"BAKIT mo naman natanong iyan?" Napaayos ng kanyang upo si Matilde nang mariin siyang titigan ni Angela. Nakaarko pa ang kanang kilay nito sa kanya at saka siya pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang kanyang paa. "Broken ka na rin ba? Ang aga mo naman yatang kainin iyong mga sinabi mo sa akin noong nakaraan, friend, muling sambit nito sa kanya. Ngunit hindi katulad niya na pinagtawanan ito noong nakaraan, taliwas ngayon ang reaksyon ng huli. Seryoso ang pagkakasabi ni Angela sa kanya. Napatikhim naman siya at nag-iwas ng tingin dito. Bakit naman ang assuming ni Angela at inisip kaagad nito na sarili niya ang tinutukoy niya? Oo at tila kumukuha lamang siya ng opinion dito. But that doesn't mean na broken siya. She's just asking. Natawa siya. Nilingon niya ang kaibigan niya at pina

