Naging masalimuot ang buong araw para kay Abbey. Kung ano-ano nang lumalabas na balita tungkol sa pagkamatay ni Stefano. Pero ni isa sa mga balita ay hindi naituro ang mga Galvani. Niccolo asked them to leave right away that night. Alam niyang mali. Na dapat silang humarap sa kung anong katanungan ng mga pulis. Pero alam niyang posibleng magkaroon ng giyera sa pagitan ng dalawang grupo ng mafia. Isang bagay na hindi mabuting mangyari. Mas marami ang masasawi. “Kagustuhan ni Stefano ang nangyari. Alam niyang makakanti siya kapag sinubukan niyang saktan ka. He asked for it, Abbey,” anas ni Jock. Hindi man lang napansin ni Abbey ang pagpasok nito sa library kung saan siya nanonood ng balita. She’s been there the whole night. Halos hindi kasi siya nakatulog. “I know, Jock. Nalungkot lang a

