Andrea’s Point of View “I’m nervous,” sabi ko nang nasa harapan na kami ng pintuan ng bahay nila Kevin. Inimbitahan niya kasi kami ngayon na sumama sa kanila sa party ng mom niya. Birthday daw kasi nito ngayon. “Don’t be. I’m here.” Hinawakan ni Kevin ang kamay ko at pinisil pisil iyon para maibsan ang nararamdaman kong kaba. “Ako rin kinakabahan.” Sabi ni Sabrina. Kasama rin namin sila Luke ngayon. “Bakit ka kakabahan? Ikaw ba ang ipapakilala sa magulang, ha?” Pang aasar sa kanya ni Lucille na siyang kinatawa naman ng iba. Hindi ko magawang tumawa dahil nga sa kabang nararamdaman ko ngayon. “Gaga, hindi iyon. Paano kung naandiyan mga Kings tapos makilala tayo?” Napatingin ako kay Sabrina dahil sa sinabi niya. Mas dumoble ang kabang nararamdaman ko ngayon. “Wala sila rito. Nasa Bali

