CHAPTER 5

3626 Words
MULA sa pagkakaupo sa swivel chair ay nakita ni Matilde ang pagtayo ni Xavier at saka ito sumandal sa mesa. Pinasadahan siya nito ng tingin mula sa kanyang binti paakyat sa mukha niya. Napaigting pa ito ng panga nito. "I am asking you, what do you think you are wearing?" anitonv madilim ang tingin sa kanya. Napairap naman si Matilde. Bulag ba ang lalakeng ito at hindi makita ang suot niya na kulay pulang dress? "It's a dress. Hello, Mister Xavier De Luca? Are you blind?" hindi niya nga maiwasang maisatinig ang naiisip niya. Paano ba naman kasi, obvious na tatanungin pa siya. Akala niya ba ay ayaw ng mga lalake na paulit ulit? Eh bakit ang isang ito kahit lantaran naman na ang sagot ay magtatanong pa. Pinanlisikan naman siya nito ng mga mata. Halatang hindi nagustuhan ni Xavier ang sinabi niya. "Shut your f*****g mouth. Just so you know, I know that you are wearing a dress. And..." Muli ay pinasadahan siya nito ng tingin at saka nakakainsultong ngumisi sa kanya. "You like a slut wearing that," dagdag pa nito. Sa pagkakataong ito ay si Matilde naman ang tumingin ng masama dito. Grabe talaga ang lalakeng ito kung makapagsalita. Nakakapanakit na masyado. Kung hindi lang talaga malaki ang makukuha niya sa pinapagawa sa kanya ng gagong ito ay nuncang kakausapin niya ito. "You're applying as a secretary, Matilde Ramos. Kaya dapat ay inayos mo naman ang suot mo..." muling saad nito. Napairap siya. "Oo nga! Alam ko iyon! Pero hindi ba at ang sabi mo ay akitin ko ang nag-iisang Leandro Jose De Luca? Kaya heto na! Pakitaan ko lang iyon ng dibdib tiyak na 'youre hired' ang maririnig ko kaagad sa kanya," mayabang at buong kumpyansang saad niya dito. Binaba niya pa ang neckline ng damit niya dahilan upang mas lumantad sa paningin ni Xavier ang pisngi ng dibdib niya. Totoo naman ang sinabi niya. Kagabi nga ay halos maulol sa kanya si Leandro Jose at muntik pang may mangyari sa kanila. Anu pa ngayon. Paniguradong makikilala siya nito at siguradong tanggap na kaagad siya. Nailing naman si Xavier sa sinabi niya. Pinasadahan nito ng tingin ang relong pambisig nito na halata mong mamahalin at kumikinang pa saka siya nito sinulyapan. "It's past nine already..." The latter heaved a sigh then shook his head. Lumapit ito sa kanya at saka hinubad ang suot nitong coat. Napasinghap naman si Matilde at napaatras siya nang bumungad sa kanya ang suot na puting polo ni Xavier kung saan bakat na bakat ang matipuno nitong katawan. At katulad ni Leandro Jose, masasabi ni Matilde na maganda rin ang hubog ng katawan ng boss niyang si Xavier. Halatang batak sa gym at may matigas din itong muscles at abs. "S-Sir 'wag po," naisatinig niya nang unti-unting lumapit sa kanya si Xavier. Nagsalubong naman ang magkabilang kilay nito. Napaismid pa ito nang makitang iniharang ni Matilde ang mga braso niya sa kanyang dibdib. "Stop doing that! Hindi ako pumapatol sa mga kagaya mo," sarkastikong saad nito at saka pinatong sa balikat niya ang hinubad nitong coat. "There! Para magmukha ka namang kagalang-galang," dagdag pa nito at saka sinara ang butones ng coat dahilan upang matakpan ang dibdib niya. "Ang yabang mo! Akala mo kung sinong gwapo!" ani naman niya. Okay na sana! Gentleman na sana. Kung hindi lang dahil sa pasmadong bibig nito. Nakakasakit na. Ang sarap din pakainin ng sili ang hinayupak na ito eh. Kumislap ang berdeng mga mata ni Xavier. Napangisi ito sa kanya. "I know that I'm handsome. Matagal na," mayabang na anito at saka siya tinulak papalabas ng pinto. "Galingan mo sa interview. Humanda ka sa akin kapag hindi ka nakuha ni Leandro Jose," anitong may pagbabanta sa boses bago nito sinara ang pinto pagkalabas niya. Iniumang naman ni Matilde ang kamay niya na tila susuntukin si Xavier. Bubulong bulong siyang tumalikod mula sa opisina ng gago. Handsome? Oo at hindi itatanggi ni Matilde na gwapo si Xavier. Berde ang kulay ng mga mata nito, matangos din ang manipis na ilong, mapupula ang mga labi at mayroong prominenteng panga. Bukod pa doon ay matangkad ito. At tila mukhang malambot ang kulay blonde na buhok. CEO na CEO ang datingan katulad sa mga fictional character na nababasa niya sa mga librong binibili niya. At tiyak na magugustuhan ng mga kababaihan. Pero kahit na! Ekis ito kay Matilde! Masyadong pasmado ang bibig! Hiling niya ay sana hindi na magkaasawa ang gagong iyon dahil malas lang ang babaeng magkakagusto dun. "Miss Magallanes?" Dumiretso si Matilde sa elevator. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hindi naman sinabi ni Xavier kung anong floor nagaganap ang interview ni Leandro Jose sa mga aplikante. "Miss Magallanes! Wait up!" Akmang papasok na sana si Matilde sa elevator nang maramdaman niyang may tumapik sa balikat niya. At nang lingunin, iyong babaeng sumalubong sa kanya sa lobby ang tumatawag sa kanya. "Tawag mo ako?" Turo ni Matilde sa sarili niya. Bahagya pa siyang nagtaka. Pero nang maalala niya na papasok pala siya dito sa kompanya bilang si Desiree Magallanes ay napa-face palm siya. Kaylangan niya na talagang sanayin ang sarili niya na iba ang pangalan niya para masagawa niya ang plano niya. Tumango naman ito. "Yes, Miss Magallanes. I'll accompany you to the tenth floor now. Utos na rin ni Sir Xavier..." tugon naman nito sa kanya. "Ay doon nagaganap iyong interview ni Sir Leandro Jose?" tanong niya. Tumango naman ito. "Yes, Miss Magallanes," tugon nito sa kanya saka siya iginaya papasok sa loob ng elevator. Agad namang sumunod si Matilde dito. "Madami bang aplikante ngayon?" "Hmm. Madami naman. But as of now ay wala pang napipili si Sir Leandro Jose. Kaya galingan mo..." Ngumiti sa kanya ang babae. Mukhang palakaibigan ito pero hindi bet ni Matilde. Bad influence kasi siya. Ayaw niyang mahawa ito ng mga kalokohan niya. Tipid na ngumiti si Matilde dito. Anu ba ang ginagawa sa interview maliban sa ipapakilala mo ang sarili mo? Hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo kaya wala siyang ideya sa mga ganitong bagay. Tanging pangaakit lamang ang alam niya. Hindi na naimik si Matilde at hinintay na makarating sila sa tamang floor. At pagkarating nga doon makalipas ang ilang minuto ay bigla siyang pinagpawisan ng malapot at lumakas din ang kalabog ng dibdib niya lalo na nang makita niya ang ibang aplikante sa labas ng opisina. Sa ayos nila ay mukhang napaka-professional at ang tatalino nila. Malayong malayo sa kanya. "Just stay here, Miss Magallanes. I'll just inform inside that you're already here..." ani ng babae sa kanya saka siya iniwan sa gilid. "A-ah sige," saad niya at saka hinaplos ang magkabilang braso niya. Walangyang Xavier iyon! Akala niya ba ay madali lang ang trabaho niya at aakitin lamang si Leandro Jose? Bakit may mga paganito pang interview. Mahina pa naman siya sa mga ganun. Napabuga ng hangin si Matilde at pilit na pinakalma ang sarili niya lalo na nang marinig niya ang dalawang aplikanteng nag-uusap at naglalatagan ng mga credentials nila. At aminado si Matilde na ganda lang ang mayroon siya at hindi niya kayang tapatan ang mga kasama niya. Mukhang matatalino at panay english pa. Malayong malayo sa pagkatao niya. Kaya papaano siyang matatanggap dito? Lagapak na kaagad siya. Papaano niyang mapapanindigan na siya si Desiree Magallanes na isang accountancy graduate at Suma c*m Laude pa? Nakakaloka! Masyadong ginalingan ni Xavier ang pagpeke ng credentials niya. "Miss Magallanes..." Mula sa malalim na pag-isip ay napaangat ng tingin si Matilde nang makabalik na ang babae. "Y-yes?" aniya at hilaw na ngumiti. "Let's get inside. It's your turn now..." anito sa kanya. "H-ha? Eh hindi ba nahuli ako ng dating. Dapat sila ang mauna sa akin," natatarantang saad niya at saka tinuro ang ilang aplikanteng nasa pila. "You're in shortlisted, Miss Magallanes. Kaya mauuna ka sa kanila. Let's go. Sir Leandro Jose's already waiting for you," saad nito at saka siya iginiya papasok sa loob ng kwartong iyon. Diyos ko po! Mas lumakas pa ang kalabog ng dibdib ni Matilde. Nasa shortlist pa siya. Aba'y papaano nangyari iyon? "Pasok ka na," ani ng babae nang makarating sila sa tapat ng pinto. Binuksan nito iyon matapos kumatok ng tatlong beses. Tumango naman siya. "S-sige salamat..." aniya at dahan-dahang inihakbang ang kanyang mga paa. Sandali! Bakit nga ba siya kinakabahan? Kung pupwede niya namang idaan sa pang-aakit ang lahat? Napatikhim si Matilde at saka napabuga ng hangin. Iniangat niya ang kanyang tingin sa loob at doon naabutan niyang nasa swivel chair si Leandro Jose at may hawak na papel at binabasa iyon. Muli ay napatikhim siya. "Good morning, Sir." At kahit kabado ay pilit niyang pinalakas ang loob niya. Nilakasan niya pa ang boses niya. Ngunit mukhang hindi yata siya narinig ni Leandro Jose dahil nakatungo pa rin ito sa binabasa nito. Kaya naman ay naisip na ni Matilde na gawin ang bagay kung saan siya magaling. Syempre saan pa ba? Sa pang-aakit malamang! Iyon lang naman ang alam niya. Kaya ibibigay niya na ang best niya. "Good morning, Sir Leandro Jose," she said in a sexy voice. Namamaos pa ang boses niya. At mukhang hindi pa talaga kumukupas ang galing ni Matilde dahil pagkasabi niya nun ay kaagad niya ngang nakuha ang atensyon ng huli. Binitawan nito ang papel na hawak at saka nag-angat ng tingin sa kanya. Kinunutan siya nito ng noo. Nginitian niya naman ito ng matamis. "Good morning, Sir Leandro Jose," muling bati niya dito. Napatikhim naman ito at muling tiningnan ang papel at saka muling ibinaling ang paningin nito sa kanya. "Have a seat," baritono ang boses na tugon nito at saka iminuwestra ang upuan sa harapan ng mesa. Tumango naman siya. "Thank you, Sir Leandro Jose..." Katulad kanina ay namamaos pa rin ang boses na ani Matilde. Dahan-dahan siyang lumapit dito at saka siya naupo sa harapan nito. Hindi naman maiwasang ma-conscious ni Matilde sa sarili niya lalo na at titig na titig sa kanya ang huli. Ngumiti siya dito pagkaupo niya. "Hi!" bati niya. Nag-iwas naman ito ng tingin. "Ibang-iba ang itsura mo dito sa resume mo," panimula nito. "Ha? Uhmm..." Bahagyang sinilip ni Matilde ang resume at tiningnan doon ang picture niya. Oo nga. Napaka-inosente niyang tingnan doon. Her face was bare. Walang kamake-up make-up kumpara ngayon na punong puno ng kolorete ang itsura niya. "Anyways tell me about yourself," ani Leandro Jose. Titig na titig ito sa kanya. Seryoso pa ang boses nito. Napaisip tuloy si Matilde kung namumukhaan siya ni Leandro Jose. Napatikhim siya. Hindi niya talaga alam ang sasabihin niya. Anu ba ang unang gagawin? Magpapakilala ba siya? "I-I'm Matil--Desiree Magallanes--" "I already know your name. Just tell me something na wala dito sa resume mo," putol sa kanya ni Leandro Jose. Napalunok namsn si Matilde. Ano ba ang sasabihin niya? Dapat niya bang sabihin na gold digger siya? Na socila climber siya? Malamang ay hindi pwede! Bwesit kasing Xavier iyon eh! Hindi man lang siya na-briefing sa mga gagawin sa interview. Basta na lamang siya isinalang sa ganito. Eh paano kung bumagsak siya at hindi makapasa sa interview? Ano na? Bulilyaso ang milyones na ibabayad nito sa kanya? "I... I--ang init! Wait Sir!" imbis ay saad niya at saka dahan-dahang hinubad ni Matilde ang coat na sinuot ni Xavier kanina sa kanya. Bahala na. Total ay hindi niya naman alam ang dapat na sasabihin niya lalo na at ang panget-panget ng background niya at wala siyang maisip, bakit hindi niya na lang idaan sa ganito? Dahan-dahan tumayo si Matilde matapos niyang maihubad ang coat at saka dumukwang sa mesa. Pasimple niya ring hinila ang dress niya dahilan upang lumantad muli ang pisngi ng magkabilang dibdib niya. "Ano nga ulit iyong tanong mo, Sir Leandro Jose?" paos na tanong niya. Hinuli ni Matilde ang mga mata ng huli mula sa pagkakatitig nito sa dibdib niya. Napaangat naman sa kanya ng tingin si Leandro Jose. Nakita niya ang pag-angat ng adams apple nito. Mukhang naapektuhan kaagad ito sa ginagawa niya. "Sir..." Ngumiti siya at inabot ang resume niya. Kunwari ay binasa niya iyon bago niya iyon muling binalik dito. "Ano nga ulit iyong tanong mo?" muling saad ni Matilde at saka inipit ang magkabila niyang dibdib gamit ang kanyang braso sa magkabilang gilid nito. At muli ay napatingin doon si Leandro Jose bago ito nag-angat ng mga mata sa kanya. "I knew it. I already remembered you. That's why you look familiar," anitong nagsalubong ang magkabilang kilay sa kanya. Ngumiti si Matilde. "Yes, I was--" aniya sana. Ngunit hindi pa man siya natatapos sa sinasabi niya nang makita niya ang pag-igting ng panga nito. "How dare you left me last night!" mababa ang tono ngunit mababakasan ang inis sa boses na saad ni Leandro Jose sa kanya. "Pinaglaruan mo ako! Ang lakas ng trip mo kagabi babae ka!" dagdag pa nito. Napaamang naman ang labi ni Matilde. Hindi niya alam ang sasabihin niya. "S-Sir..." aniya. Nailing naman ito sa kanya. "Get out! Get out now!" Tumayo ito at saka tinuro ang pinto. "W-what? Pero hindi mo pa ako na-interview," saad naman niya dito. Umiling ito. "I don't give a f**k! Just get out!" galit talagang saad nito at saka ito tumayo mula sa swivel chair. Nagtungo ito sa may pinto at si Leandro Jose na mismo ang nagbukas nun. "Get out before I call security! You f*****g witch! You left me with blue balls last night!" saad pa nito sa kanya. Nanlilisik ang mga mata nito. Napairap naman si Matilde! At saka padabog na lumabas ng opisina nito bago pa man ito magtawag ng guwardya! Ayaw niya ng gulo! Nakakahiya iyon. Pagkalabas na pagkalabas pa lamang ay pinagtitinginan na siya ng mga aplikante. Pero imbis na ngitian ang mga ito ay inirapan niya na lang. Failed ang mission niya. At hindi niya alam ang gagawin niya! Paano siya nito makakapasok bilang sekretarya ni Leandro Jose? Paano kung may makuha na ito mamaya? Lagot siya nito kay Xavier! Ano na ang gagawin niya?! Paano ang milyones niya? *** LAGLAG ang magkabilang balikat na lumabas ng kompanya si Matilde. Nakatungo pa siyang nag-abang ng taxi. Namomroblema siya. Hindi niya talaga alam ang gagawin niya. Nag-iisip siya ng paraan kung papaano makapasok bilang sekretarya ngunit mukhang napakalabo naman nun. Namukhaan siya ni Leandro Jose kanina At imbis na matuwa ito na nagkita silang muli na dalawa ay nagalit pa ito sa kanya dahil sa pag-iwan niya dito kagabi. Bakit? Anong gusto nito? Na bumigay siya? Nuh! Hindi easy to get si Matilde. Hindi niya basta basta ibubuka ang hita niya sa isang lalake lalo na kung wala naman siyang makukuha mula dito. At oo gwapo at matikas si Leandro Jose. But he's not her type. Mas mahalaga sa kanya ang pera kesa ang lalake. Kaya kung saan siya kikita ay doon siya. Naihilamos ni Matilde ang kanyang magkabilang palad sa mukha niya at saka pinara ang taxi. Pagpasok niya sa loob ng sasakyan ay kaagad niyang sinabi ang address niya. Inayos niya rin ang pagkakasuot ng coat niya sa katawan niya lalo na at napapatingin doon ang driver ng taxi. Napairap siya. "Manong sa daan ho ang tingin. Hindi sa dibdib ko," prangka pang saad niya. Tanda tanda na mukhang manyak pa. Tila napahiya naman ang matanda at napaiwas ng tingin mula sa rearview mirror. Tahimik din nitong pinasibad ang sasakyan. Napabuntonghininga si Matilde at saka pinikit ang kanyang mga mata. Mamaya na siyang mag-iisip ng susunod niyang plano. Ang mahalaga ay mapahinga na muna niya ang isipan niya. Dahil na rin sa weekdays at natural nang madaming sasakyan dito sa Maynila kaya na-stuck sa traffic si Matilde. Nailing na lamang siya kung magkano ang binayad niya pagkababa niya ng sasakyan matapos ang halos isang oras. Dumiretso siya ng pasok sa kwartong inuupahan niya. Mabuti at hindi niya nakita si Jake dahil paniguradong matatagalan na naman siya at magngangawa na naman iyon. Pabagsak din na inihiga ni Matilde ang sarili niya sa kama pagkapasok niya sa loob at saka niya pinikit ang kanyang mga mata. Marahil kulang siya sa tulog kaya dinalaw din siya ng antok. At sunod-sunod na pagtunog ng kanyang cell phone at nagpagising sa kanya. Pupungas pungas pang bumangon si Matilde at inabot iyon saka sinagot ang tawag nang hindi tinitingnan kung sino ang nasa kabilang linya dahil napalingon na siya sa bintana at ganun na lamang ang gulat niya nang makitang madilim na sa labas. Ganoon katagal ang naging tulog niya? Napailing siya. Paniguradong mahihirapan na siya nitong matulog mamaya. "What took you so long to answer my call?!" Mula sa kabilang linya ay bumungad kay Matilde ang naiinis na boses ng walang iba kundi ang Boss niyang si Xavier De Luca. Nakasigaw pa iyon kaya halos mabingi si Matilde. Napangiwi siya at bahagyang inilayo ang cell phone sa teynga niya. "Ano ba! Makasigaw ka naman! Natutulog ako! Malamang! Kaya hindi ko masagot!" naiinis na saad naman ni Matilde dito. "f**k Miss Ramos! I am paying you but you are not doing your job! Do you want me to cancel our contract?!" galit pa rin na saad nito sa kanya. "W-what? No! Hindi pwede! Nagkapirmahan na tayo! Wala nang bawian pa iyon!" natataranta namang saad niya. Hindi iyon pwede! Sayang iyong kalahati pang ibabayad sa kanya. Nakaplano na kung anu ang gagawin niya doon ah! "Then why are you not doing your job properly?! I heard from Nicole what happened at the office!" Naihilot ni Matilde ang kanyang sintido. Mukhang alam niya na ang tinutukoy ni Xavier. "Nakilala ako ng kapatid mo kanina. At dahil iniwan ko siya sa ere kagabi sa hotel at walang nangyari sa amin kaya galit na galit siya sa akin, Boss De Luca," paliwanag niya dito. Sumandal siya sa headboard ng kama at pinikit ang kanyang mga mata. Mas na-stress pa tuloy siya kay Xavier. Akala mo pinaglihi sa sama ng loob at parating galit sa kanya. "Pumunta ka ulit bukas sa kompanya. Hindi pa nakakakuha ng sekretarya si Leandro Jose! Gawan mo ng paraan para makapasok ka sa kanya!" madiin na saad nito. Nailing naman siya. "Bakit kasi hindi mo na lang gawan ng paraan, Boss? Ilakad mo ako sa kanya. Backer kumbaga," aniya naman dito. Kesa pahirapan pa ni Matilde ang sarili niya, bakit hindi na lang siya i-recommend ni Xavie kay Leandro Jose? "I can't do that. Hindi niya pwedeng malaman na magkakilala tayo. My brother's smart. Mahahalata niya iyan," tugon naman nito sa kanya. Napabuntonghininga si Matilde. "Fine! Babalik ako bukas. Pero kapag kinaladkad ako ng security ay bahala ka..." saad niya saka binaba ang tawag. Hindi niya na hinintay pa ang magiging tugon ni Xavier at ganoon din naman ang ginagawa nito sa kanya. Binababaan siya ng cell phone hindi pa man siya nakakapagsalita kapag magkausap sila. Matilde heaved a sigh once again. Sana bukas ay mayroon nang magandang mangyari. *** KINABUKASAN ay maaga ngang gumising si Matilde. At hindi katulad kahapon, matinong damit ang sinuot niya iyon. Isa iyong puting long sleeve na blouse na tinerno niya sa itim na skirt na umabot sa itaas ng kanyang tuhod. Itinali rin niya ang kanyang buhok at manipis na make up lamang ang inilagay niya. Mukha na siyang matino sa itsura niya ngayon. At confident na rin siyang haharap muli kay Leandro Jose dahil na rin sa nag-aral siya kagabi ng maaaring isagot sa interview nito. Nanuod siya ng mga video tungkol doon. Nang matapos sa pag-aayos si Matilde ay lumabas na siya ng apartment. Kaylangan niya ring maging maaga para hindi bumuga ng apoy sa galit ang Boss niyang si Xavier. Nakasalubong niya pa si Jake sa hagdan pagkalabas niya. "Magandang umaga, Matilde. Napakaganda mo naman ngayong araw," anito at saka pinasadahan siya ng tingin. Napairap naman siya. "Naku! Araw-araw naman akong maganda. Sige na, Jake. Mauuna na ako," aniya at saka nilagpasan ito. Wala siyang oras sa lalakeng iyon at baka ipilit na naman nun ang sarili nito kay Matilde. Buti sana kung may mahihita siya sa lalake. Malamang ay matagal niya nang pinatulan iyon. Pero wala eh. Kaya pasensyahan na lang. Hindi niya ito papansinin. Nag-angkas na lang si Matilde at hindi na siya nag-taxi patungong kompanya. Mabuti na lamang at hindi siya late. Napaaga pa nga siya ng halos kalahating oras. Hindi katulad kahapon ay wala nang nag-assist sa kanya. Dumiretso siya sa floor kung saan naganap ang interview kahapon. Doon naghintay si Matilde kahit bahagya siyang kinakabahan. At ilang saglit pa lamang ay nakarinig na siya ng yapak ng sapatos na naglalakad patungo sa direksyon niya. At nang pag-angat niya ng tingin ay bumungad sa kanya si Leandro Jose. Nakasuksok ang kaliwang kamay nito sa bulsa ng pantalon habang ang kanang kamay naman ay may hawak na itim na bag. "Good morning, Sir," bati niya dito. Pilit na pinapormal ni Matilde ang boses niya. At katulad din kahapon ay pinasadahan siya nito ng tingin. Ang berdeng mga mata nito ay mariin ding nakatingin sa kanya. Tila si Xavier din ang nakatingin sa kanya. Magkaparehong magkapareho kasi ang dalawa. "What are you doing here again?" tanong nito sa kanya. "I-I'm here to apply, Sir. Hindi pa ho ako na-interview kahapon..." Matagal na hindi nagsalita si Leandro Jose. Hanggang sa tumikhim ito. "I read your credentials yesterday. And you really fit on the job you're applying with..." Pinaglaruan ni Matilde ang mga daliri niya sa kamay niya. Kinabahan siya bigla. Baka may itanong ito tapos hindi niya masagot. Sana ay wala. "Naiinis ako sa 'yo but I can see potential in you," dagdag pa nito. "Hired na po ako, Sir?" saad naman niya. Umangat ang sulok ng labi ni Leandro Jose dahil sa tanong niya. "Not that fast. Follow me inside. We will discuss something," saad nito at saka siya tinalikuran. Napangiti si Ysa. Mukhang naka-move on na ito sa nangyari noong isang gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD