CHAPTER 30

3178 Words

MATAPOS umalis ng mansyon ng mga De Luca ay agad na nagtungo ng terminal si Matilde kung saan ang byahe pauwi patungo sa kanilang probinsya. At dahil rush hour ay naipit siya sa byahe. Panay naman ang tawag sa kanya ni Adrianna at sinabing nasa byahe na ito pauwi. "Paluwas pa lang ako ng siyudad, Adrianna," pagsisinungaling pa niya. "Kaya baka gabi na rin ako makarating diyan sa atin. Mag-iingat ka sa byahe mo," tugon niya dito mula sa kabilang linya habang nasa loob siya ng taxi at hinihintay na umusad ang napakabagal na trapiko. Siksikan at napakadaming sasakyan. At sa buong buhay ni Matilde ay ngayon lamang siya nainip. She used to love traffic kahit madaming tao ang may ayaw nun dahil doon ay nagkakaroon siya ng katahimikan sa buhay niya. Nakakapag-isip siya at nakakapagpahinga.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD