CHAPTER 4

1287 Words
"Kuyaa!!.." Biglang bumangon si Nanan ng magkamalay. Sakabila ng kanyang napanaginipan ay agad siyang kinabahan, pakiramdam niya pawang katotohanan ang lahat ng eksena na kanyang nasaksihan sa panaginip. Nakaramdam siya ng kalungkutan kasabay nito ang pagkirot ng kanyang puso. Wala siyang ediya ano naba ang nangyayari sakanya nitong nakaraang araw. "Weird," Habang menamasahe ang noo niya. "Nasaan nga pala ako?" Tumitingin sa paligid, medyo nanakit ang buong katawan niya ng igalaw ang dalawang paa. Napansin niyang may sira ang bahagi ng pantalon. Napangiwi siya sa nakita, ng maalala ang nangyari nahimatay lang naman siya at hindi na tuluyang aksidente. 'Malapit na, kaunti ngalang at tsugi kana Nanan kapag nagkataon! 's**t! Narito nga pala ako sa hospital.'' Pagpapanic niya, kabado lang naman siya sa hospital bill dahil wala naman siyang ipangbabayad. 'Sinong hudas ba ang kamuntikan akong sagasaan? Ang lakas loob niyang dalhin ako dito sa hospital at nawalan lang naman ako ng malay. Kung hindi ba naman mga tanga ang dumala sakin dito." Aalis sana si Nanan sa higaan at nagkataong bumukas ang pintuan dahilan para magulat siya at nahulog. Mabilis siyang napalingon at iniluwa doon ay isang nurse. Nakita niyang pinipigilang matawa ito at agad siyang tumayo habang palapit sakanya ito. "Ahmm," Pagtikhim nito at tuluyang nasa harapan na nga niya ang nurse. "Mabuti gising kana?" Bahagyang ngumiti sa tanong nito. "Ito yong gamot inumin mo para sa infection at painkiller para hindi sumakit ang katawan mo". Utos ng nurse ng iabot sakanya ang gamot at tubig. Ibubuka sana niya ang bibig, biglang naudlot pa. "Pwede kanang lumabas ng hospital, at okay naman ang lagay mo." Tumango nalang si Nanan dahil walang masabi sa sunod-sunod nitong sabi nang bumungad sakanya ni' hindi siya magawang magsalita muna. "Thank you." Tumango lang rin ito sakanya at agad na lumabas ng silid. Nag-alala si nanan sa hospital bill. "Bwesit talagang may pakana sakin nito! Paano na ako ngayon?!" Himutok niya sa sarili. 'Bakit ko naman problemahin ay may solusyon naman.' Mabilis siyang tumayo. "Arghh, kainis!." Nagmadaling lumabas ng silid at kailangan niyang makalabas agad ng hospital. Mabuti nalang walang nakakapansin sakanyang paglabas ng makarating ng labasan at nakahinga siya ng maluwag. "Alast, makakauwi narin ako. Salamat sa araw na ito at walang ibang nangyaring malubha sakin. Maliban nalang siguro sa minalas ako ngayon." Bulong niya ng makatanaw ng tricycle na masakyan pauwi. "Manong, pasakay po." "Saan iha?" Tanong ni manong. 'Tsk, kaahit ako nahihiya sa pangalan ng barangay namin. Ang pangit!' "Sa barangay Lantod, tres street po manong." Natawa si manong ng banggitin niya ang pangalan ng barangay nila. Umaandar na ang tricycle at abala ang isipan niya, 'Saan na kaya ang walang hiyang hudas na muntik akong sagasaan? Iniwan ba naman ako,na walang pasabi at walang sorry? Ay, buhay. Erase na nga yan sa isipan ko. 'Wag lang kami magkita todasin ko talaga ng dalawang sapak sa mukha, 'yon lang naman para makaganti lang ako! Paano nga? Hindi ko namumukhaan ang hudas na 'yon?! Ang gulo naman, kakasabi nga lang sakit sa ulo inulit ko pa.' "Nandito na tayo, iha." Nahimasmasan si Nanan ng huminto ang traysikel ng magsalita si manong driver. Mabilis siyang dumukot ng pamasahe at inabot dito. "Thank you, Manong driver." Masayang sabi niya, ngumiting napakamot sa batok nalang ito sakanya ng makaalis na s'ya. Lumiko ng daan, papunta sa bahay niya. Tanaw agad n'ya ang mga kaibigan na matyagang naghintay sakanyang pag-uwi. Nang mapansin nila si Nanan, sumigaw ang mga ito. "Nanan?!" Halatang nag-aalala ang mga ito, hindi maipinta ang mga hitsura ng tatlo at nag madaling lumapit sakanya. Hinampas siya sa balikat pagkalapit niya sa mga ito, "Aray! naman masakit." bulalas niya,napalakas yata at nadagdagan ang sakit sa katawan niya. Pinagniningkitan siya sa mga titig ng mga kaibigan niya, ang iba naka-cross arm, o di kaya tinaasan siya ng kilay. Sinuyod siya ng tingin ng mga ito mulo ulo hanggang paa ng mapansing may bandage ang paa niya doon lahat umalma.. "Bakit anong nangyari sayo Nanan?! "Oh, my Gosh!" "What the__" Sabay sa pagbulalas ng tatlo, agad siyang inalalayan ng kumalma narin sila. Pero makalipas lang yata ng ilang segundo, "Mukhang pinagsakluban ka ng mundo sa hitsura mong yan nanan?!.." pang-aasar ni abe. Nagtatakang tumingin si Nanan dito, ng lumipat ang tingin sa dalawa parang natatawa na ewan ang mga ito. Kaya doon lang narealize ni Nanan ang ibig sabihin ng umingos ang mga nguso nila sa ulo niya. "Naman! Tinamaan ng bagyo, este hangin pala dahil pagsakay sa trisekil. Kaya siguro natatawa si manong driver kanina ng bumaba ako." Bulong niya, ng matapos kapain ang sariling ulo. Gusto niyang magmura sa inis pero nawalan siya ng lakas para sakanila at makipag-asaran. "Woah, wait! ganyan agad ang salubong mo sakanya Abe? Tingnan mo nga ang ___" naputol ang sasabihin pa sana ni Ana ng sumingit bigla ulit si Abe. "Fine! Nag-alala din ako para sa kanya kung hindi lang tayo tina____" Hindi na pinatapos ni Nanan magsalita ay agad niyang inunahan ito. "Pwede ba,paki-usap. Papasukin n'yo muna ako sa loob?! hindi n'yo nakikita ang lagay ko ngayon? masakit na nga ang katawan ko." Hindi niya maiwasang pagsalitaan ang dalawa dahil siguro sa lagay niya ngayon at walang lakas makipag-trip sa mga kaibigan niya. Alam niyang ganun talaga ugali ni Abe, sanayan lang. Dinukot mula sa bulsa ang susi,"Tsk," at iniwanan niya ang dalawa na tumahimik na sa bangayan. "Wait, Nanan. Dahan-dahan lang sa pag-kikilos." Ng makahabol ito sakanya ay agad siyang hinawakan sa kaliwang braso habang inalalayan papasok sa loob ng bahay. Hanggang maka-upo siya sa sofa. "Hindi naman po ako parelisado Anna. Kaya okay na ako," "Your welcome,ah." Sarkastik nito. "Nanan," Tawag sakanya ni Hazel, Siguro isa rin ito na makating usisain siya sa nangyari kaya hinarap niya ito. "Alam mo bang nag-alala kaming tatlo sayo, ilang beses ka namin tinatawagan walang sumasagot kaya 'di ka namin ma reach pagkatapos mag-ring ang phone mo. Isa pa, may nabalitaan kaming insidente sa mall." "Kinabahan na kami sa nabalitaan, baka isa kana roon sa insidente." "Tama nga kami dahil mukhang galing ka nga sa hospital? May ebidensya oh?" Tumingin sila ng ituro ni hazel ang binti niya kaya hinayaan muna niyang magtatanong ang mga ito. "Ilang oras kang nawala Nanan, for pete's sake! Nag-alala talaga kami para sayo." Hindi mapigilan na lumabas ang emosyonal ni Anna sa sobrang pag-alala sakanya. Nagkatinginan sila sa isa't- isa dahil kasalanan naman talaga niya. Isa pa, pagod narin siya. "Im so, sorry, guys. Pinag-alala ko pa tuloy kayo." Hingi ng paumanhin niya sa mga ito. "Mabuti nalang, walang masamang nangyari sayo at iyan lang natamo mo". Sagot ni Anna, ngumiti lang siya dito. "Next time, kung gusto mong mapag-isa. Ibibigay naman namin sayo ang privacy para sa sarili mo nanan." Tinamaan si Nanan doon, "Hindi dapat ganito ang inabot mo at huwag kang tatakas ulit, sabihan mo nalang kami dahil mauunawaan ka naman namin, okay?" Nakangiting tumango siya sa tatlo, "Thank you, and i'm sorry sa inyong tatlo, Abe,Anna,Hazel. Lagi kayong nandiyan, para sakin kaya the best talaga kayong lahat sakin." Kamuntikan pang tumulo luha niya dahil sa sinabi niya sa tatlo. Tumawa lang ang tatlo at niyakap siya, "Syempre we always be here for you, and we always love's you." sabi ni Hazel at sabay-sabay na tumango-tango ang tatlo sakanya na nakangiti. Hanggang magsalita si Anna,"Sige, aalis na kami nanan. Para makapagpahinga kana rin." "Tsaka, anong oras na kaya," Sabi ni Abe ng tumingin pa sa wrist watch niya. Nahihiyang ngumiti si Nanan, "Oo nga e, napagod rin ako. Isa pa,gusto ko narin magpahinga," "See yah tommorow sa simbahan, okay?" Pahabol pa nito. Nag thumbs-up nalang siya dito at nginitian silang tatlo. "Mag-iingat kayong tatlo sa pag-uwi," Pahabol din ni Nanan at kumaway ang mga ito sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD