Sa mansyon ng Abilla, mula ng makauwi sina Sander. Hindi niya mapigilang maalala ang babaeng, muntik ng masagasaan. Mabuti na lang alisto at nakapag-preno si max ng sasakyan. Dahil sa takot, nahimatay ito.
Siya rin ang babaeng umagaw ng kanyang atensyon kanina sa mall. Papunta sana siya sa opisina ng kaibigan niya at tahimik itong nakaupo ng makita niya ang babae.
Tumunog ang phone ni Sander, ng tingnan niya ito ay napag alamang si trio ang tumawag. Ito kasi, pina-iwan niya para magbantay sa babae at hintayin na magising ito.
"What?" Pagsagot niya,
"Boss, wala na dito sa hospital yong babae. Iniwan ko lang naman sandali, pagbalik sa kwarto niya nawala na."
Pagpapaliwanag nito sa kabilang linya.
Kumunot ang noo ni Sander,
"Are you sure? Did you search all the area, baka hindi pa nakakalayo 'yon!"
Napabuntong hininga siya ng malalim at tumitingin sa ibaba para kumalma. Tanaw niya ang labas mula sa terrace ng kwarto niya.
"Boss hinanap ko talaga ang babae, ngunit hindi ko na makita. Titingnan ko nalang ang cctv, baka may malaman ako."
"Alright give me damn an update about her! Kung okay na ba s'yang nakalabas ng hospital."
Medyo kalmadong utos niya.
"I will, boss,"
"Fine!" Agad n'yang pinatay ang phone.
"Seriously, Agad s'yang nawala sa hospital na ganun kabilis?" Usal niya,
Nagmadaling pumasok sa kwarto si Sander at mabilis bumaba. Hanggang makalabas ng mansyon, hinanap agad niya si Max.
Nakita n'ya roon sa kubo, nakasandal sa ilalim ng malaking puno. May hawak itong stick ng sigarilyo at panay buga nito. Napa-buntong hininga nalang s'ya habang palapit kay max ay biglang lumingon ito sa gawi niya at nakataas ang kilay.
"What?"
Sambit nito, ng makalapit si Sander sumandal rin ito sa puno sabay abot naman ni max ng stick ng sigarilyong may sindi na. Bago s'ya magsimulang mag salita, humithit muna si Sander at bumuga ng usok.
"Yong babae na dinala natin sa hospital nawawala."
Lumingon sakanya si max at kumunot ang noo.
Ilang segundo lang qt muling nagsalaita si Sander, "Pumunta ka ng hospital naroon si trio. It's about her, imbestigahan mo at bigyan mo ako ng info."
"Are you interested on her?" Biglaang tanong agad sakanya ni Max,
Alam n'yang nakatingin parin sakanya si max marahil nagtataka ito sa mga kinikilos niya. Kilalang kilala na talaga sya nito. Matagal na silang mag kasama, hindi lang bilang personal bodyguard niya, kasama sina trio at migs.
Silang tatlo ang pinag-katiwalaan niya sa lahat sa mga tauhan niya. Hindi dahil sa galing, kundi sa prinsipyo nila sa buhay na sinumpaan nila para sakanya. Meron pa siyang kailangang tuparin bago ang sariling kaligayahan niya.
"Boss?" Biglang napalingon si Sander kay Max sa lalim ng iniisip niya. Nakita niyang inapakan ang naubos na sigarilyo nito..
"Wala akong lakad bukas. Kaya alam kung alam muna ang gagawin mo, iwan mo dito si migs in case of emergency." Pagtugon niya dito at tinapon ang stick ng sigarilyo,
"Sige boss, balitaan ko nalang kayo. Sunduin ko na si trio at baka hindi na maka-uwi sa paghahanap doon sa babae." Sabi ni max.
Kumunot ang noo ni sander, habang paalis na ito, tumingala s'ya sa kalangitan.
'Mag-isang linggo palang kami dito sa pilipinas simula ng umuwi kami rito. Matagal na rin pala nawala sila dito sa pinas. Simula noong… mapait na trahedya.'
Saad nito sa isipan,
Nadatnan n'ya si manang josie ang mayordoma ng mansyon nila na matagal ng naninilbihan sa sakanila.
Wala na rin itong pamilya at mag-isa narin ito. Ito rin ang nag alaga sakanilang dalawa ng kapatid n'ya. Itinuring pamilya si manang josie simula ng nabubuhay pa ang magulang nila. Kaya hindi iba ito sakanila ang matanda. Dahil ito halos umaruga sakanila at nagpalaki habang wala lagi ang magulang nila noon.
Strikto si Sander sa pamamahay n'ya kapag ora's ng trabaho. at nagkataong nasa bakasyon ang ibang katulong ng dumating ito. Ayaw nito na kaunti ang katulong sa mansyon. Marami kasi itong napupuna simula ng umuwi kaya nagpaliwanag agad si manang josie no'ng araw na 'yon sa biglaang pag-uwi nang may-ari. Sa tagal ng panahong hindi umuwi ang binata mula sa ibang bansa.
"Manang nagbisita na ba kayo sa kabilang mansyon sa mga cole?" Tanong n'ya,
Umiling lang sakanya si manang.
"Kumain ka muna iho, naghanda ako ng hapunan." Alok nito sakanya kaya't tumango lang si sander at nagtungo sa mesa.
"Manang kumain na ba kayo?"
"Oo iho, kanina pa." ngiting sumagot ito sa binata niyang amo.
***
Karating lang ni max sa hospital nakita n'ya si trio palabas sa entrance, humahangos at patakbong palapit ito. Tinawagan n'ya para makibalita sa nawawalang babae dahil agad itong lumabas ng hospital.
Alam n'yang kinakabahan si trio dahil yon ang utos sa kanya bilang trabaho, at alam n'yang may kaukulang parusa. Nguni't binalewala nalang ito.
"Tsk," Umiiling-iling si max, kaharap si trio.
"Halika na, naghihintay na si boss sa mansyon,"
Aya nito kay trio at pumasok sa loob ng sasakyan patungong mansyon.
***
Sa balkonahe nagpapahangin
sa taas si sander, sa labas ng kwarto n'ya habang ang dalawang kamay nakahawak sa railing's. Ramdam n'ya ang lamig ng hangin, na matatanaw ang labas sa buong mansyon.
Malalim ang iniisip, dahil alam n'yang hindi madali para sakanya ang susunod na hakbang. Nanariwa sakanya ang mga masasayang ala-ala dito sa mansyon, simula noon nag bata pa sila.
Tumunog ang cellphone ni sander. Nakita n'yang galing kay Max ang mensahe, pag katapos ay agad siyang may tinawagan sa telepono.
"I want you to find out that files, na i-send ko sa email mo. Kailangan ko ng buong detalye,"
"Yes boss, please wait for a moment,"
Hindi mapakali si Sander, Alam niyang wala naman kinalaman dito si Uncle jaime.
Hindi maiwasan ni sander na magtaka dahil sa importanteng ibinigay sa kanya mula pa sa ibang bansa. iba talaga ang naramdaman sa oras na 'yon ay pagtataka. Lalo s'yang nahihirapan sa sitwasyon. Habang ang kamay n'ya sa sintido na at minasahe. Lumapit s'ya sa kama at humiga para kumalma.
Pero hindi niya maiwasang mag-isip. Nakaramdaman man siya ng takot dapat hindi niya ito pangunahan at pairalin ang kahinaan. Dahil sinimulan na niya ito, at buong buhay niya ginugol ang panahon sa responsibilidad.
***
Sa labas naman ng mansyon Abilla, may itim na kotseng nakatago. Ang lalaking sakay nito naman ay sa taas ng puno at may hawak na teleskopyo upang mag-manman sa labas ng mansyon. Nakikita nitong may mga gwardyang nakabantay, may umiikot upang siguraduhing walang taong magtangkang pumasok sa mansyon. Nakikita ng lalaki ang lahat na galaw kahit madilim dahil sa bagay na hawak niya. Kaya malaya niyang pinapanood ang mga bantay mula sa malaking gate ng mansyon.
"Bakit naman kasi sakin pa pinagawa ito? Walang hiya! Nakakabagot kaya rito." Pagngit-ngit niya sa kinatayuan sa sanga ng puno habang humihikab pa.