ANG totoong plano ni Matilde ay manatili sa opisina ni Xavier buong maghapon dahil na rin nababagot siya sa mansyon. Wala rin siya sa mood na gumala kaya mas gusto niya na lamang magpalamig sa kompanya ng mga De Luca. Ngunit napaka-kill joy lang ni Xavier at talagang umalis ito at pinauwi siya. Kaya wala nga siyang nagawa kundi ang sundin ang sinabi nito. Bumalik siya mansyon at nagkulong sa kwarto na kanyang tinutuluyan. Natulog siya maghapon lalo na at wala naman siyang pwedeng gawin doon. At nang maggising naman si Matilde ay pasado alas osto na ng gabi. At katulad kaninang umaga, wala na rin siyang naabutan sa hapag. Mag-isa siyang kumain. Matapos nun ay saka siya nagpahangin sa labas. Nagtungo siya banda sa may pool area at saka siya naupo sa sun lounger. Napatitig siya sa pool

