Gamit ang robang yari sa satin ay lumabas si Abbey patungo sa dalampasigan. Mabuti na lang at maliwanag ang buwan kaya hindi siya nahihirapang bagtasin ang buhangininan. Something about the sea warms her heart. Kahit noon pa man. Hindi niya alam kung bakit pero masaya siya tuwing nakakakita ng dagat. Pero hindi iyon ang kanyang pakay. Kung susundin lang niya si Yaya Cora ay dapat nasa loob lang siya ng kwarto at hihintayin si Niccolo. Pero hindi niya kaya ang bawat minutong nakaupo roon nang walang ginagawa. Inaantok man ay kailangan pa rin niyang makausap si Niccolo. Gusto niyang humingi ng tawad. Sa di kalayuan ay nakita niya ang isang lalaking nakaupo sa buhangin. Humihithit ng sigarilyo at nakamasid sa dagat. Hindi alam ni Abbey kung bakit sumikdo ang kanyang puso nang makita ang

