HINDI alam ni Matilde kung nahihibang na ba si Xavier o sadyang desperado lamang ito mapabagsak ang kapatid nito na si Leandro Jose. Ilang beses niya nang sinabi na hindi siya payag sa inaalok nito. Pero kung dadagdagan naman nito ang talent fee ni Matilde, aba'y sino naman siya para tumanggi hindi ba? Sa panahon ngayon, isa sa mga dahilan upang sumaya ang isang tao ay dahil sa pera. Hindi sangayon si Matilde sa kasabihan na money can't buy happiness. Dahil unang una, kaylangan mong magkaroon ng pera para magawa mo ang mga bagay na gusto mo. Sino ba ang gusto ayaw sa pera? Lalo na at ang hirap maging mahirap. "So?" ani Xavier sa kanya nang matagal siyang hindi nakapagsalita. Tumikhim si Matilde. Parang nawala ang antok niya dahil sa narinig niya. Napakayaman talaga ng isang ito. Pero a

