CHAPTER 32

3159 Words

"ANO 'to? Anong meron?" nagtatakang sambit ni Matilde sa harapan ng pamilya niya. Hindi niya akalain na ganito ang madadatnan niya pagkapasok niya sa bahay nila. "Birthday mo ngayon ate. Tingnan mo ang kalendaryo..." nakangiting sambit naman sa kanya ng kapatid niyang si Adrianna. "Oo nga anak. Kaarawan mo ngayon. Kaya sinurpresa ka namin," saad naman ng nanay niya. Titig na tigig ito sa kanya. Samantala ang tatay naman niya ay lumapit sa kanya at niyakap si Matilde. "Maligayang kaarawan, anak ko, Matilde," saad nito at saka muling bumalik sa katabi ng nanay niya. Napakurap kurap naman si Matilde. Birthday niya ngayon? Kinuha niya ang kanyang cell phone at oo nga, ang petsa ngayon ay ang araw ng kanyang kapanganakan. Dalawang taon na rin siyang hindi nagce-celebrate ng birthday niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD