“Why are you so worked up about it anyway? Sino ba si Abegail? At bakit kamukha ko siya?” hindi na niya mapigilang itanong. Iyon kasi ang kanina pa nagpapagulo sa isip niya. “I told you. She’s Yaya Cora’s friend.” “Are you in love with that Abegail?” Fuck! Bakit ba hindi siya makapagpigil? Kung ano-ano nang nasasabi niya? Iyon naman din kasi ang kanina pa niyang teorya. Paanong agad siyang nagustuhan ni Niccolo kung hindi isang ordinaryo lang siyang babae para rito? There must be something about her that makes him want to keep her. Pero imbes sagutin siya nang diretso ay isang iling na tila hindi makapaniwala sa narinig ang sagot ng lalaki. “Why can’t you answer me?” segunda niya. “Do I look like her? Ganoon na lang ba ang pagkakahawig naming kaya mo ako napansin?” “You’re being funn

