Andrea’s Point of View Ilang beses na kaming nakakarinig ng putok ng baril sa labas. Kaya nagdesisyon na kaming pumunta kung saan iyon nagmumula. Kinakabahan ako dahil maaaring isa sa mga kaibigan ko ang matamaan nito. Nagtatalo pa rin sila David at Lawrence kung sinong pinakamaraming napatay. “Ako kaya, ang dami kong nabaril kanina.” Sabi ni David kay Lawrence. Nagkita kita rin kasi ang grupo namin at sila David sa loob ng bahay na iyon. Halos maubos ng dalawang ito ang mga taong nagbabantay sa bahay. Hindi man lang namin natanong ang mga iyon kung sinong boss nila. Mga walanghiya talaga! “Dude, can you hear yourself, and are you blind? Hindi mo ba nakita kung ilan ang nabaril ko?” Banat naman ni Lawrence kay David. “These two! Ilang taon na kayo? Ang childish ha! Tsaka hindi lang ba

