylight?" saad nga nito saka pinasadahan siya ng tingin na animo'y hindi ito naniniwala sa kanya. Tumango naman siya dahilan upang mapahalakhak si Angela. "OMG! Talagang nagtatrabaho ka sa umaga?! Anong klaseng work naman iyan? Nagsawa ka na ba sa ginagawa natin?" Nailing naman si Matilde. Pinag-arkuhan niya ng kilay ang kaibigan niya. "For your information, Angela, I am a executive secretary sa umaga," may pagmamalaking saad niya. Kahit hindi niya alam ang trabahong iyon at puro sermon nga ang inabot niya kay Leandro Jose kanina ay pinagmayabang niya pa rin iyon sa kaibigan niya. At bakit naman hindi? Isang privileged ang maging secretary ng isang Leandro Jose na nangyaring sikat na sikat din sa ibang bansa dahil sa pagiging young billionaire nito. "Woah? Totoo ba iyan, Mat? Baka kini-keme mo lang ako! Papaano ka namang nakapasok sa isang kompanya? Samantalang pareho tayo na ganda lang ang maibubuga?" anito na hindi pa rin naniniwala sa kanya. Inirapan niya nga. "Sinasabi mo bang bobo tayo, ha Angela?" kunot noong saad niya. Napangiwi naman ito dahil sa pagsusungit niya. "Hindi naman sa ganoon. Anu ka ba! What I mean is, hindi sa atin bagay ang ganyang uri ng trabaho lalo na at hindi naman tayo nakapagtapos ng kolehiyo," paliwanag nito. Muli ay inirapan ni Matilde si Angela. Sinulyapan niya ang kanyang relong pambisig. Masyado nang malalim ang gabi. Kaylangan niya na talagan umuwi. "I have to go home now, Angela. Happy birthday again," imbis ay saad niya dito at saka siya dumukwang at hinalikan ito sa pisngi. May sasabihin pa sana ang huli at akmang ibubuka ang labi nito ngunit hindi niya na inintindi. Dire-diretso nang lumabas ng bar si Matilde. Mag-aabang na lamang siya ng taxi. At saktong paglabas niya ay hindi inaasahang makikita niya rin dito so Xavier De Luca. Papasok pa lamang ito sa sasakyan nito kaya tinawag niya ito. "Boss!" saad niya saka nilapitan ang lalake. Her boss was wearing a black polo. Naka bukas ang ilang butones nun habang naka maong na pants at pinaresan ng puting sapatos. Malayong malayo sa suotan nito sa opisina. At aaminin ni Matilde na hot at gwapo naman talaga ang isang Xavier De Luca. Masyado lang talagang mapagmata. "Yes?" kunot noong saad nito sa kanya. Ang kaliwang kamay nito ay nakahawak sa pinto ng sasakyan dahilan upang ma-emphasize ang mamahalin at kumikinang nitong relo habang ang kanang kamay naman ay nasa bubong. Napairap si Matilde. "Wala. Gusto ko lang itanong kung kasama mo ngayon si Sir Leandro Jose," aniyang napapakunot noo. Paano ba naman kasi, mula sa kanyang kinatatayuan ay amoy na amoy niya ang mamahaling pabango ni Xavier at napaka-pamilyar nun. Parang naamoy niya na sa kung saan. Hindi niya lang matandaan. Pero siguro sa loob ng bar. Mga mayayaman ang napunta doon. Kaya hindi malabo na nagkakapareho sila ng perfume. "And why are you asking me that?" Mas lalo pang nagsalubong ang magkabilang kilay ni Xavier. Nangibitbalikat naman si Matilde. "Wala. Narinig ko lang iyong pinag-usapan ninyo kanina na magkikita kayo. Malay ko ba kung dito kayo magkikita," tugon naman niya. Ayaw niyang patulan ang kasungitan ni De Luca at wala naman siyang mapapala. Bukod pa doon ay nahihilo na rin siya at umiikot na ang paningin niya. "It's your job to know his whereabouts. Binabayaran kita. So you should do your job," saad naman ni Xavier. Akmang papasok na sana ito sa loob nang sasakyan kung hindi lang pinigilan ni Matilde. "Sandali lang Boss," saad niya at saka siya nagmamadaling lumapit dito. Hinawakan niya pa sa braso si Xavier ngunit nagdaiti lamang ang balat nila dahil agad na tinabig ng huli ang kamay niya dahilan upang mapaatras siya. "What do you want?" masungit na nitong saad sa kanya. Nagsalubong naman ang magkabilang kilay ni Matilde. "Wala! Sungit nito! Kung makatulak akala mo diring diri sa akin," naiinis namang saad niya saka ito tinalikuran. Gusto lang naman niya makisabay sa pag-uwi lalo na at alam niyang isang direksyon lang naman ang dinadaanan nilang dalawa. Ngunit 'wag na. Mukhang allergy sa kanya si Xavier De Luca. Nag-abang na lamang si Matilde ng masasakyang taxi. Samantala ay narinig naman niya ang pagharurot ng sasakyan ni Xavier. "Drive safe, Boss De Luca!" sigaw niya. Ngunit taliwas sa sinabi niya ang ikinilos ng daliri niya dahil nakataas ang pinakagitnang daliri niya dito. She raised her middle finger to him then smirk. Napakayabang. Mukhang mas mabait pa si Leandro Jose sa huli. Anu kaya kung traydurin niya ito at sabihin sa huli ang lahat ng pinaplano ni Xavier? But nuh! Sayang ang milyones niya. May 7.5 million pa siyang makukuha kay Xavier kapag natapos na itong misyon niya. Sayang din 'yon. *** "MALAPIT na akong bumaba sa pwesto." As the Vice President of the De Luca's Hotel and Resort, napamahal na kay Xavier ang kompanya. He's dedicated to it. Buong buhay niya ay inilaan niya na doon para makita ng kanyang ama ang halaga niya. After he graduated, he already worked at their company. Ngunit hindi katulad sa iba, nag-umpisa muna siya sa ibaba na tila nasa dulo siya ng hagdan. It's a step by step process. Pinag-aralan niya ang lahat. He also learned the point of view of their employees at kung anu-ano ang mga pagsubok na pinagdadaanan ng mga ito sa araw-araw na pagpasok sa kompanya. From being a janitor up to being a Vice President. Hindi biro ang mga pinagdadanaan niya. He's like a normal employee na nagmula muna sa ibaba at ginawa ang lahat just to be promoted. Kung nasaan man siya ngayon ay dahil iyon sa paghihirap niya. Bunga iyon lahat ng pawis niya. At hindi dahil sa anak siya ng may-ari ng kompanya. At ngayon na nabalitaan niya mismo sa kanyang ama na bababa na ito mula sa pwesto bilang Chief Executive Officer at imbis na ibigay sa kanya ang pwesto ay pipili muna ito sa kanila ni Leandro Jose kung sino ang nararapat, pakiramdam ni Xavier ay nauwi sa wala ang lahat ng mga pinaghirapan niya. Bakit kaylangan pang mamili kung nakita naman ng kanyang ama ang lahat ng naging paghihirap niya? O nakita ba talaga? After all, si Leandro Jose lang naman ang laging maganda sa paningin ng mga ito kahit wala ito sa puder nila. The latter's living outside the country. Making his name there by his own business. Kilala na rin ito sa labas ng bansa. Kaya marahil siguro ganoon na lamang ang paghanga ng Daddy at Mommy nila dito. They are always proud at Leandro Jose. Kumpara sa kanya na bihira lang mapansin ang halaga. Mukhang duda pa yata ang Daddy niya sa kakayahan niya kaya siguro mamimili pa ito sa kanilang dalawa. Siya ang kasama nito sa ilang taong pagtrabaho sa kompanya. Sila ang nagtrabaho sa tuwing may kinakaharap na problema. Ngunit parang may mas tiwala pa yata ito sa kapatid niya na minsanan lang nilang makasama. Kaya hindi na rin magtataka si Xavier kung bakit kaylangan pang mamili ng Daddy niya sa kanilang dalawa kung sino ang uupo bilang sunod na presidente ng kompanya. Bata pa lamang, aminado na si Xavier na malaki na ang inggit niya kay Leandro Jose. Isang taon lamang ang tanda nito sa kanya ngunit pakiramdam niya ay napag-iiwanan siya sa galing nito sa kahit na anumang bagay. He excel on lot of things. Pero imbis na ipakita iyon dito, inilihim niya iyon at kinimkim sa puso niya. He's good at pretending. Kaya ang akala nilang okay lang ay hindi naman pala talaga. Lahat ng hinanakit niya ay sinarili niya lamang. Kaya hindi siya masisisi ng mga ito kung makagawa man siya ng bagay na ikasisira ng kapatid niya. And he was so desperate to have the title on their company. Siya dapat ang maupo bilang Presidente at hindi si Leandro Jose. Kaya gagawin niya ang lahat even it's a desperate move to hire a social climber like Matilde Ramos to ruin his brother. He was already blinded with his insecurities. Kaya kahit magkasira pa sila ay hindi niya na iyon iniisip pa. Ang mahalaga ay sa kanya mapunta ang kompanya na ni minsan ay hindi naman pinagtuunan ng pansin ni Leandro Jose. He should have all the credits not his. "I'm sorry, Brother if we have to do this. But I hope, nothing will change after this," ani Leandro Jose sa mahinang boses dahilan upang mas lalong magpaliyab ang galit sa dibdib ni Xavier. Nasa bar sila nang gabing iyon at napagkasunduan ngang mag-bonding matapos ang trabaho dahil na rin matagal silang hindi nagkausap. They were both busy sa pare-pareho nilang trabaho. Ngunit napilitan lang naman si Xavier na yayain ang huli upang hindi nito mahalata na may sama siya ng loob dito. Gusto niyang isipin ni Leandro Jose na walang nagbago sa relasyon nilang dalawa kahit na ba ay nasa kompitisyon ngayon sila para sa pinakamataas na posisyon ng kompanya. Leandro was a sport. At iyon ang kinakainisan niya. Kung gaano ka-threathened si Xavier sa kapatid niya sa takot na maagaw nito ang posisyon na matagal niya nang inaasam ay tila kabaliktaran naman ito ng huli. He looks just fine and calm with the situation. Mukhang hindi man lang ito makaramdam ng pangamba sa laban nilang dalawa. Umangat ang sulok ng labi ni Xavier na tila wala lang sa kanya ang sinabi ng kapatid niya. He shrugged his shoulder after drinking the glass of liquor. Inilapag niya iyon sa mesa at napatango tango. "Of course, Bro. Nothing will change. Besides, it's just a position. Mas mahalaga pa rin ang relasyon natin bilang magkapatid," tugon niyang nakangiti pa. He saw how Leandro Jose heaved a sighed na tila ba nabunutan ito ng tinik sa sinani niya. Tinapik pa nito ang balikat niya. "I'm glad to hear that..." Tumango tango pa ito. Mas lumawak naman ang ngisi niya. "Excuse me for a while, Xavier. I'll just go to the restroom," saad nito saka iniwanan siya. But the moment Leandro Jose turned his back on him ay awtomatiko namang nabura ang ngiti sa labi niya. Taliwas sa kanyang pinapakita ay lihim na napakuyom ng kamao si Xavier. Napatiim bagang pa siya. "Not threatened with me huh," bubulong bulong na saad pa niya habang tinatanaw ang papalayong pigura ng kapatid niya. Muli ring ininom ni Xavier ang bote ng alak na hawak niya. Sige lang magpakampante lang ito. Mamamalayan na lamang ni Leandro Jose ay siya na ang nakakuha sa posisyong inaasam asam nilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD