Pagka park ng sasakyan pumasok sa loob ng restaurant si sander, mukhang walang pinagbago ng tumingin sa paligid. Maganda, classy at maaliwalas, masarap kumain sa ganitong ambiance. Tahimik s'yang umupo kumunot ang noo n'ya ng mapansin ang babaeng umagaw ng atensyon n'ya.
Tahimik s'yang sumulyap dito at napangisi s'ya ng makita ulit ito. Mukhang hindi ito napapansin abala makipag kwentuhan sa mga kasama nito. Pasimpleng pinapanuod n'ya ang babae, ilang minuto ang lumipas napansin n'yang aburido ang mga kasama nito.
Nilapag n'ya ang phone ng makita ang waiter tinawagan n'ya ito.
"Waiter?" Tawag nya at lumapit ito.
Tila alanganing itong magsalita ng makitang napakalakas ng aura nito,"Sir, ipapaalam ko lang po sana inyo na maaantala po tayo sa pag-dine in nyo. Dahil may ngyaring emergency sa quality control ng pagkain namin."
Pag papaliwanag sa kan'ya,
Kumunot ang noo ni sander na halatadong iritado sa sinabi ng waiter.
Bumuntong hininga si sander para kumalma. Palihim siyang nagmasid sa paligid. Ngayon alam na niyang pareho sila sa sitwasyon ng mga costumer, lalo na sa babaeng kanyang tinitigan kanina lang.
"Did you see them?" Turo n'ya sa kabilang table at hindi naman sila napapasin. "Yes sir." Sagot nito.
"Kanina pa ba sila?" Nag aalangang tumango ang waiter sa kan'ya. "Twenty minutes na po silang naghihintay, but sir inabisuhan na po namin tungkol sa nangyari at pumayag naman po sila." Kumunot noo si sander napahilot s'ya sa sentido dahil malapit na s'yang mairita, yumuko lamang ang waiter na tila't nahihiya ito.
"So it's okay with them? They are waiting for thirty minutes? for God sake!." bulalas ni sander ng madiin ngunit mahinang boses. tumango lamang ang waiter dahil wala itong magagawa sa nangyaring aberya.
"Pero sir willing naman po silang maghintay." Paliwanag nito kaya walang magawa si sander. "Then fine." Sumulyap ulit s'ya sa kabilang table.
"Gusto kung maka usap ang supervisor n'yo sandali lamang." Nagulat ang waiter sa usal ni sander. "Don't worry and don't expect anything." paliwanag n'ya at tumangong sumunod ito sa nais n'ya.
***
Tanaw ni nanan ang waiter may dala itong pag kain palapit sa kanila
"At last dumating na ang order nating pag kain." Pag bubunyi ni hazel pumalakpak pa ang kamay nito at napalingon si nanan ng marinig si abe.
"s**t i can't wait anymore." Bulong nito at mukhang gutom narin talaga sila, napansin n'ya si anna na tahimik lamang ngumingiti, napatingin din ito sa kan'ya at ngumiti s'ya, tumangong ngumiti din ito. Nilapag sa table ang mga pag kain talagang takam na takam narin s'ya ng mapansing iba ang order n'ya at tiningnan n'ya ang mga pag kain ng kaibigan n'ya. Nguni't hindi ito napansin dahil abala sila sa pag kaing nasa harap nila't sinumulang lantakan ng mga ito.
Pag kaalam ni nanan hindi ito ang order n'ya kaya napaka kunot noo s'yang nakatitig sa plato n'ya kahit nag tataka at nag alangang sumubo. Hindi n'ya napapansin may mga matang naka tanaw sa kan'ya tila bawa't galaw ay pinag masdan s'ya.
Napansin ng mga kaibigan n'ya nguni't hindi na ito pinag tuunang pansin si nanan. Nag simula na s'yang kumain nagulat s'ya ng malasahan ito at talagang masarap sa panlasa n'ya napangiti s'ya ng hindi namamalayan.
Habang sa kabilang table abalang pinapanuod s'ya sa bawat subo at reaksyon n'ya tila't giliw na giliw sa kan'ya. Ilang minutong pinag sawa ang mata at tumayo ito.
Abala si nanan sa pag subo ng sumaktong umangat s'ya ng tingin sa lalaking dumaan, nag kasalubong ng titig dito't naudlot s'ya sa pag nguya tila't huminto ang mundo nila sa sandaliang tinginan. deretso itong lumakad palabas at sinundan ni nanan ng tingin ang lalaking nakatalikod sa kan'ya. Pakiramdam n'ya may kakaibang kaba sa dibdib n'ya kinakabahang may kiliti at hindi mo maipaliwanag. Napatulala s'ya sa lalaking pinag labasan ng restaurant.
Nag tatakang lumingon sa kan'ya ang mga kaibigan n'ya.
Napakurap s'ya, do i look weird?, bakit kumabog ang dibdib n'ya ibang pakiramdam. Napa iling na humarap s'ya sa mga kasama n'ya.
Ngumiti s'ya ng mapag tanto niyang nakatulala ulit s'ya sa kawalan,
May sumiko sa kan'ya
"What?"..pinandilatan s'ya ng kaharap n'ya,.
"Seriously?!" untag sa kanya ni hazel.
"Kanina kapa kinakausap ni leonel nanan!"...
Tumango naman sa kanya si leonel ng harapin niya ito, at tumingin din ako sa katabi ko na si anna, then abe. Sumimangot ang tatlo.
Kaya pinitik ni leonel ang noo ko ng mahina para mahismasmasan.
"Done!".. ngumisi ito,
Lumingon ulit s'ya, sa pinag labasan ng lalaki't pinilig na lamang ang ulo n'ya.
"Are you out of your mind nanan!".
Habang hawak ni abe ang tinidor sabay subo.
"Im okay guys, something did happened in my mind". Pag alibay n'ya sa kasama nito.
"May naalala lang ako! that's it!".
"Fine! Dahil sa kalagitnaan pa lang tayong kumakain." palatak ni anna habang ngumuso sa mga pagkain.
"Totoo naman, i"m not done yet!"
Segunda ni hazel at panay ang nguya nito.
Tiningnan niya si leonel tahimik itong ngumunguya ng pag kain, lumingon sa kanya si abe at ngumisi ito.
Gosh!, they are intimidating! saad n'ya sa isipan at pinatuloy ang naudlot n'yang kumain.
Bago umalis si sander
Sumulyap muna s'ya sa labas ng restaurant bago pumasok sa loob ng kotse. (Door thumping)
Tumingin sa relo n'ya at umalis ng naka ngisi dahil kanina.
habang palayo na s'ya sa restaurant, alam niya na may kakaibang umaaligid kalayuan sa restaurant kaya nag madali s'yang umuwi. Hindi bago sa kaniya ang ganitong sitwasyon, mahirap kumilos kung bawat yapak mo may peligrong lumalapit sayo. Sana'y na s'ya at kinailangang mag ingat lalot nakasalalay dito ang kanyang pakay sa pinas. May pinangako s'ya sa taong bumabagabag sa kanya kaya hindi siya titigil at mag patuloy sa responsibilidad na binigay sakan'ya.
Habang nag mamaneho siya napaka lalim ng iniisip niya mahigpit na hinawakan ang manibela at pinaharurot ang kotse niya't tumingin sa side mirror, napansin niyang may sumusunod sa kanyang sasakyan kaya't niligaw niya ito't nag iba siya ng direksyon nakita niya ang spot light malapit na itong mag red signal at kinailangang hindi siya maabutan ng stop over mabilis niyang nilihis ang kotse niya at lumiko. napasulyap ulit s'ya sa side mirror masaya siyang makitang sumusunod sa kanya ay huminto sa gitna ng highway napa buntong hininga s'ya at pinag patuloy niyang mag maneho patungong mansyon. Mabilis siyang nakarating, agad sinalubong s'ya ng kanyang mga bantay dito sa mansyon.
"Boss" yumuko ito saglit bilang pag bati, tumango lamang si sander hinagis dito ang kanyang susi't nasalo ito, patuloy niya binaybay papasok sa loob ng mansyon.
Dumaretso siya sa head quarter's nadatnan niya ang tatlo kanya-kanyang puwesto sa kanilang pamamahinga mukhang tulog ang mga ito ng magsalita s'ya.
"Bakit dito kayo natutulog?". Saad niya ngunit mariin ito.
Napa balikwas sila sa gulat ng marinig ang boses ng kanilang boss sa mga harapan nito.
"Boss!" Bulalas ng tatlo habang inaayos ang mga sarili nila at may kumakamot pa sa batok.
"Boss mas okay kami dito atleast makapag monitoring habang wala kayo." Pag dahilan ni migs.
"Tsaka boss mas komportable kami sa ganito." Segunda ni trio napatawa si max at napatingin si sander dito.
"Boss relax tinamad lang kami pumanhik sa aming mga kwarto." Saad nitong natatawa sa inasal ng boss nila. Ng marinig niya ang sagot ng mga ito sa kanya ay umalis kaagad s'ya roon.
"Ang labo ni boss, umuwi lang tayo dito sa pinas nag kaganyan?." Si migs nag tatakang tumingin sa dalawa at kibit balikat lang ito.
"Shhh" patahimik nito dahil ipag patuloy ang naudlot nitong pamamahinga, ganun din sina trio at migs.
Hapon ng naka uwi si nanan bitbit ang pinamili niya sa market ng dumaan ito. Tinungo ang kusina't niligpit ang pinamili n'ya at inayos ito. dahil may gawain pa siyang tapusin at may pasok kinabukasan.