CHAPTER 6

3589 Words
HINDI pa man alam ni Matilde kung anu ang pag-uusapan nila ni Leandro Jose ay malawak na ang ngiting nakaukit sa labi niya. At bakit naman kasi hindi? Paniguradong tanggap na siya sa trabaho. Matutuwa nito si Xavier oras na makapasok siya. Agad siyang sumunod sa loob ng opisina ni Leandro Jose. Nauna siya at ang huli naman ang nagsara ng pinto. Abala siya sa paglinga sa paligid nang may maramdaman siyang mainit na hangin na tumatama sa gilid ng leeg niya. At bago niya pa man lingunin kung ano iyon ay naramdaman na ni Matilde ang mabilis na pagpulupot ng braso ni Leandro Jose sa beywang niya mula sa kanyang likuran. Maging ang matigas na pagkalalake nito ay ramdam niya sa kanyang pang-upo. Napasinghap siya. Kapagkwan ay napangisi nang siya ay makabawi. Mukhang hindi makalimutan ni Leandro Jose ang alindog niya at ganito na lamang ito kung umakto sa kanya. "Oh Sir, what do you think you're doing?" namamaos ang boses na saad ni Matilde. Kunwari ay hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito habang ang kamay naman niya ay nasa braso na ng huli at dahan-dahang nang humahaplos doon. Samantala ang huli ay umakyat naman ang kamay sa gilid ng dibdib niya. Marahan siya nitong pinisil doon dahilan upang muli siyang mapasinghap. Matilde bit her lower lip. Umagang umaga ngunit nag-iinit kaagad ang pakiramdam niya. "Stop what you are doing, Sir. Especially we are at work. Be professional..." tugon naman niya. Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Leandro Jose. "Oh babe. You're talking about professionalism where in fact you left me that night without reaching heaven," nakakalokong saad nito at saka idiniin pa ang sarili nito sa kanya. Matilde sexily chuckled. Pumihit siya paharap kay Leandro Jose at saka kumawala sa braso nito. Dahan-dahan niyang pinasadahan ng kanyang kamay ang dibdib nito patungo sa neck tie na suot ni Leandro Jose. Pinaikot niya iyon sa kanyang daliri at saka ito tiningala. "I'm sorry. I had an emergency that night..." magiliw naman na tugon niya. Nakita niya ang pag-igting ng panga nito at saka muling hinapit si Matilde sa beywang niya dahilan upang maidiin niya ang kanyang magkabilang kamay sa dibdib nito. "No one does that to me. Because of that you will be punished..." maawtoridad na saad ni Leandro Jose sa kanya. His face went blank while clenching his jaw. Lihim namang napangisi si Matilde. Punish? Bakit tila yata ay na-excite siya sa sinabing iyon ng huli. "Oh Daddy, I'll look forward to it..." Pagkindat niya sa kabila ng mapanganib na tingin sa kanya ni Leandro Jose. Naramdaman niya naman ang mabigat na paghinga nito. "So tell me, ano iyong pag-uusapan nating dalawa?" pag-iiba niya ng usapan. Narinig niya ang malalim na pagbuga ng hangin ni Leandro Jose. Napailing ito. "Nothing. I just want you to know that you're hired already," baritono ang boses na saad din nito sa kanya. At kasabay nun ay kumalas ito sa kanya at saka nagtungo sa swivel chair nito. Lihim naman na napangisi si Matilde at pinagmasdan si Leandro Jose na ngayon ay mariin ding nakatingin sa kanya. Tila nag-aapoy ng pagnanasa ang mga mata nito habang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Sinadya niya ring kagatin ang pang-ibabang labi niya saka nag-iwas ng tingin dito. Now that she's hired already, dito na magsisimula ang plano nila ni Xavier De Luca - na pabagsakin ang isang Leandro Jose. Dahil kahit gaano kakisig ng binata, sisiguraduhin ni Matilde na sa huli, magiging matagumpay ang misyon niya. Wala siyang pakialam kung sa huli mag-away ang magkapatid na De Luca. Lalo na at milyones lang ang mahalaga sa kanya. *** MATILDE was already stressed. It was her first day on work ngunit hindi pa man nagtatapos ang maghapon ay sumasakit na ang ulo niya. Dapat ay gagawin niya ngayon ang requirements niya para sa pagpasok niya sa kompanya sa susunod na linggo. Ngunit mukhang baliw na baliw yata sa kanya si Leandro Jose at hindi na siya pinakawalan pa. May mga pinagawa na kaagad ito sa kanya na hindi niya naman alam kung papaano. Ilang beses na rin siyang napagalitan nito dahil sa palpak niyang trabaho. Kanina bago mananghalian ay nagreklamo na siya na hindi niya alam ang mga gagawin niya katulad ng pag-encode ng kung anu-ano, pag-set ng schedule ng meeting ni Leandro Jose at kung anu pa. Tinambakan na siya nito ng mga gawain na hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Kaya naman ay may babaeng umakyat na dito kanina at inalalayan siya. Tinuruan siya nito ng kung anu-ano ngunit hindi naman na bumalik pa matapos ang pananghalian. Anong akala ng mga ito? Makukuha niya kaagad iyon sa isang turuan lang? Naloloka na si Matilde! She wants to back out already! "What's this, Miss Magallanes?!" Katulad ngayon. Napapitlag si Matilde nang bigla na lamang ilapag ni Leandro Jose ang napakakapal na dokumento sa harapan niya. "I told you to encode it and rephrase it! But look what you did! Kinopya mo lang lahat!" galit na saad ni Leandro Jose sa kanya at saka siya pinanlisikan ng mga mata. Akmang may sasabihin pa sana ito sa kanya nang tumunog naman ang cell phone nito. Nakatiim bagang naman na kinuha iyon ni Leandro Jose sa bulsa nito at saka sinagot ang tawag. "Yes..." anito mula sa kabilang linya. Napabuga pa ito ng hangin at saka sumulyap sa relong pambisig nito. Tumalikod ito may kung anu nang sinasabi sa kausap nito. Mahina lamang iyon kaya hindi niya marinig. Ngunit maya-maya lamang ay muling pumihit sa kanya ang huli at muli siyang pinanlisikan ng mga mata. Pinatay nito ang cell phone at saka binalik sa bulsa nito. Muling napabuga ng malalim na hininga si Leandro Jose at dismayadong napailing. "f**k! And you didn't even remind me that I have a meeting this afternoon! It's past four already! Tapos na ang meeting!" naka-igting ang pangang saad sa kanya ng huli. Napaawang naman ang labi ni Matilde. "H-ha? I-I'm sorry, Sir. I-I forgot. Ang dami ko rin ho kasing ginagawa--" "And that's not even a f*****g valid reason! You're my secretary. You should know how to be flexible! I hired you coz I saw a potential in your credentials! Now, I am starting to think that you are not fit on the job! Malayong malayo ang pagkatao mo sa credentials mo! Are you sure that you're a suma c*m laude ha, Miss Desiree Magallanes?" Leandro Jose scolded at her. Napangiwi naman si Matilde. Hindi niya alam na katulad ni Xavier ay grabe din pala kung magsalita ang kapatid nitong si Leandro Jose. The De Luca brother's were so harsh. Mabuti na lamang at matibay ang loob ni Matilde. Sa ngalan ng milyon, handa niyang saluhin ang mga masasakit na salitang natatanggap niya mula sa mga ito. "Ito naman..." Tumayo si Matilde at saka lumapit kay Leandro Jose kahit nanlilisik ang mga mata nito sa kanya. Hindi siya nagpatinag. Hindi naman siya natatakot. Pinalambot niya rin ang boses niya. Good news pa nga kung tutuusin na palpak siya sa trabaho niya ngayong first day niya. Dahil ibig sabihin lamang ay nasabotahe niya ang huli ngayon. Palpak ang pina-encode sa kanya at hindi ito nakadalo sa meeting ngayong hapon. Iyon naman ang iniutos sa kanya ni Xavier. Ang sirain ang imahe ng isang Leandro Jose. "Masyado kang hot, boss," saad pa ni Matilde at saka pumwesto sa likuran ni Leandro Jose. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat nito at saka dahan-dahang hinilot ang huli doon. "Dapat chill lang tayo. Ikaw rin, tatanda ka kaagad niyan," dagdag pa ni Matilde. Ang kamay niya ay nagtungo na sa dibdib ng huli. Hinaplos niya doon si Leandro Jose. Ngunit bago niya pa man maibaba iyon sa matigas na tiyan nito ay naramdaman niya na ang pagpigil ng huli doon. At sakto namang nasa ganoon silang posisyon nang bumukas ang elevator at iniluwa ang isa pang De Luca at pakana sa unti-unting pagbagsak ni Leandro Jose. Kumislap ang mga mata ni Xavier nang makita sila sa ganoong posisyon. Hindi iyon nakatakas sa paningin ni Matilde. Ngunit panandalian lamang iyon dahil lumipat na ang paningin nito kay Leandro Jose. "Hey bro. How's your second day here?" bati ni Xavier sa huli. Ngiting ngiti pa ito na tila anghel at walang maitim na balak. Samantala ay tuluyan namang kinalas ni Leandro Jose ang kamay niya sa katawan nito. Nangibitbalikat naman si Matilde. "f*****g stress already because of my f*****g secretary," tugon naman ni Leandro Jose kay Xavier saka bumaling sa kanya. Naihilot pa nito ang sintido nito. Napairap naman si Matilde at saka napatungo. "Maybe she's new here? Kaya nangangapa pa?" ani naman ni Xavier na akala mo ay pagkabait bait talaga. Narinig niya pa ang mahinang pagtawa nito. At muli ay lihim na napairap si Matilde. Napakagaling din umarte. Akala mo walang tinatagong galit sa kapatid. "Next time, If she didn't do her job well, I'll fire her right away--" "Why don't we get inside your office and talk about our jamming tonight?" putol ni Xavier sa kapatid nito. Sumulyap pa ito sa kanya at kinunutan siya ng noo. At sa pangatlong pagkakataon, lihim na napairap si Matilde. Hindi niya naman akalain na mahirap pala ang trabaho niya. Hindi niya sinasadyang pumalpak. Talagang wala siyang ideya sa pinasukan niya lalo na at hindi naman siya nakapagtapos. Narinig niya naman ang pagbuntonghininga ni Leandro Jose saka bumaling sa kanya. "Bring us a coffee. And make it fast!" masungit na saad nito sa kanya at saka muling bumaling sa kapatid nito at iginaya patungo sa loob ng opisina. Napaismid si Matilde. Sa dalawang magkapatid na De Luca, natural na bang pareho silang masungit na dalawa? Wala man lang bang mabait sa kanila? At parati na lang naka ismid sa kanya? Whatever! Baka gusto nilang pati kape, isabotahe niya! Lagyan niya kaya ng asin makaganti lang sa mga ito! *** MATAPOS pumasok ng magkapatid na De Luca sa opisina ni Leandro Jose ay dumiretso na si Matilde sa pantry para ipagtimpla ang mga ito ng kape. Napapunas pa siya sa kanyang sintido dahil sa pawis. Grabe. Hindi niya akalain na magiging mahirap pala ang trabaho niya. Ang alam niya lamang ay akitin ang mga kalalakihang makapal ang wallet. Wala sa linyada niya ang ganitong uri ng trabaho. Lalo na at hindi siya iyong tipo ng babae na makakatagal lamang sa opisina buong araw. Kaya sana talaga ay mapagtagumpayan ni Matilde ang pinapagawa sa kanya ni Xavier. Sayang din iyong kalahati niya pang kikitain mula sa binata. Hindi rin naman siya nagtagal sa pantry. At matapos nga magtimpla ni Matilde ay sinadya niyang hilahin ang skirt na suot niya paitaas upang lumantad ang makinis niyang hita. Binuksan niya rin ang unang dalawang butones ng blusang suot niya dahilan upang sumilip ang pisngi ng kanyang dibdib. Idadaan niya na lang sa pang-aakit ang lahat. Baka lumamig pa ang ulo ni Leandro Jose kapag nakita ang katawan niya. Nang ma-satisfy si Matilde sa itsura niya ay saka niya binitbit ang tray patungo sa opisina ni Leandro Jose. Kumatok siya doon ng tatlong beses bago siya tuluyang pumasok sa loob nang marinig niya ang baritonong boses ng huli. "Come in," saad nito sa kanya. Kaya naman ay agad nang tumalima si Matilde. Naabutan niyang nag-uusap ang magkapatid na De Luca sa sofa ngunit parehong napalingon sa kanya nang pumasok siya. At parehong pareho ang reaksyon ng dalawa dahil pareho rin sina Leandro Jose at Xavier na pinasadahan siya ng tingin mula sa kanyang binti paakyat sa kanyang dibdib at tumigil sa kanyang mukha. Ngumiti siya sa mga ito na tila hindi nakita ang ginawa ng mga ito. "Here's your coffee, Sir," saad niya at saka lumapit sa dalawa. Inilapag ni Matilde ang tray sa ibabaw ng glass table. Kasabay nun ay dumukwang siya paharap kay Leandro Jose dahilan upang lumantad sa paningin ng huli ang dibdib niya. Samantala ay nakatuwad naman siya banda sa pwesto ni Xavier. Wala siyang intensyong akitin ang huli. Ngunit nang ibaling ni Matilde ang kanyang paningin dito ay naabutan niyang ganoon na lamang kariin ang titig sa kanya ni Xavier. Nakaigting ang panga nito at mariin ang titig nito sa kanya. Ngunit imbis na ngitian, inirapan niya ito. "You can now leave us, Miss Magallanes," pormal na saad ni Leandro Jose sa kanya na tila hindi man lang naapektuhan sa pang-aakit na ginawa niya dahil nakatuon na ang atensyon nito sa tasa ng kape. Kumpara kay Xavier na sinundan pa siya ng tingin habang nakakunot ng noo hanggang sa makalabas siya ng opisina. Pero imbis na irapan, kinindatan niya ito. Napahagikhik pa si Matilde. Mukhang naaakit din sa ganda niya ang isang Xavier De Luca. *** MALIBAN sa tumunganga ay wala nang ibang ginawa si Matilde habang hinihintay niya ang sunod na iuutos sa kanya ni Leandro Jose. Isang oras na kasi ang nakalilipas at nasa loob pa rin ito kasama ni Xavier. Wala siyang alam sa mga ginagawa ng mga ito. Malamang ay nagkekwentuhan ng kung anu-ano. Napakagaling din magpanggap ni Xavier. Nang makausap niya ito noong nakaraan ay mababakasan sa itsura nito ang galit sa kapatid na si Leandro Jose. Ramdam niya pa ang poot nang sabihin nito na dapat niyang pabagsakin ang huli. Ngunit kanina, akala mo ay napakabait na kapatid nang kaharap ang huli. Nangibitbalikat si Matilde. Wala naman siyang pakialam doon. Basta siya ay gagawin niya ang pinapagawa nito sa kanya para sa inaasam asam niyang milyones na ibabayad sa kanya ni Xavier. Napahikab siya. Labing limang minuto na lamang at malapit nang pumatakang alas singko. Uwing uwi na si Matilde. Gusto niya nang magpahinga. Nakakapagod din maghapon itong wala siyang ginawa kundi pasakitin ang ulo ni Leandro Jose De Luca. Napatungo siya sa mesa. At saktong ipipikit niya pa lamang ang kanyang mga mata nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng opisina ni Leandro Jose. "See you tonight, bro. Aasahan kita mamaya," dinig niyang sambit ni Xavier. Napabangon naman si Matilde at saka umayos ng upo. "Titingnan ko pa. Madami pa akong gagawin. I already have a secretary pero pakiramdam ko ay mag-isa pa rin ako at walang katulong," tugon naman ni Leandro Jose at saka bumaling sa kanya. Napaiwas naman ng tingin si Matilde. Bad trip pa pa rin pala ang huli sa kanya. Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Xavier. "Just bare with your secretary. Katulad ng sinabi mo, it's her first day today. Malay mo bumawi bukas," tugon naman nito. At mula sa gilid ng mata ni Matilde ay nakita niya ang pagsulyap sa kanya ni Xavier. Gusto niyang mapaismid. Ang plastik lang kasi ng isang ito. Magaling magpanggap iyon pala ay tinitira na pailalim ang kapatid na si Leandro Jose. Kunwari ay concern iyon pala ay umaatake na. "Aasahan kita mamaya, Bro. Ang tagal mong nawala. Anu ba naman iyong pagbigyan mo ako mamaya," muling saad ni Xavier sa kapatid. Narinig niya naman ang pagbuntonghininga ni Leandro Jose. "Fine! Pupunta ako. I also need to relax. Ipapahinga ko muna ang isipan ko tonigjt. I didn't know na napakadami ko palang kaylangang asikasuhin sa kompanya." Iyon lamang ang narinig ni Matilde at pinipilit niya ang sarili niyang 'wag maki-chismis. Hanggang sa nagpaalam na si Xavier na mauuna na. Nilingon pa siya nito at seryosong tinitigan bago tuluyang umalis. Tinapatan niya naman ang intensidad ng titig nito. "Miss Magallanes," baling sa kanya ni Leandro Jose. Napakurap kurap naman siya at saka ito nilingon. Napatayo si Matilde. "Yes, Sir?" nakangiting sambit niya. "At my office. Follow me," saad nito at saka siya tinalikuran. Agad naman siyang tumalima at sinundan ito. Pagkapasok niya sa loob ay naabutan niyang nakaupo na si Leandro Jose sa swivel chair nito habang hinihilot ang sintido. "Have a seat..." Iminuwestra nito ang upuan sa harapan ng mesa. Naupo naman siya doon at hinintay itong magsalita. At mula sa pagkakatungo ay nag-angat ito ng tingin sa kanya. "I want to say sorry to you," anitong ikinagulat niya. "Para saan ho?" saad naman niyang nagtataka. Nailing si Leandro Jose. "For shouting at you kanina. I know na ang dami mong mali sa trabaho ngayon. And I forgot that it's only your first day today. Nakalimot ako. Kaya gusto kong humingi ng pasensya sa 'yo. Hindi ko gustong sigawan ka. I'm sorry. It won't happen again. Kaya sana ay pag-igihan mo na ang trabaho mo simula bukas. Do your job as I see potential in you..." Bigla ay natigilan si Matilde. Ngunit nang makabawi ay ngumiti siya. "Apology accepted, Sir..." saad niya. Hindi na siya nagsabi na gagalingan niya bukas sa trabaho dahil talagang wala naman siyang alam. And it confirms. Mukhang si Leandro Jose ang mabait sa magkapatid. Biruin mong boss niya ngunit nagpakumbaba sa kanya at humingi ng tawad sa kanya. Ngunit hindi ibig sabihin na mukhang mabait ito ay hindi niya na gagawin ang trabaho niya. Trabaho pa rin ang mahalaga. Walang personalan. Kung anu ang iniuutos sa kanya ni Xavier at iyon pa rin ang gagawin niya. *** MATAPOS ipatawag ni Leandro Jose si Matilde ay pinauwi na rin siya nito at pasado alas singko na ng hapon. Kaya naman ay wala na siyang sinayang na oras at nagmadali na siya sa pag-uwi. Mabuti at hindi rin nahirapan sumakay si Matilde. Agad siyang nakakuha ng taxi. Ayaw niyang mag-commute ng ilang sakay at talagang pakiramdam niya ay drain na drain ngayon ang utak niya. At dahil rush hour ay na-stuck din siya sa traffic. Ngunit pagkarating na pagkarating niya pa lamang sa apartment ay kaagad na binagsak ni Matilde ang katawan niya sa malambot na kama. Pinikit niya ang kanyang mga mata. At marahil dahil na rin sa pagod kaya agad siyang nakatulog. Naggising lamang siya dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng kanyang cell phone. At nang tingnan, ang kaibigan niyang si Angela na pareho din niya ang trabaho ang tumatawag sa kanya. "Bakit bessy? Abala ka naman. Nag-beauty rest ako eh..." humihikab na saad ni Matilde mula sa kabilang linya matapos niyang sagutin ang tawag. "Kaloka ka naman, Bessy! Birthday ko ngayon! Nakalimutan mo na?!" tila nagtatampong saad nito sa kanya. Napabangon naman mula sa pagkakahiga si Matilde. "Ha? H-hindi ah! Pasensya ka na! Ang busy ko lang maghapon! Saan ba ang ganap? At gogora ako?" aniya naman. Taon taon naman kasi may party si Angela. Kaya napakalabo kung wala ngayon. Agad namang tinugon ng kaibigan niya ang tanong niya at sinabi kung saan ginaganap ang party nito. "Aba! Ang big time mo na talaga!" natatawang ani Matilde. Paano ba naman kasi, kasalukuyan ginaganap ang party ni Angela sa kung saan siya galing na high end bar noong isang gabi- kung saan sila nagkita ni Xavier at kung saan naganap ang ikawalang engkwentro nila ni Leandro Jose. "Aba syempre naman! I have a sugar daddy!" Napahalakhak silang dalawa ni Angela sa tinugon nito. "Oh paano? Hihintayin kita dito, Mat! Magwalwal tayo ngayong gabi!" Matapos magpaalam ni Angela ay kaagad nang nag-asikaso si Matilde. Stress din siya ngayong araw kaya magre-relax siya ngayong gabi. Nakatulog na rin naman siya. Hindi siya mapupuyat. Agad nang kumilos si Matilde. Naligo siya at nag-ayos ng kanyang itsura. Isang tube na dress ang sinuot niya na umabot lamang sa itaas ng kanyang hita ang haba nun. Kurbang kurba pa doon ang katawan niya dahilan upang mapalingon ang ilang kalalakihan sa kanya sa bar pagdating niya doon. Bukod pa doon ay napapalingon din ang iba sa makinis at maputi niyang leeg lalo na nang tinali niya ang kanyang buhok. Masyado nang nag-eenjoy si Matilde. May tama na rin siya at kanina pa silang nag-iinom ni Angela hanggang sa nagkakayaan na ngang sumayaw dito sa gitna ng dance floor. "Woaaah!" sigaw nilang dalawa ni Angela. Pareho nang nakaitaas sa ere ang mga kamay nila habang sinasabayan nila ang pag-indak nv musika. Malikot ang mga neon lights. Kaya nakakadagsag iyon sa hilo nilang dalawa. Hanggang sa hindi na makita ni Matilde si Angela sa dagat ng tao dito sa dance floor. Pero hindi niya iyon inintindi. Patuloy pa rin siyang umindak. At mas ginanahan pa nga siya nang maramdaman niya ang pagyakap ng kung sino mula sa kanyang likuran. Naramdaman niya pa ang pagdampi ng labi nito sa leeg niya at ang pagdila nito doon. "Oh my God!" naisatinig niya nang pisilin din nito ang balakang niya. At kasabay nun ay hinalikan na siya nito sa leeg niya. Nakakahilo ang galaw ng mga tao ngunit naaakit naman si Matilde sa pabango ng lalakeng nakayakap sa kanya. Akmang pipihit na siya paharap dito nang hinigpitan nito ang yakap sa kanya. "What's your name?" saad niya dito. Gusto niya itong makita ngunit hindi naman siya hinahayaan ng estrangherong pumihit paharap dito. Imbis ay mas iginiling pa nito ang katawan nilang dalawa hanggang sa naramdaman na ni Matilde ang dahan-dahang pag-ulos ng estranghero ng balakang nito sa pang-upo niya dahilan upang maramdaman niya ang matigas na bagay sa pagitan ng magkabila nitong hita. Napasinghap siya. "I-I said who are you?" saad niya dito. Gusto niyang makita kung anu ang itsura nito. Gusto niya ring malaman kung makapal ba ang wallet ng lalakeng bumabastos sa kanya mismo. Ngunit hindi siya nito hinahayaan. Hanggang sa inilapit nito ang labi nito sa puno ng kanyang teynga. Naramdaman niya pa ang mainit nitong hininga. "The name's X," namamaos ang baritonong boses na tugon nito sa kanya. At dahil malakas ang musika ay hindi niya iyon gaanong marinig. At kasabay nun ay ang pagbitaw nito sa kanya. Nang lingunin ang pwesto nito ay hindi na matukoy ni Matilde kung sino ba ang nakasayaw niya kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD