KABANATA 6 paper bag

1560 Words
Maagang nagising si nanan. "Mabuti nalang effective ang gamot na pinainum sakin ng nurse". Kaya medyo okay na ang pakiramdam na paunti-unting nawawala ang pananakit ng ibang bahagi ng katawan. Napansin niyang nakatulog s'ya kagabi dahil sa sobrang pagod at deretso sa banyo para maligo. Pagkatapos, magluluto siya ng agahan. Lumapit siya sa ref, pagbukas niya bumungad sakanya na halos wala ng laman. Napatampal tuloy sya sa noo sa sobrang pagkadismaya higit sa lahat nakalimutan niyang mamalengke. "Mamaya nalang siguro pagkauwi ko lagyan kita ng laman," usal niya sa sarili. Dinampot ang nag-iisang itlog na natira at ilang slice ng tinapay na mukhang pa expired pa. "Buhay naman talaga oh, ang hirap. Parang ako lang pinapahirapan." Di mapigilang reklamo nya. Habang abala sa pagluluto, "Hayop ka! Saan ka nanaman pumunta kagabi?! At lasing ka nanaman?!" Napangiwi si Nanan ng marinig ang kapit bahay niyang habit na yata ang mala-armalite nitong bunganga tuwing umaga. Walang iba kundi si aleng ebora ang kanilang number one chismusang kapit bahay. Hindi makapagtimpi si Nanan, "Naku, aling ebora! hagisan kita dyan ng granada! Makita mo! Mas malakas yon sumasabog, aabot pa sakabilang barangay kesa dyan sa bunganga mong mala-armalite lang ang tunog!" Sigaw niya sa kusina. "Walang hiya ka, Nanan! lakasan mo pa, naririnig kita mula rito!" "Hahaha__" tawa niya ng malakas. "Nanan?" Napahinto siya ng may marinig na tawag mula sa labas. "Nanan?" Nabulabog naman ang kanyang umaga. Mula kay aleng ebora at yong tao sa labas. Mabilis siyang kumilos ng patayin ang niluto niya. "Nanan!" Naka-ilang tawag na yata sa kanya. Dahil rinig na rinig sa loob ng bahay. "Nasa loob kaba?" maya-maya kumatok ito sa pintuan. Pagbukas n'ya bumungad ang mukha ni tino at may dalang paper bag. "Tsk, ikaw lang pala yan tino. Bakit ang aga mo naman nang bulabog sa tao?" Tumaas pa ang kilay niya at matiim itong tinitigan. Agad kinabahan si Tino ng makitang masama ang hilatsa ng mukha nito. "Ikaw naman Nanan, ganyan agad ang bungad sa'kin? wala bang ikakaganda ng umaga mo?" Malokong asar ni tino kay nanan. Mas lalong tiningnan ni Nanan ng masama si Tino. "Sus, di' na mabiro." Tawa nito at sabay itinaas ang hawak na dala. "Nag magandang loob lang ako, dahil dito sa hawak ko." Nguso nito sa paper bag. "Oh,bakit anong meron d'yan?" Nagtatakang tumaas ang kilay ni nanan. "Kanina may napansin akong nakaparadang kotse sa harap ng bahay n'yo ng napaka aga. At…" "Sasabihin ko ba? May kahina-hinalang lalaki nakatingin sa bahay nya? At mukhang hindi mapagkatiwalaan? Kung hindi lang sya naglakas loob lapitan kanina 'yong taong yon. Para alamin ano ang pakay kay nanan." Sa isip-isip ni tino. "Tino?!" Sigaw ni Nanan kaya nagulat naman ito. "At pinapasuyo ito ng lalaking hindi ko rin kilala kasi nagmamadaling umalis." Tumaas ang kilay ni Nanan. "And?" "Mabilis naman makahalata nito na may sasabihin pa ako." Isip ni Tino. "Wala na Nanan, nagmagandang loob lang ako sa taong yon. Ito nga binigay nya." Sabay abot kay Nanan. Mabilis naman nito binuksan at tiningnan ang laman sa loob ng paper bag. Nagulat si nanan, hindi naman alam ni tino ang laman kung bakit gulat na gulat ang reaksyon nito. "Nga pala___" "A..a..ahm. tino salamat ah?" Sabay sara sa pintuan na hindi pa pinagbigyan magsalita si tino. "Sandali Nanan!!" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Tino ng saraduhan siya ng pinto ng dalaga. "Wala bang thank you?!" Rinig ni Nanan ang sigaw mula sa labas. Ganun talaga ang ginawa niya dahil alam niyang sasabunin nanaman siya ng mga tanong. Labag man sa kalooban niyang pagsarhan ng pinto si Tino ay kailangan niyang gawin 'yon upang takasan niya ito. Hindi na iba sakanya ang binata na kapit bahay niya rin. "Naku naman, buhay." Bulong niya at nagmadaling pumunta ng sala. Mabilis niyang binulatlat ang laman ng paper bag. "Walang hiya! Kung sino ka man ang humatid nito. Wag kang magpakita sakin. Hindi man lang marunong maglagay ng notes at sabihing humungi ng pasensya. Napakadali lang ang sumulat at mabigay ng mensahe ah!. "Hudas!" Ang aga Nanan umiinit agad ulo mo. Nabigla ba naman siya. Then, bubungad sa umaga niya ang nag-paalala sa mga ngyari kahapon. Kaya mabilis kumulo ang dugo niya. Ngayong hawak niya ang binili kahapon na pinanghinayangan niya pa ito. Hindi inaasahang naibalik pa sa kaniya. Mabilis pa sa segundo ang panlalamig niya ng may mapagtanto. Paano nalaman kung saan s'ya nakatira? Hindi maari. Pero imposible__ Mabilis siyang umiling at isinantabi ang katanungan sa isip niya na mahirap sagutin.. Matapos gumayak ni Nanan upang magsimba. Mabilis siyang lumabas ng bahay. Nakakailang hakbang pa lamang siya ng may tumawag. Nakitang si abe ang caller, "What?" "Nasaan kana nanan? Okay kana ba?." Sa tono nito ang pag alala sakanya. "Yes, okay na okay ako ano kaba!." Pangungumbinsi n'ya dito at napa tingin sa tindahan nila Tino. Tawid lang ng kalsada, katapat mismo ng bahay nila. Napatingin si Nanan sa ibang deriksyon. Naramdaman niyang kakaiba at hinanap niya na imposible sa sagot niya. Muling lumingon sya sa bahay ni Tino. Habang may kausap sakabilang linya. "Sigurado ka ha?" "Sige paalis na po ako, heto na nga paalis na at mag lalakad pa ako patungong simbahan. "Sige see you". Pagbaba nito sa kabilang linya dahil may itatanong pa sana. Napailing nalang siya. At mabils naglakad habang patawid sa kalsada patungong simbahan. Dahil malapit lang naman ito at exercise narin sa katawan niyang medyo masakit parin hanggang ngayon. Twenty minutes lang ang nilakad n'ya, heto nakarating na. Pumunta siya sa gilid ng simbahan na may puno. Habang naghihintay sa mga kaibigan niya. Matiyagang nakatayo sa ilalim ng puno. May makikitang halaman at iba't-ibang uri na gulay. Dahil dito naalala niya ang nakaraan. Masasayang ala-ala kasama ang mahal niya sa buhay. Kaya napangiti siya ngunit naglaho rin ito kaagad at napalitan ng mapait na ngiti sakanyang labi ng maalala kung paano nagwakas ang masasayang sandali nila sa buhay. Hindi niya pansin ang luhang dumampi sa kaniyang pisngi. Pumikit siya at ngumiti. "Kamusta na po kayo dyan sa langit Tatang, Nanang? Siguro masaya po kayo dyan dahil magkasama kayong dalawa. Kung ako naman po tatanungin ninyo, hmm, okay lang naman po ako ganoon din si tita Lena. Hiling ko po sana gabayan niyo po ang anak ninyo na nasa malayong lugar. Tatang,Nanang salamat po. Narito po kayong dalawa sa puso ko. Nagpapasalamat parin ako dahil sainyo ay narito ako at humihinga. Nakatanim na po sakin ang mga masasaya nating ala-ala. Sa muli huwag po kayong mag-alala kita niyo naman maayos lang po ako. Paalam po muli." Gumaan ang pakiramdam ni Nanan. Pinahid niya ang luha sa pisngi at napatawa sa sarili. " Hahaha. Fighting! My self!" Simula ng mamatay sila kami nalang ni tita lena ang magkasama. Ngayon nasa abroad ang tita Lena niya kaya ngayon mag-isa lamang siya ngayon. Pero okay lang sa kanya at kinaya naman mag-isa. *** Sa kalsada palang naka tayo si leonel at mukhang hinahanap n'ya si nanan, nakita n'ya ito sa ilalim ng puno mukhang malalim ang iniisip nito habang naka talikod sa kanya. kaya hindi nito napapansin ang mga yapak kung palapit sa kinaroonan n'ya. Ingat na ingat s'ya upang hindi ito magbigay ingay sa bawat hakbang n'ya,ng makalapit na ginulat n'ya ito ng tapik sa balikat. "Ay putakteng hay*p ka!" Napatalon ito sa gulat dahil busy s'ya sa kanyang isipan, sabay lingon ng marinig niya ang halakhak nito. "Leon?! walang hiya ka talaga! gusto mo yata ako magkaroon ng heart attack?!" Pagsinghal niya dito at humalakhak lang ito ng todo at naka yukong tumatawa dahil sa hitsura ni Nanan kapag nagagalit ay namumula ito tila umuusok sa galit. Masakit na titig ang natanggap ni leonel mula kay nanan lumapit ito at niyakap s'ya para aluin. "Shhh, i'm sorry na okay don't be mad please?" Naka nguso lang si Nanan ng yakapin siya ni leonel isa ito sa mga kaibigan niyang pinag katiwalaan at kampante siya dito sa presensya nito. Ito ang unang kaibigan n'yang nakilala bago ang apat sina Anna,Abe at Hazel. Umalis ito at umuwi sa kanilang probinsya familly matter. "Hmmp, nang gugulat ka naman kasi wala ka parin pinagbago Leon?" Himutok niya dito. "One week lang ako nawala remember? Anong tingin mo one year?!" Bulalas nito ng kumalas sa pagkayakap. "Tssk. Malay mo nakalimutan muna kami at may nakilala kanang jowa girl mo doon nag papatigas sa malambot mong mamon at pinikot kana then___" naputol ang sasabihin n'ya sabay tingin sa baba ni leonel. Umarko ang dalawang kilay nito ng nahuhulaan ang ibig sabihin. "What?!, wait!" Tumaas ang dalawang kamay nito "What are you saying nanan?" Ng mapagtanto ni leonel tumawa si nanan. What the f*ck, are you talking about my___" sabay tingin sa.... "Oh my bad!" Sabay lagay ni nanan ang palad n'ya sa bibig. "That's true leon wala kaba talagang nakita don?." Sabay humagikhik si nanan na takip parin ng palad n'ya ang bibig. "What the hell! Nanan shut-up! gumaganti ka lang, nakahanap ka agad ng bwelo para asarin mo ako? Paano kung mag magic ito at ipahawak ko pa sayo? Aba baka kasing tigas pa ito sa sinasabi mong toasted mamon!." Pang aasar din n'ya dito. "Yuck! hindi tayo talo leon ever! Pumapatol ako sa tuwid at matigas!." Sabay hagalpak ng tawa si nanan para asarin si leonel dahil may pag landutay ito minsan, ang sekreto nitong silahis. Kami lang nakaka alam sa mag kakaibigan. (Miss A Herrania)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD