NAIINIS na binaba ni Matilde ang kanyang telepono. Bubulong bulong niya pa iyong tinago sa bag niya. She heaved a sigh! Ang lalakeng iyon! Hindi makaintindi na may emergency siya at kinakailangan niyang umuwi. At talagang babaliktarin pa siya at mamanipulahin. At anung ipakukulong? Subukan lang nito. Kaya niyang isiwalat ang lahat ng mga napagkasunduan nila ni Xavier. Ayaw naman yatang malaman ng huli ng pamilya nito ang kalokohang pinaplano ni Xavier. That man is so desperate! Natatakot ba ito kay Leandro Jose at kinakailangan pang kumuha ng magpapaikot sa huli? Bakit hindi na lang nito galingan sa trabaho upang si Xavier ang susunod na mauupo bilang Presidente ng kompanya nila? "Hays!" naiinis na sambit ni Matilde at saka siya tumayo para pumunta sa malapit na banyo dito rin sa term

