Lucille’s Point of View Pumasok kami sa klase namin ngayong araw kahit na mga kulang kami sa tulog at ramdam pa rin ang pagod dahil sa nangyari kahapon. Sila Andrea, Sab, Luke at Kevin lang ang hindi nakapasok. Kung magtatanong man ay siguro gagawa nalang kami ng dahilan bakit sila wala. Break time na namin ngayon pero mas pinili namin ang manatili sa silid namin. Hindi naman kami nagugutom para pumunta ng canteen. Mamaya nalang kami magla-lunch sa mismong lunchbreak. “Girls, actually may hindi pa ako sinasabi sa inyo kahapon. Ayoko kasing dagdagan ang mga iniisip niyo kaya mas pinili kong ipagpaliban nalang muna ang pagsasabi tungkol doon.” Napatingin kami ni Alexis kay Tristan. Nakatungo ito at halatang may malalim na iniisip. “Ano iyon?” Tanong naman sa kanya ni Alexis. “Iyong dumu

