Lucille’s Point of View “David, saan ba tayo pupunta?” Tanong ko sa kanya. Bigla nalang kasi niya akong hinila palabas ng bahay nila Kevin tapos para pa siyang nakakita ng multo. Ngayon ko lang ata siya nakitang ganito kakaba. “Uuwi na tayo, Lucille.” Ma-awtoridad niyang sabi sa akin. “Ha? Maaga pa. Ni hindi pa nga ata nagsisimula ang totoong party. Isa pa, hindi ko pa nakikitang umaalis ng party ang mga kaibigan ko.” Sabi ko sa kanya. “The other Princes will take care of them pero sa ngayon kailangan mo nang umuwi. Kailan mo nang umalis dito. Ihahatid na kita—” Hindi pa man natatapos ni David ang kanyang sasabihin ay tumunog na ang kanyang telepono. Inirapan ko siya dahil hindi ko maintindihan ang dahilan bakit siya biglang nagkaganito? “Prince,” bati niya sa kausap niya sa kabilang

