HINAPLOS ni Abbey ang mukha ni Niccolo habang natutulog ito. Tulog na tulog ang asawa dahil na rin sa pagod. Siya man din ay nahapo kaya lang ay talagang ginising ng lamig na nararamdaman. Doon niya naalala na wala pala siyang damit na suot. Ang kumot naman ay nakalihis na. Ibinalot niya ang sarili sa kumot at saka muling ibinalik ang tuon sa asawa. Niccolo and she just spent the best night of their lives making love. Hindi na niya matandaan kung ilang beses niyang narating ang rurok ng kaligayan habang magkaniig sila. Ang importante ay masaya siya. At sigurado rin siyang masaya si Niccolo. Ilang beses nitong pinaramdam sa kanya ang labis na pananabik sa kanya. Makailang ulit din nitong sinabi kung gaano ito kasaya na nasa bisig siya nito. Doon palang ay masayang-masaya na siya. Napating

