NAPALINGA-LINGA si Matilde bago siya tuluyang lumabas ng banyo. At nang makita niya na wala ngang tao ay saka siya nagtungo sa loob ng bahay nila. Nagmadali rin siya sa pagbihis niya. She only wears a black t-shirt and a maong pants. Pinaresan niya rin iyon ng puting sapatos. Napakasimple lamang ng suot ni Matilde. Wala siyang planong magsuot ng dress lalo na at babyahe sila ng mahaba ngayon. Matapos niya ngang magbihis ay naglagay na siya ng lipstick sa kanyang labi. And after that, bitbit ang tuwalyang kinuha niya sa aparador niya ay saka siya nagtungo sa banyo para iabot iyon kay Xavier. "Sir Xavier?" She knocked three times on the door. Agad naman siyang pinagbuksan ni Xavier. And as usual, nakakunot na naman ang noo nito. "What took you so long? The water's cold. Nilalamig na

