TATLONG araw nang mainit ang ulo ni Xavier. Hindi siya makapag-focus sa trabaho niya at wala siyang ibang naiisip kung hindi ang sino ang sunod na mauupo bilang Presidente ng kompanya. At kahit anong gawin ni Xavier ay may agam-agam pa rin sa puso niya. He was scared na baka mauwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan niya at mapunta lamang ang lahat kay Leandro Jose lalo na at nauungusan na siya nito pagdating sa trabaho. Nagprisinta silang dalawa ng huli ng bagong proyekto ngunit hindi naiayos ni Xavier ang proposal niya. He was nervous as f**k. Lutang din ang pakiramdam niya. At mas lalo pa ngang nadagdagan ang init ng ulo niya nang marinig niyang nag-uusap ang kanyang ama at si Leandro Jose. "You did a great job today, Son. The investors like your proposal and they might consider it,"

