"GET out of my room now, Miss Ramos..." Katulad nang nagdaang gabi ay matapos nilang magniig ni Xavier ay pinaalis kaagad siya sa kwarto ng huli. Nauna rin itong umalis sa bathtub at saka nagbanlaw. Nangibitbalikat lang naman siya dito at saka tumango. Sumunod siya sa shower area at saka nagbanlaw. "The next time hindi mo na pwedeng gawin ito. Hindi porke ay may kasunduan tayo ay basta ka na lang papasok dito sa kwarto ko. You're invading my privacy already, Miss Ramos..." malamig na tugon nito sa kanya ni Xavier pagkaalis ng shower area. Mabilis din nitong ipinulupot ang tuwalya sa beywang nito at saka lumabas ng banyo matapos magbanlaw. Napairap naman si Matilde. Akala mo naman ay hindi nasarapan sa pinagsaluhan nilang init na katawan na dalawa. Saka kaya nga ay surprise eh! May

