PINIGILAN ni Matilde na 'wag umiyak. Ngunit masyadong masakit sa mga mata ni Matilde ang nakikita niya at namalayan niya na lamang na sunod-sunod na ang pagpatak ng luha niya. Naninikip din ang dibdib niya at hindi siya makahinga ng maayos. Tinapik niya iyon ng paulit ulit. "Kumalma ka nga! Walang nakakaiyak! 'Wag mong iyakan ang nakita mo!" kastigo niya sa kanyang sarili habang nasa isang madilim na sulok siya ng bar. Imbis na umuwi ay mas pinili pa ni Matilde na magpakalasing. Nandidito na siya bar. Ilan sa mga tao ay takbuhan itong lugar na ito kapag may problema. Kaya bakit siya uuwi? Ano naman kung mula sa kinauupuan niya ay tanaw na tanaw niya kung papaano maglandian sina Leandro Jose at ang babaeng kasama nito? "Hindi ka pa hulog niyan ah! Pero. Ngumangawa ka na," bulong ni

