MATAPOS mag-usap nila Xavier at Matilde tungkol sa plano na gagawin ng huli ay wala nang naging imikan pa ang dalawa. Lumipas pa ang mga oras hanggang sa tuluyan na nilang narating ang siyudad. Pasado alas singko na iyon ng hapon. "Ibaba mo na lang ako sa terminal, Sir Xavier. Doon na ako mag-aabang ng taxi," saad niya dito mayamaya nang makita ni Matilde kung nasaang lugar na sila. Dalawang sakay na lamang at malapit na iyon sa apartment niya. Tahimik namang tumango si Xavier. Nag-u turn ito at saka itinigil ang sasakyan sa gilid. "I wil be expecting you tomorrow at the company. Kahit 'wag ka nang magdala ng resume mo. Nicole will assist you," anito. Tinutukoy ata nito ang babaeng nag-assist din sa kanya noon. "Sure Sir..." saad niya naman. Kinalas na ni Matilde ang pagkakakabit

